Naging usap usapan sa campus ang naging eksena nina Walter at Sane, mabuti na lamang at hindi naging issue ang paghila sa akin ni Sane.
"Ano ba kasi talaga ang nangyari nung araw na 'yon?" tanong ni Cleo sa akin. Nag aayos na sila ng mga gamit nila.
Tapos na ang exams namin at consultation nalang ng card ang iniintay ng iba, si Cleo at Tati naman ay uuwi na sa kani kanilang lugar, hindi na raw nila aantayin ang grades nila dahil ipo-post din naman sa portal.
"Wala naman 'yon. Sinungitan lang ako." ngumuso ako.
"Ano, uncrush mo na ba?" si Cleo, binuhat niya na ang bag niya.
"Siguro." nag-kibit balikat ako.
Nasa labas na ang mga sundo nila. Ang sundo ni Cleo ay ang boyfriend niya, kay Tati naman ay ang mga pinsan, kapatid at papa niya.
"Ingat kayo." nag paalam kami sa isa't isa. Nagbilin sila sa akin ng mga gagawin dahil mag isa na ako roon, nasanay na ako dahil umuuwi naman sila madalas sakanila, pero ngayon ay matagal tagal kaming hindi magkikita-kita.
Hindi na bago sa akin ang pagiging mag isa, nililibang ko lamang ang sarili ko sa pagla-laro at pag papatugtog ng malakas.
Kapag naman kakain ako ay bumibili na lamang ako sa labas. Medyo naging iba lang ang routine ko ngayong gabi dahil nag-crave ako ng delight.
Naglakad ako papunta sa malapit na 7/11. Wala halos tao roon dahil gabi na at wala na ang mga estudyanteng madalas ay ginagawa itong tambayan. Kumuha ako ng isang delight, natanaw ko naman ang nag-iisang lalaki na nakaupo roon sa table area.
Kahit nakatalikod siya sa akin ay hindi ako pwede magkamali kung sino siya.
"Hi." pagbati ko sakanya.
Tamad niya lamang akong nilingon, parang nagulat pa siya ng nakita niya ako pero mabilis lamang din siyang bumalik sa usual niyang ekspresyon.
Naupo ako sa upuan sa harapan niya. "Ikaw lang?"
Lumingon lingon siya sa paligid bago tumingin muli sa akin. "May third eye ka ba?"
"Ha?" takang sagot ko.
"Wala ka namang ibang nakikita rito hindi ba?" sungit naman.
Binalik niya na lang muli ang atensyon niya sa nilalaro kaya iniwan ko na siya roon para magbayad.
Kukuha sana ako ng pera sa wallet ko ng mapagtantong naiwan ko iyon.
Bakit ngayon pa?
"Ma'am may problema po ba?" tanong sa akin ng kahero. Infairness, gwapo. Pero wala parin sa ka-pogi-an ng baby ko.
"Kuya, naiwan ko po—" naputol na ang sasabihin ko ng may magbaba ng sachet ng brewed coffee at isang malaking ferero rocher doon.
Pareho kaming napatingin ng kahero dito. Si Sane. As usual, seryoso lamang ito.
"Isama mo na yung kanya." walang emosyon na sabi niya.
"Kasama niyo naman po pala ang wallet niyo, Ma'am, e." nakangiting sambit ng lalaki na parang ang ganda pa ng sinabi niya.
Boyfriend ka jan?! Hindi pa kaya. Manligaw muna siya.
"Salamat ha." sambit ko ng maupo na kami ni Sane sa upuan namin kanina.
"Akala ko umalis kana." mahinang sabi niya kaya hindi ko iyon halos naintindihan.
"Ha?"
"Sabi ko you are welcome."
Ngumiti ako sakanya. "Babayaran nalang kita kapag nakita kita ulit."
"Wag na." seryosong sabi niya.
"Nako, hindi no? Baka sabihin mo pa ginagawa kitang sugar daddy." tumawa ako.
Halos matunaw ako sa kinauupuan ko ng makita ko ang bahagyang pag ngiti niya.
"As if."
Para siyang robot kausap, kung hindi ko siya tatsnungin ay hindi siya sasagot.
"Magka-away pa ba kayo ni Walter?"
Kumunot ang noo niya. "Hindi ka rin chismosa, ano?"
"Hindi naman, curious lang." binalik niya na ulit ang tingin niya sa phone niya, kanina pa siya naglalaro. "Nag lalaro ka pala ng Ml?"
Duo tayo! Ako magsu-support sayo hanggang maging successful tayo pareho.
"Obvious ba?"
"Sungit." tumahimik na ako.
Dinig ko ang pagbuntong ng hininga niya. "Laro tayo."
Halos maibuga ko ang ininom ko dahil sa sinabi niya. "Seryoso?"
"Oa."
"Eto na, mag o-open na." natatawa kong inopen ang Ml app ko.
Jelly Coffee invited you.
Hindi ko iyon ini-accept. Ngumiti lamang ako kay Sane, inirapan niya naman ako.
"Add mo na ako or akin na id mo."
He gave me his id number. Automatic ko iyong inistalk.
Jelly Coffee
Mythical Glory 600"Ikaw to?!"
"Oo, Oa."
Ilang beses niya na pala akong ini-invite?
"Ikaw pala yung palaging nag i-invite sa akin." nakangising sambit ko. Tinaasan niya lamang ako ng kilay.
"Asa."
Nag-laro kaming dalawa. Hindi ko na halos napansin ang oras, basta masaya ako, pakiramdam ko close kami.
"Buhat na buhat kita." natatawang sabi ko.
Unang rule na ata sa paglandi ng mga ML player ay ang ipag-angela sila. Kahit na Selena main ako ay nag Angela ako para sakanya. Unli patong, virtually.
"Nice game." tumayo na siya. "Hatid na kita."
Nag init ang pisngi ko sa sinabi niya, nakatingin lamang ako sakanya.
"Madilim na, konsensya ko pa kapag may nangyaring masama sayo." seryoso lamang siya at nauna ng maglakad palabas.
Nagmamadali naman akong tumayo at sinundan siya, ako pa ang naglinis ng pinagkainan namin, ni hindi ako pinagbuksan ng pinto.
Uncrush 'to sakin!
Naka tutok siya sa cellphone niya habang naglalakad kaming dalawa. Pasimple kong pinicturan ang likod niya. Lapad!
Malaki ang tangkad niya sa akin, halos hanggang dibdib niya lang ako. Kaya natural na titingalain ko siya sa tuwing mag uusap kami.
Not to mention, mahaba ang buhok niya, parang si Dora.
"Tapos kana ba?" tumigil siya.
"Huh?" lumapit ako sakanya.
"Tapos kana bang picturan ako?"
"Assuming mo ha!" hinampas ko ang braso niya. Puro muscle!
Mas matanda siya sa akin pero hindi ko naman ineexpect na ganoon katigas ang biceps niya, kahit na nakilala siya dahil sa magandang pangangatawan niya, iba parin pala talaga ang pakiramdam kapag nahahawakan iyon.
Tahimik lamang kaming naglalakad, mukhang gusto niya lang talaga akong ihatid.
"Dito nalang ako." sabi ko ng nasa tapat na kami ng gate ng tinitigilan kong dorm.
"Okay."
"Sige, ingat ka pauwi." tinalikuran niya lamang ako at nag simula nang maglakad.
Napangiti na lamang ako ng tumigil siya at nagsalita. "Wag mo nang i-decline ang mga invitations ko."