Sabay sabay kaming nagre-review sa dorm nina Cleo at Tati, Finals na kasi kailangan na mag-grind kahit si Paco na puro ml lang ay nagba-basa na rin.
"Di bagay sayo." natatawang sambit ni Jenika kay Paco.
"Ano?"
"Di bagay sayo mag-" pinutol ni Paco ang sasabihin ni Jenika.
"Anonas." humalakhak ang siraulo.
Sinaway naman ni Krizhel ang dalawa dahil siguradong magtatalo na naman ang mga ito ng tuloy tuloy.
Ako naman ay tahimik lamang din na nagbabasa. Basa now, stalk ulit later. Wala kaming klase ngayon kaya ginawa na lamang itong review time.
Maya maya pa ay nagtanungan na kami. Hindi nagre-review si Jenika pero siya palagi ang pinaka mataas sa amin. Madalas ay puro ito gimik at inom pero hindi noon naaapektuhan ang grades niya, gifted ang gaga.
Si Krizhel ang parang nagiging guidance officer namin, she has the authority para makinig kaming lahat sakanya, boyish type.
Si Cleo naman ay maldita vibe, model and laki sa yaman kaya ganoon pero wala kaming nagiging problema bukod sa pagiging war freak nito.
Si Tatiana naman ay ang hopeless romantic sa amin, mahilig kasi siya sa mga romantic books, and movies.
Si Syie, she's the secretary. Mahilig mag-notes at mag-aral, sana all. Madalas ay tahimik lamang siya.
Si Paco naman, wala nalang.
Maya maya pa ay dumating si Kera. Kaklase rin namin siya and kaibigan pero madalang siyang sumama sa amin dahil sa junior niyang jowa.
"Aba himala, Keratin." masungit na bungad ni Cleo.
Dire-diretso namang pumasok si Kera sa loob at yumakap kay Jenika. Sila kasi ang pinaka close sa isa't isa.
"Okay ka lang ba?" tanong ko.
"Sabi sayo hindi ka mahal non, e." si Paco. Maya maya pa ay nag umpisa ng humikbi si Kera.
Sinamaan na lamang naman ito ng tingin ni Jenika.
"Break na kami.." humihikbing sambit ni Kera. We are all concern about her pero hindi namin talaga maitago ang inis sa boyfriend niya, the reddest flag.
"What again?" si Krizhel.
"Ibang babae na naman?" binagsak ni Cleo ang libro sa lamesa. "Wag mong sabihing babalik ka sa lalaking 'yan!"
Krizhel tried to calm Cleo down. Ganoon kasi talaga ito palaging mag-react.
"What's with the sudden reaction?" inis na tanong ni Jenika.
"Kasi pumapayag siyang ganunin siya ng lalaking 'yon!"
"Magiging okay naman ako, Cleo. Lalandi ako pero sa iba na." tumahan na si Kera.
"Siguraduhin mo lang, Keratin. Makakalbo kana sa kakasabunot sayo ng mga babae niya na ang akala ay ikaw ang kabit!" tumango na lamang naman si Kera.
Ilang oras palang kaming nagre-review pero it feels like days. Nag ka-ayaan silang pumunta nalang sa fast food para doon kumain.
"Pass muna ako, nagtitipid." Si Hikari.
"Pass nalang din ako." sambit ko. Hindi na kami pinilit ng mga kaibigan namin dahil alam naman nilang hindi kami mapipilit.
Bukod sa hindi ako sanay na hindi kasama si Hikari ay gusto ko ring kumain sa cafeteria. Kahit mas mahal pa ang mga tinda rito kaysa sa Jollibee.