Bata pa lamang ako ay kasama ko na ang aso kong si Felly, lagi kaming namamasyal dahil wala naman kaming magawa sa bahay. Paminsa-minsa'y sa bandang gubat lang kami pero kahit ganoo'y hindi kami lumalayo, sabi sabi kasi ay masyadong mapanganib sa gubat at may pumapatay. Minsan nga raw ang mga naliligaw sa gubat ay hindi na nakakalabas ng buhay. Sa isip-isip ko'y bakit kaya hindi ko tahakin ang gubat para masagot ang mga katanungan ko? Ngunit gayon na lang ang aking kaba sa t'wing naiisip ito.
Baka hindi na ako makalabas sa kagubatan at doon na lamang habang buhay, mabuti pa at hindi na ako tatahak sa parteng iyon at mahirap na baka ako na ang sumunod na mabiktima.
Makinis ang balat ko, may kaputian kaya mas tumitingkad sa gitna ng araw, may kulay tsokolate akong mga mata at itim na itim na mahabang buhok. Hindi naman sa pagmamalaki ngunit madami ang nagsasabing maganda nga raw talaga ako, hindi ko nga alam kung saan ako nagmana at hindi naman kaputian si mama't papa.
Napapitlag naman ako agad ng may tumawag sa’kin sa hindi kalayuan.
“Isna!” masayang bati ni Jocel sa akin at agad binalot ng yakap.“Ano ba ‘yan, saan ka galing? Hinahanap kita kanina’t wala ka raw sa inyo,” nagtatampo kong saad sa kaniya.
“May binili lang sa bayan, ano tara ba? pasyal tayo sa bandang gubat.” masayang saad nito sakin at tuluyan akong hinatak palayo sa sapa.
“Sa tingin mo ba Jocel makakapasyal tayo sa loob ng gubat?” wala sa sariling tanong ko sa kaniya kaya agad ako nitong hinampas.
“Hoy! H’wag kang mag-iisip na pumasok d’yan at baka lumabas kang bangkay o kaya nama’y gutay-gutay ang katawan.” pagtataray nito sakin habang dinuduro-duro pa ako kaya agad naman akong napa ngisi sa naisip ko.
“H'wag kang mag-alala, kahit pumasok ako d’yan hindi kita isasama noh.” pagpapatawa ko sa kaniya kaya agad ako nitong sinabunutan ng pabiro.
Matapos naming mamasyal ay agad naman akong umuwi, nakita ko naman agad si Felly at sinalubong ko ito ng yakap, hindi siya nakasama sa pamamasyal namin ni Jocel dahil dinala siya ni mama’t papa sa bayan upang bumili ng pagkain. Para din masanay ito sa lugar na madaming tao at hindi mangagat kung magkataon man. Si Felly lang talaga ang lagi kong nakakasama, lagi ko itong katabi sa pagtulog minsan nga lang ay nakakainis at lagi akong dinidilaan napaka pasaway na aso nito.
“Baliw, baliw, baliw,” awit ng mga bata sa tyangge habang tinuturo si Agnes na nakaupo sa gilid ng basurahan at animo’y may kausap sa hangin.
Agad kong sinaway ang mga bata upang matigil na ito, wala namang ginagawa si Agnes sa kanila kaya namimihasa ang mga ito. Hindi madisiplina ng mga magulang.
“Itigil niyo ‘yan, wala namang ginagawa si Agnes sa inyo bakit niyo pinagtatawanan?” saad ko sa kanila habang naka pameywang pa na akala mo’y lalaban talaga kung apihin man ng kapwa ko bata.
“Bakit mo pinagtatanggol ang baliw na ‘yan? mamaya ikaw pa saktan n‘yan e. Masiyado kang pabida kasi, walang kaibigan kaya pati baliw kinakampihan.” tugon naman ni Toni at humagalpak ng tawa sabay sa mga kaibigan nito.
Nagpupuyos ako sa inis at tuluyang umalis, pag talaga nakabawi ako iiyak din ang mga ‘yon. Walang respeto sa nakakatanda sa kanila.
Kinaumagahan nagising akong naiinis parin, ngunit nawala ang inis ko noong pagbangon ko’y wala si Felly. Hinanap ko agad siya sa bakuran baka sakaling nakikipaglaro sa ibang bata, ngunit ganoon na lang ang pagka dismaya ko noong hindi ko siya nakita sa labas. Naligo na ako at nagbihis, tinungo ko agad ang bahay nina Jocel baka naroon si Felly, ngunit wala din. Hinanap ko si Felly buong hapon ngunit kahit anong hanap ko’y hindi ko siya matagpuan, wala akong maisip na ibang paraan.
Dalawang araw na mula noong hindi ko makita si Felly kaya nama’y labis na ang pag-aalala ko baka napaano na siya. Napatingin ako sa kagubatan at naisip na baka napadpad si Felly doon, dali-dali ko naman itong tinungo hindi alintanang hapon na at wala akong ilaw na dala kung sakaling abutin ako dito ng gabi kakahanap sa aso kong si Felly.
YOU ARE READING
MAGLARO TAYO NG BAHAY-BAHAYAN
HorrorAng mundo'y naturingang bilog kaya naman paminsan-minsan sa hindi inaasahang mga pangyayari ay bigla mo na lamang matatagpuan ang mga taong hindi mo akalaing may koneksyon pala sa 'yo. Hindi lahat ng laro'y masaya, hindi lahat ng laro'y dapat ipanal...