CHAPTER 5

3.1K 2 0
                                    

WARNING !! R+18
Babala: Ito ay may masisilang salita at pangyayari na hindi angkop sa mga bata.

Inilapag niya ang pagkain sa sahig at agad din naman niya iyong iniwan sa akin. Wala akong balak kainin iyon sa pagkat nakakadiri iyon. Maraming langaw ang dumapo roon at mukhang pati aso ay hindi kayang kainin iyon dahil sa itsura nitong nakakasuka.

Sumandal na lang ako sa rehas at nagpatingin-tingin sa labas. Hinahanap ko kung saan na si Agnes. Ililigtas kaya niya ako muli? Napatingin ako sa talahiban, nakita ko kasing may yumugyug doon at may kumaloskos.

"A-Agnes?" Natuwa ako noong makita ko siyang nakakubli sa madahong sulok. Nakita niya ako kaya siya napangiti.

Agaran akong tumayo upang i-check ang paligid. Baka kasi nariyan lang ang matandang bruha at mahuli kami pareho ni Agnes. Nakita ko ang paglapit ni Agnes sa akin. Palinga-linga pa ito habang dahan-dahang tumutungo sa akin.

"Ilabas mo ako, tulungan mo ako," pabulong na wari ko. Ngumiti lang siya habang naghahanap ng puweding maipok-pok sa lock ng pinto.

"Paulit-ulit kitang ililigtas, kahit buhay ko pa ang kapalit." Napatigil ako noon sa sinabi niya sa akin. Hindi ko alam pero parang may humipo sa puso ko. Para bang matagal ko na siyang nakasama. Sa pagkakataon kasing iyon ay tila sa katinuan siya. Parang naging seryuso ang mukha niya habang sinasabi iyon. Pero agad din naman siyang ngumisi at bumalik na naman sa pagkasinto-sinto niya.

"Magtago ka, bilis!" mariin kong bulong. Narinig ko kasing may paparating. Agad naman siyang paika-ikang ng tagonsa sulok.

"Wow! Ito na ba siya, lola? Mukhang masarap nga siya, hindi na ako makapaghintay na kagatin ang mga balat niya," sambit ng isang batang babae na sa palagay ko ay kaedaran ko lang. May iilang bata pa siyang kasama. Hindi sila normal kagaya ko. Tila mga kandilang natunaw na ang kanilang mukha. Mayroong putol ang kamay at maliit ang isang paa. Bilang lang din ang tubo ng kanilang buhok.

"Oo mga, apo. Siya ang ihahanda natin sa kaarawan ko. Sigurado akong mabubusog kayo," saad naman ng babaeng matanda sa kanila.

"Pwede ko bang subukan ito sa kanya, lola?" tanong ng batang lalaking isa lang ang mata. Tinignan ko ang bagay sa kanyang kamay na gusto niyang subukan sa akin. Nagulat ako dahil isang maliit na pana iyon. May matulis iyong bala kaya tiyak akong babaon iyon sa katawan ko kung magkataon.

Nakita kong tumango ang matanda sa nais ng apo niya kaya kinabahan ako. Iniling-iling ko ang aking ulo noong i-angat na niya ang pana. Nakatutok na iyon sa ulo ko at handa na sana niya iyong itama sa akin noong pigilan siya ng matanda.

"Wag sa ulo, apo, baka hindi na siya abutin sa kaarawan ko." Kaya itinuon iyon ng bata sa tiyan ko.

"Diyan na muna kayo, ha? May aayusin lang ako sa loob," pagpaalam ng matanda sa kanila. Sumunod naman ang iilang batang babae sa lola nila, ang tatlong batang lalaki naman ay naiwan sa harap ng rehas.

Hinigit niya ang pana ng sagad habang nakakagat pa sa labi. Gigil siyang ipatama iyon sa akin. Napaatras ako sa dulo dahil sa takot. Kinumbinsi ko pa siyang huwag iyon gawin sa akin pero tila wala siyang naririnig. Wala na akong magawa kun'di ang hintayin ang panang iyon na bumaon sa katawan ko.

"Aray!" sigaw ko noong tumama iyon sa balikat ko. Maliit lang iyon pero bumaon talaga iyon sa katawan ko.

"Ay, hindi mo yata natamaan ng masyado. Ako naman." Inagaw ng isang batang lalaki ang panang iyon at siya naman ang pumana sa akin.

"Sige, ikaw naman. Patamaan mo sa leeg."

Lumaganit ang tali ng pana noong inatin na iyon ng bata. Nakatuon iyon sa leeg ko. Sa pagkakataong iyon ay labis akong natakot. Hindi ko na kasi nakikita si Agnes. Pumikit na lang ako hudyat na nakahanda na ako kung sakaling katapusan ko na.

"Sabing 'wag r'yan, eh. Pumasok na nga kayo roon." Napadilat ako noong marinig ko muli ang boses ng natanda. Mabuti na lang ay bumalik ito at napigil niya ang batang panain ang aking leeg. Agad nilang sinunod ang utos ng kanilang lola na pumasok sa loob.

"Sa palagay mo, sino ang mas kawawa sa inyo ng mga batang iyon?" tanong niya sa akin. Hindi ko siya tinignan at hindi rin ako umimik. Nakatuon lang ang paningin ko sa isang sulok.

"Mga batang pinagkaitan ng mundo ng normal na buhay. Walang puwang sa mundong kinagalawan mo. Masasakit na mga salita na galing sa mapanghusgang lipunan ang nakakamtan nila. Kaya ko sila dinala rito upang ilayo sa buhay na mapait sa labas ng gubat na ito. Rito nabubuhay sila ng normal ayon sa kanilang gusto malayo sa buhay sa labas na puno ng matang mapanglait." Tumingin siya sa pagkaing hindi ko nabawasan.

"Kainin mo na ang pagkaing iyan, hija." Tumalikod na siya sa akin at naglakad.

"Kaya tinuruan mo silang kumain ng tao? Naaayon din ba iyon sa kanilang karapatan? O sadyang ginagamit mo lang sila dahil sa pansariling kapakanan mo? Binulag mo sila sa totoong mundo, pinaniwala mo silang pagkain ang tao." Dahil sa sinabi kong iyon ay napalingon ito.

"Wala kang alam sa tunay na nagyayari. Isa ka lang batang malapit nang maging hapunan ng mga apo ko."

"Oo, isang bata rin ako kaya alam ko ang pakiramdam ng isang inaapi at pinagkakaisahan. Pero may mga gobyerno tayong nagpapatayo ng programa para sa mga batang kagaya nila. Huwag mong ilayo sa kanila ang tunay na mundo," wari ko. Ngumiti lang siya akin at kinalapag ang rehas sabay alis.

"Ubusin mo na ang pagkain na 'yan at mamayang hating gabi ay magiging putahe ka na sa hapag kainan namin," wari niya bago tuluyang umalis.

Madilim na ang paligid ngunit hindi pa rin matagpuan ng mga mata ko si Agnes. Hindi ko namalayan ay napaidlip ako ng tulog. Nagising na lang ako sa mga ingay ng mga batang naghahabulan. Isa ring malaking kawa ang nakikita kong may tubig na pinakukuluan ng matanda. Malakas ang apoy nito na siyang nagbibigay liwanag sa madilim na gabi.

Habang patagal nang patagal ay kinakabahan ako. Paparating na kasi ang kaarawan ng matanda. Alam kong para sa akin ang pinapakulong tubig niyang iyon. Kumikirot pa rin ang bala ng pana sa balikat ko. Hindi ko iyon magawang bunutin dahil sa sakit. Kanina pa ako palinga-linga ngunit walang Agnes ang nagpaparamdam sa akin. Ngunit pinanghahawakan ko pa rin ang sinabi niyang paulit-ulit niya akong ililigtas kahit buhay pa niya ang kapalit.

to be continued...

MAGLARO TAYO NG BAHAY-BAHAYANWhere stories live. Discover now