CHAPTER 4

3.5K 7 0
                                    

WARNING !! R+18
Babala: Ito ay may masilang salita at pangyayari na hindi angkop sa mga bata.

Sa pagpatuloy namin ni Agnes sa paglalakad ay nakarating kami sa isang maliit na ilog sa gitna ng gubat. Malinaw ang tubig at katamtaman naman ang lamig. Sandali kaming tumigil sa ilog upang linisin ang aming katawan at mga sugat. Yumuko ako at hinilamos ang tubig sabay inom nito sa tindi ng aking pagkauhaw.

Ramdam ko ang hapdi sa aking mga sugat noong itampisaw ko na ang aking mga paa. Ngunit mas lalo si Agnes, dahil mas matindi ang kanyang sinapit. Mabuti na lang ay tumigil na ang pagdurugo ng kanyang sugat.

Umupo ako sa may bato na malapit sa akin at nagpalinga-linga. Bahagyang nakaramdam ako ng gutom kung kaya't naghanap ako ng puwede naming makain. Nakakita ako ng isang puno ng saging. Sakto naman dahil hinog na ang mga bunga nito. Hindi ko nga lang ito maabot sa pagkat ito ay mataas. Kaya hanggang tingala na lamang ako sabay lunok ng aking laway ko.

Sa ilang sandali lang ay biglang nahulog ang iilang bunga nito dahil kay Agnes. Binato pala niya ito ng bato dahilan ng pagkalag-lag ng tatlong bunga nito. Nilingon ko siya at nguniti at ibinaling din naman agad ang patingin sa bungang nalag-lag.

Agad ko iyong dinampot at ibinigay ang isa kay Agnes. Mabilis kong naubos ang isa kung kaya't binalatan ko muli ang huling bungang nahulog. Noong maubos na namin iyon ay agad tumayo si Agnes at tumungo sa puno ng saging. Dinampot niya ang biyak na bato na may kalakihan. Agad niya iyong itinaga sa puno ng saging. Mukhang na kuha ko ang gusto niyang gawin. Gusto niyang tumbahin ang puno sa pamamagitan ng pagtaga ng bato. Siya lang ang baliw na matalinong nakilala ko.

Tinulungan ko siya upang bumilis ang kanyang binabalak. Natumba iyon at nakuha namin ni Agnes ang mga bunga nitong hinog. Dumidilim na kung kaya't nag-aalala na naman ako. Gusto ko ng umuwi pero hindi ko na alam kung saan ang daan. Nakaramdam ako ng mga kaluskus sa aming paligid. Mukhang may palihim na nakamasid sa amin. Napansin ko ang pagtayo ni Agnes kung kaya't tinanong ko siya kung saan siya pupunta. Sumenyas naman siya sa akin na magbabawas lang siya ng kinain. Mukhang naparami yata ang kinain niyang saging. Pinakiramdaman ko pa ang aking paligid. Hindi ako mapakali sa ihip ng hangin. Pakiramdam ko hindi lang kami ang nasa lugat na ito. Mukhang may nilalang pang nakamasid sa amin. Patuloy pa rin ang mga kaluskus sa aking paligid hanggang sa may humawak sa aking balikat dahilan ng aking pagkagulat.

“Diyos ko, ikaw lang pala Agnes.”

“Tara uwi na tayo,” dugtong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at agad hinawakan ang aking kamay sabay hila na naman.

Naglalakad na naman kami sa hindi ko malamang paruruunan. Puro baging at matataas na puno lamang ang aming nadaraanan. Medyo maputik ang daan dahil sa ulan kanina. Mahamog ang paligid na animo‘y umuusok. Mga huni ng ibon at kulig-lig ang aming maririnig sa paligid. Ang araw naman ay malapit ng lumubog.

“Sa-sandali, saan ba tayo pupunta?” muling tanong ko kay Agnes. Hindi manlang siya lumingon sa akin o tumitigil, bagkus ay binilisan pa niya ang paglalakad. Mahigpit rin ang pagkahawak niya sa aking mga palad. Halos madapa ako sa pagkahila niyang iyon sa akin. Nakakapagtaka lamang dahil mukhang hindi na niya iniinda ang mga sugat niya. Hindi na rin siya paika-ika kung maglakad.

Sa hindi malaman na dahilan ay bigla akong nakaramdam ng kilabot. May mahihinang boses rin akong naririnig sa aming likuran. Mabilis pa rin ang kanyang pagkahila sa akin na halos ay matumba na ako. 'Yung tipong parang aso lang na nakatali ang kanyang pakiramdam sa akin.

Napansin ko ang kamay niyang nakahawak sa palad ko. Doon ay lalo akong kinilabutan. Mahahaba ang mga kuku nitong kulay itim at kulubot ang mga balat. Kaya nagsimula na namang lamigin ang aking katawan, dahil ang mga kamay ni Agnes ay hindi katulad ng humihila sa akin ngayon. Patuloy pa rin ang mahihinang boses na aking naririnig. Halos pabulong na nga ito.

Marahan kong inilingon ang aking ulo kung saan nanggagaling ang mga boses na mahihina. Nagulat akong si Agnes na paika-ika ang aking nakitang nakasunod sa amin. Paano nangyare iyon? Sino itong humihila sa akin ngayon?

Agad kong ibinalik ang atensyon ko sa humihila sa akin at doon ay napagtanto kong hindi nga si Agnes iyon. Dahil ang totoong Agnes ay ‘yong naghahabol sa amin. Puwenersa kong itigil siya kaya‘t agad naman siyang napahintol, pero hawak pa rin niya ang aking kamay. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin at doon na nanginig ang aking buong katawan.

Kulubot na mga balat at mataas na ilong at malaking mata. Isa itong matandang babae. Nakangisi rin siya sa akin kung kaya't nakikita ko ang kulay itim niyang mga ngipin. Naninilaw rin ang kanyang dalawang mata.

“Si-sino ka?” nanginginig kong sambit. Hindi siya nagsalita at lalong ngumiti pa ng nakakatakot sa akin. Sabay hila na naman niya sa akin ng malakas. Hindi ito katulad kanina na kinakaya ko pa ang panghihila niya. Sa pagkakataong ito ay kakaiba na. Halos patakbo na kasi niya akong kung hilahin.

Hindi ko magawang makawala sa mga mahigpit niyang pagkahawak sa aking kamay. Namamanhid na nga ito sa higpit ng pagkahawak niya. Wala ring magawa si Agnes na paika-ika kung humabol.

“Bitiwan mo ako! Sino ka ba?”

“Malapit na tayo,” wari niya sa boses na nakakatakot.

Sa hindi namin kalayuan ay may natatanaw akong isang kubo. Alam kong doon niya ako dadalhin. Malayo palang ay naaamoy ko na ang hindi kanais-nais na hangin. Nakakasuka ito na parang nabubulok na patay na hayop.

Sa dinadaraanan namin ay paminsan-minsan ay makakakita ako ng mga buto. Hindi ko alam kung buto ba iyon ng hayup o tao. Pero noong makapasok na kami sa bakuran ng kubong iyon ay nasagot din nanan agad ang aking katanungan. Nakakita ako ng iilang bungo ng tao na nakapatong sa isang lamesang kahoy. Noong ilinga ko pa ang aking paningin ay nakita ko ang mga sibat na nakatusok sa lupa habang may tig-iisang ulo ng mga taong naaagnas na ang nakatusok sa matulis na bahagi nito.

Ang masang-sang na amoy nito ay hindi ko kinakaya dahilan na sumabog ang aking suka. Dinala niya ako sa isang rehas na kahoy na kuwadrado. Agad niya iyong binuksan at hinila ako upang ipasok. Ni-lock niya iyon at iniwan akong nakahawak sa mga kahoy nitong matitibay.

"“Pakawalan mo ako! Parang awa mo na!” sigaw ko pero hindi niya iyon pinansin.

Ilang sandali pa ay bumalik siya. Maya dala itong plato at baso. May laman iyong pagkain at tubig. Hindi ko maarok ang pagkain niyang dala. Nilalangaw pa ito na parang kulay mais na pinudpud.

“Kumain ka muna nang sa gano'n ay tumaba ka ng kaunti. Dahil pagpipistahan ka na ng aking mga apo sa nalalapit kong kaarawan.” Sabay ngiti niya sa akin.

To be continued...

MAGLARO TAYO NG BAHAY-BAHAYANWhere stories live. Discover now