Part 2

23 0 0
                                    

Pagpasok ko ng classroom, nakatingin sa akin lahat ng mga kaklase kong babae. Bakit? May dumi ba sa mukha ko?

Tinitigan ko rin sila tapos sabay taray! WOW~ anu yun? Makaupo na nga. Nakakainis lang talaga tong mga kaklase ko. Ni isa wala akong kaibigan dito eh.

"Ayoko talaga siya, masyadong weird!"

"Yeah me too. Maganda sana siya eh, kung di siya ganyan kumilos. Parang matandang ewan! Hahaha!"

Ayan nanaman sila.. Wlang magawa talaga sa buhay! Bkit nyo ba ako pinapake-alaman? Buhay ko 'to e. Dito ako masaya! Di ko nga kayo pinapake-alaman diyan eh!!

Pagkatapos nun, dumating na yung teacher namin, Sabay sabay kaming nag-greet.

"Good Morning Ma'am."

Tapos sabay  upo. Akala mo kung sino mga inosente tong mga to! Hay, nakakainis! Ang pa-plastic~

At ayun.. Discussion nanaman. Pero hindi na ako nakikinig. Nabasa ko na kaya yan!

Talino at ang sipag pa noh?

^_______^

And then.. Blah, blah, blah, Nakakaboring naman magturo tong teacher namin! Mabuti na lang at nabasa ko na yung libro na yun. Hay, walang magawa, Tinignan ko yun mga kaklase ko, Haha, Mga tulog! Ano bayan tapos pag may test, ako lagi ang tinatakbuhan para makakopya. 

Hoy, pero hindi ako nagpapakopya. Kaya siguro naiinis sila sa akin. Hay CHANGE TOPIC NA NGA! Iiyak na ako neto eh! Haha, joke XD

*Fast forward >Recess< *

*Krinngg! Krinngg!*

Yey! Recess na! Wohooo. Salamat naman kasi kanina pa ako nagugutom eh. Hahaha. Pagkatayo ko sa aking upuan....

O___O

"Araaaaaaaaaaaaaaayyy!"

Bigla ba naman akong tinapilok ng nasa harapan kong nakaupo! Ang sakit  nun ha? Yan tuloy nakadapa ako sa sahig tapos nalaglag pa yung salamin ko! Aaagh! 

"Oh.. Sorry ha? Hindi ko alam na may tao pala sa likod ko."

Tumawa sya ng napaka-EVIL -__- tapos kasbay nya yung mga babaeng tumawa rin ng napakaLANDI. Nakakainis. Tinitigan ko na lang sila tapos biglang may pumasok.

Oh my goshh.

Si....

Jonnson Cruz? Anong ginagawa nya dito?

"Anong nangyayari dito?" Sabi nya tapos yung mga babae biglang nagsitilian! =__="

"Uhm. Jonnson, wala. Natapilok lang siya kaya nagkanyan sya. Dont worry about her, kaya naman nya tumayo eh." Sabi nung bruhang babae.

"Bakit hindi nyo sya tulungang tumayo? Anong klaseng ugali ang meron kayo?"Sabi nya tapos lumapit sakin. Inabot nya yung kamay nya sakin.

"Huh?" Sabi ko habang yung kamay nya nasa harap ng mukha ko.

^___^ V

 "Tumayo ka na dyan Cherry bka kung ano pa ang mangyare sayo dito eh." Sabi nya.

Khsfdhjgsdfbsdfvyegwla!  Alam nya NAME ko? Kailan pa? WAAAAAH!

"Ahh. O-okay." Ayan nanaman ako. Nag-uutal utal! Hayssss. Grabee! Pagkahawak ko ng kamay nya,    ang lambot. Oh my gosh! ^__________^

Pagkatapos nun, yung mga kaklase kong babae nakatingin sa aming dalawa. Oh ha?! Inggit kayo ngayon noh?! HAHAHA!

"Okay ka lang?" Tinanong nya ako. Ahhhh! Hindi ako okay kasi kasama kita ngayon! Hindi ako makapag-concentrate lam mo yun? 

"Oo okay lng ako. Salamat kanina kasi pinagtanggol mo ako dun sa mga malalanding babae." Sabi ko. Bigla kong tinakpan yung bibig ko kasi kung ano-ano ang lumalabas! Hay naku.

Tumawa lang sya ng mahina tapos ngumiti sa akin, Grabe nakakamatay ang tawa at ngiti nya. Hahaha. Teka, teka. Oo nga pala. Bakit siya pumasok sa loob ng classroom? Hmmm. Ano bang meron?

"Malapit na pala ang Valentines noh?" Bigla siyang nagsalita kaya naman bigla akong humarap sa kanya.

"Ahh yun? Oo nga malapit na." Sabi ko habang pinipilit kong ngumiti. Ayoko kasi pinag-uusapan ang Valentines eh! 

Bakit?

Eh wala naman akong mapapala dyan e. Wla naman akong natatanggap na love letters, roses, chocolates at iba pa. Kaya nadala na akong ganito lang ang buhay ko. Simple, at walang B.O.Y.F.R.I.E.N.D for short, NBSB! (No Boyfriend Since Birth)

"Sino nga pala magiging ka-date mo?" Tinanong nya ulit ako. Anong sasabihin ko? Nakakahiya naman sabihin kong, WALA. Diretsuhan? Ganun? Eeeeee.

"Uhmm.." Wala akonng maisip na sasabihin! Ano ba yan!

"Hayaan mo makakahanap ka rin ng magiging ka date mo sa Valentines Day. Oh, pano.. Maiwan na kita ha. Yung mga barkada ko kasi naghihintay sa baba eh. Sige bye~" Nag-wave sya sakin, nag-babye din naman ako sa kanya. 

Pagkatapos nun. Ako nalang ulit mag-isa, Ang LONER ko! Nakakainis. Bakit ba kasi wala akong kaibigan? Kahit isa lang? 

Meron kayaaaaa~ Si Jonnson. Kaibigan ko ba yun? Sa bagay, pinagtanggol nya ako dun sa mga bruhang babae kanina eh. 

Grabe. First time ko ang Pinagtanggol ako sa ganung sitwasyon. Wala nga akong kaibigan pero andito naman si Jonnson. Bakit nga ba sya pumunta sa classroom ko kanina? Bakit ang bait bait nya sa kin? 

Di kaya...

Gusto nya ako?

WAAAAH! Assuming talaga ako!

I'm always here to protect YOU~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon