Jonnson's POV
"ANNOUNCEMENTTT!" Biglang sumigaw yung teacher namin. Tsss, ano nanamang announcement yan?
"Malapit na ang Valentines Day kaya humanap na kayo ng magiging kapartner nyo. Bahala kayo.. Kung hindi kayo agad kikilos, maaagawan kayo! Okay class yun lang."
*Kring! Kring!*
Yes recess na! Pupuntahan ko nga si Cherry sa classroom nya. Gusto ko sya ang maging kapartner ko sa Valentines Day. Sana pumayag sya..
Pagkalabas ko ng classroom ko, ayan na ang mga GIRLS. Nagsisilapitan na sa akin.
Tabi! Alis! Kailangan kong puntahan si Cherry!
At yun salamat naman at naka alis ako sa mga babaeng yun. Bakit pa kasi ako ang napiling Campus Hearthrob eh!
Ayan na. Pagpasok ko ng classroom, nakita ko si Cherry pinagkakaisahan nanaman ng mga kababaihan! Tinapilok sya ng isa sa kanila tapos bigla ba namang TUMAWA nang malakas? Akala nyo hindi ko nakikita ang ginagawa ninyo sa kanya ha?!
Pumasok ako ng Classroom nya... Nagsalita ako sa harapan.
"Anong nangyayari dito?" Sabi ko tapos bigla ba namang nagsitilian yung mga babae! -___-
"Uhm. Jonnson, wala. Natapilok lang siya kaya nagkanyan sya. Dont worry about her, kaya naman nya tumayo eh." Sabi nung isa. WOW, what a nice LIE huh? Tingin mo maniniwala ako sayo? -_-
"Bakit hindi nyo sya tulungang tumayo? Anong klaseng ugali ang meron kayo?" Sabi ko sa kanila. O ngayon? Nga nga kayo! Kung ano-ano kasing mga pinagsasasabi at pinaggagagawa nyo kay Cherry!
Lumapit ako kay Cherry at inabot ko ang kamay ko sa kanya para tumayo na siya. Tinitigan nya ang kamay ko tapos bigla siyang tumingin sa akin.
"Huh?" Sabi nya.
Di nya talaga ma-gets oh. Pinapatayo na nga kita Cherry eh.
"Tumayo ka na dyan Cherry baka kung ano pa ang mangyari sayo dito eh." Sabi ko.
HALA! Bakit ko nasabi ang pangalan nya? PATAAAAYY.
Halatado sa mukha nya na nagtataka kung bakit alam ko ang Pangalan niya. Ang tanga mo talaga Jonnson!
Hay naku. At yun pinag-usapan namin ang tungkol sa Valentines pero parang ayaw nya pag-usapan 'to eh. Bakit kaya?
Sabi ko sakanya na makakahanap din sya ng makakadate nya. At syempre,
AKO YUN NOH!
Hahahaha, Sana wala pang nag-iinvite sa kanya para sa Valentine Date. Bumaba na ako at nakita ko yung mga kabarkada ko.
"Oh ano pre? Nasabi mo na sa kanya?" Sabi ni Vince.
"Wala eh. Inunahan ako ng kaba kaya hindi ko nasabi." Sabi ko habang ginugulo ko ang buhok ko sa sobrang inis.
"Tss, sayang pre baka maunahan ka nun!" Sabi ng isa kong barkada.
"Hayaan mo na. Bukas ko na lang ssabhin sa kanya." - Ako
"Ano ba kasi ang nagustuhan mo sa kanya? Hindi naman siya ang tipo mong babae diba?" Sabi ni Vince.
"Ibang-iba kasi siya, Di tulad ng ibang babae. Napaka-simple nya kumilos, kahit walang make-up maganda pa rin, at higit sa lahat mabait siya."
Sabi ko tapos naghiyawan naman sila.
"Woooh! Wow pare gumaganyan ka na ha!" Ayan nanaman sila nang-aasar. Paero nasanay na ako kasi simula nung highschool pa lang, ganyan na yang mga yan eh.
Hay.. Makakain na ngaaaaa! Kanina npa ako GUTOM eh!
BINABASA MO ANG
I'm always here to protect YOU~
RomanceWala kang kaibigan? Na laging pinoprotektahan ka? Eh pano kung sa isang araw, ang mahal mo ang magtanggol sa'yo? Masaya ba? Well, basahin ang istorya ni Cherry Rivera na isang nerdy student na nagkakagusto kay Jonnson Cruz, ang Campus Hearthrob. Paa...