Naglalakad na kami patungo sa pinto ng mansion ng mapansin kong kinakabahan si Ma'am dahil kanina pa niya pinupunasan yong kamay niya ng panyo
Hinawakan ko ang kamay niya kaya gulat siya napatingin sakin
Kahit hindi niya sabihin na hindi siya kinakabahan iba naman yong kinikilos ng katawan niya
"Wag kang kabahan,magugustuhan kanila" pagpapakalma ko sa kanya mukang gumana naman dahil ngumiti saya sakin saka tumango
"Sana" sabi niya saka pinag siklop yong mga palad namin
Yong puso, parang hinahabol ng kung ano sa sobrang bilis ng tibok
Ngumiti ako sa kanya saka muli na kaming nag lakad
Bukas ang pinto ng mansion kaya agad kong nakita ang mga maids na walang tigil sa pag-aayos ng paligid at yong iba ay may iba't iba pang hawak na pagkain pa tungod sa dining room
Nang makita nila kami ay natigilan sila sa mga ginagawa at umayos ng tayo
Agad namang lumapit sakin ang Butler dito sa mansion at ginuide kami pa tungo sa dining room dahil andun daw si Lolo at Lola
Tinungo namin ni Cleo ang dining room habang magkahawak parin ng kamay
Nasa dining room na kami ng nagpaalam yong Butler,mukang nakita na kami ni Lolo na pumasok sa dining room dahil agad niya akong tinawag
"Apo, andito na pala kayo, halina kayo at maupo" pag-aaya niya samin, agad naman na kaming na upo sa hapag
Akala ko ba apat lang kami? Eh bakit yong pagkain parang pang buong barangay?
Tapos si Ma'am may dala pang cake, hindi ko na muna pinadala sa kanya at sinabing ipapakuha ko nalang mamaya para pang dessert
Nagtalo pa kami kanina sa cake shop dahil gusto niyang bilhin is yong pinaka malaking cake na tindi dun kaya pinagbantaan ko siyang hindi ko siya isasama kapag yun ang binili kaya no choice siya na ang bilhin nalang ay yong good for four person na cake
Nabalik ako sa ulira ng mag salita si Lolo
"Apo, hindi mo manlang ba ipapakilala samin yang kasama mo? " tanong ni Lolo
Hinawakan ko ang kamay ni Ma'am sa ilalim ng lamesa at mahinag pinisil iyon bago nag salita
"Lo, girlfriend ko po si Cleo"magalang kong sabi
Bakas sa mukha nila ang gulat pero agad din naman napalitan ng ngiti
"Aba, dalaga na talaga itong apo natin Sebastian, pumapag-ibig na" nakangiting sabi ni Lola kay Lolo
"Oo nga, parang dati lang umiyak pa dahil inagawan ng laruan" sabi pa ni Lolo at saka tumawa ramdam ko naman ang pag init ng tenga ko dahil sa hiya
"Lo, naman" nagtatampo kong sabi dito, pero ang anteh tawa lang ng tawa
"Ikaw, hija kamusta maging girlfriend ang apo namin? " tanong naman ni Lola sa katabi ko na kanina pa pala naka ngiti habang pinagmamasdan akong inaasar nila Lolo at Lola
"She's a good cook po, and loving" magalang na sagot niya kay Lola
Loving? Luh lagi nga akong nakikipag talo sa kanya eh
Pero sa good cook, well totoo naman hehe
"Talagang magaling mag luto yan, nagmana yan sakin" proud na sabi ni Lola
"I agree po" sagot muli ni Cleo
"Nako bakit naman ang pormal mong mag salita, you can call us Lolo at Lola nalang, tutal magiging mag asawa naman kayo" sabi ni Lolo kaya bahagya pa kaming nagkatinginan ni Miss Cleo saka sabay na nag iwas ng tingin

YOU ARE READING
My First And Last
RomanceGuinevere Sanchez is a smart and wise student that's why she caught the attention of her cold and independent Professor Safara Cleo Clayton. Was she gonna reciprocate her Professor feelings?even though it was wrong because she's her student?