Chapter 51

2.6K 40 1
                                    

Cleo...

Matalim ang mata ni Cleo na nakatingin kay Marcos bakas din dun ang galit

Nang dumako ang mata niya sa direksiyon ko ay agad nag tama ang aming mga mata lumambot ang ekspresyon niya kita ko sa berde niyang mga mata ang pag-aalala

Agad din nawala ang malambot na ekspresyon niya at unti-unting nandilim ang mga mata niya ng tumingin kay Marcos

Tumayo si Marcos ng tuwid at parang baliw na nginisian si Cleo

"Wow, ang knight in shining armour ni Guin andito na"sarkastikong sambit nito

"Ah" daing ko ng apakan ni Marcos ang kamay kong nasa sahig at tinutukan ako ng baril sa ulo

Mabilis ni Cleo tinutok ang baril niyang hawak kay Marcos

"Kung ayaw mong mamatay to ibaba mo ang baril mo!!" Sigaw ni Marcos

Namimilipit ako sa sakit dahil dinidiinan ni Marcos ang pag-apak niya sa kamay ko

Walang pag dadalawang isip na ibinaba ni Cleo ang baril niya sa sahig na mas kina ngisi ni Marcos

"Sipain mo" utos ni Marcos na agad namang ginawa ni Cleo

Akmang itututok na ni Marcos ang baril niya kay Cleo ay walang pag-aalinlangan na kinagat ang binti ni Marcos kaya napadaing siya sa sakit

Mabilis na gumalaw si Cleo at tinabig ang baril na nasa kamay ni Marcos, tumilapon ang baril ni Marcos kong saan

Akmang aalalayan na ako na Cleo ng mabilis na maka bawi si Marcos

"Cleo!" Sigaw ko ng sipain ni Marcos si Cleo sa tagiliran ng siyang dahil ng pag pagbagsak ni Cleo sa sahig

"Hahaha, anong akala mo?kaya mo ako?" Parang baliw na sambit ni Marcos

Lumapit si Marcos kong nasan ang baril niyang tinabig ni Cleo at akmang  kukunin na nito ng maramdaman kong tumayo si Cleo sa gilid ko at patakbong lumapit kay Marcos

Pagkalingon ni Marcos agad nakatanggap siya ng malakas na suntok kay Cleo

Sa ikalawang pagkakataon ay muli niyang tinabig ang baril na hawak ni Marcos ngunit hindi ito na bitawan ni Marcos

Hanggang sa mag-agawan ng baril ang dalawa

Habang ako ay andito sa sahig na ng hihina at hindi na kayang tumayo kaya wala akong magawa kundi ang panuodin sila

Nag-agawan ng baril ang dalawa hanggang sa mabitawa ni Marcos ang baril at nalaglag sa sahig

Agad na sinuntok ni Cleo ang mukha ni Marcos kaya napa daing ito pero agad ding bumawi ng suntok pero mabilis ang naging kilos ni Cleo kaya naman agad niya itong nailagan

Walang awang pinag-susuntok ni Cleo si Marcos sa Mukha at sa tiyan na naging dahilan ng pagbagsak ni Marcos

Nang masiguro ni Cleo na hindi na ito nakakagalaw pa ay dali-dali siyang lumapit sakin

"Baby, I'm here your safe now" malambing na sabi ni Cleo

Wala akong masagot dahil sa sobrang panghihina

Inalalayan ako ni Cleo tumayo at ng makatayo na ay siya namang pagharang ni Marcos sa pinto

Hawak na nito ang baril at naka tutok samin

Tinago ako ni Cleo sa likod niya na animo'y pinu-protektahan ako

"Ano? Akala niyo makakaalis kayo dito ng buhay?hahaha hindi mangyayari yun, kong hindi naman mapapasakin Guin pwest hindi ka magiging masaya sa piling niya dahil papatayin ko yan mismo sa harap mo! "galit na sigaw nito

My First And Last  Where stories live. Discover now