Chapter 2:
Ahgg! bakit ba ganito itong skul na ito kita na nga na heartbroken yung tao ganyan pa ang mga tutog!
Nagtataka siguro kayo no... FEBUARY 14 kasi ngayon at maraming pakalat-kalat na magjowa! Sa una sweet pagtagal wala din manloloko. paiiyakin ang mga babae. paaasahin na mahal ka nga pero hindi naman talaga......
Bitter lang Lei..... Wag maging bitter... malas ni Jules dahil pinakawalan niya ang isang dyosang kagaya mo.
Ahggg! Ayan na nga sya...
"Hi Lei." sabi ng ungas na si Jules.
"Ah sige una na ko may klase pa ako." sagot ko. Hindi naman sigurong halata na bitter ako.
"Diba valentines ngayon so walang klase ng 1st at 2nd period natin." paliwanag na man nya.
"Ah ganun ba?... Kokopya ako ng assignment sa Algebra." Lame excuses Lei.
"Algebra? Ayos ka lang. Isang Lei Gonzales kokopya ng assignment sa Algebra." sagot ni ungas. "Di bale sa na kung si Suzzaine Gonzales ka."
"Hoy Jules umayos ka ha hindi nga ako kasing talino ni Lei pero mas maganda naman ako sa kanya." Nako naman... Isa pa itong buwisit na ito. Hanggang kailan ba sila magtatago.
"Ah sige una na ako" sabi ko sa kanila sabay takbo dahil baka hindi ako makapagpigil umiyak pa ako sa harapan nila.
Naalala ko na naman.....
Flashback.....>>>>>
Papunta akong garden ngayon dahil ang init sa room namin. Wala din dun si Jules, ang ultimate manliligaw ko simula nung 1st year palang ako. Actually, 3rd year na ako ngayon at balak ko na syang sagutin bago manlang sana magprom.
Nang malapit na ako sa garden nakarinig ako ng pamilyar na boses.
"Ahhmm.....(mahinang boses), matagal na tayong magkakilala, matagal na rin akong naghihintay na gawin to, so pwede na ba kitang maging Girlfriend..." tanong nung boses lalaki
"Yes of course.. I want you to be my boyfriend..."
"hahahahaha"
Then sumilip ako sa bush na pinagatataguan ko nakita ko si Jules at si Ate Zaine.
<<<<<<<<..........Back to the present..
Hindi ko alam ang mararamdaman ko nung mga oras na iyon parang tumigil ang pagtibok ng puso ko.
Hanggang ngayon hindi pa rin nila pina-aalam sa akin. Tinatago parin nila ang relayon nila. wala siguro silang balak na ipaalam sa akin.