Chapter 5:
Prom...
Ah ghad, late na ako. 15 minutes na lang nandito parin ako sa bahay.
Shemas nasan na kasi yun. Yun na nga lang yung alaala ni Daddy eh.
"Lei ano ba tara na hatid na kita" sabi ni mama.
"Ah sige po."-ako
Pumunta na kami sa school dito lang kasi ginagnap ang mga program ng skul kasi gastos pa daw pag umarkila ng function hall.
Ang ganda ng pagkakaayos sa gym. may mga disco balls pa tapos may cater pa. oh diba bongga.
Biglang namatay yung ilaw may humawak sa wrist ko at humila sa akin palabas ng gym ng nasa labas na kami taka lang niya ako binitawan.
"sumunod ka sa akin" sabi nya.
wala pa ata ako sa wisyo kaya sumunod ako kay Jules nakarating kami sa field yung tambayan namin. NOON. Pero ngayon wala na.
"Lei give me 5 minutes. please makinig ka lang." -jules
"ok"-ako
"Sige, Oo matagal ang 3 years. Nakakanip oo. Minsan iniisip ko may mali ba sa kin. Naiinis ako sa yo kasi baka pinaasa mo lang ako. Pero alam ko na alam mo na mahal kita. Sabi nung barkada. Ang bagal ko daw kumilos baka maunahan daw ako ng iba. Pero wala akong pakialam kahit habang buhay ako maghintay at manligaw sa yo. Ganyan ang pagmamahal ko sa yo."
<speechless>
"Ano hindi ka rin ba magsasalita?" tanong ni Jules.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Niyakap ko nalang siya at umiyak sa balikat nya.
"Bakit ka nagpropose kay Zaine." tanong ko sa kanya.
"Kasi naduduwag akong tanungin ka. Naisipan kong magpractice at yun yung nakita mo. Baliw kasi yung ate mong yun sumagot ng oo." paliwanag ni Jules.
Hindi na ako nagsalita pa at hindi ko na rin ito papalagpasin. Mahal ko naman siya. at alam kong mahal din nya ako.
"Ahmm Jules... Sinasagot na kita" sabi ko.
"Ayoko na." sagot ni Jules
"Huh? Diba sabi mo mahal mo ako" -ako
"OO."....."Pero hindi ka dapat sumasagot ng hindi pa ako nagtatanong. Lei Nalie Gonzales..... Will you be my girlfriend" -Jules
Ah bwisit to pinakaba pa ako.
"Of course Mr. Jules Villavecencio."
And our story end.
*THE END*