Chapter 3

8 1 0
                                    

Chapter 3: 

*tok*tok*tok*

Ang ingay eh alam na natutulog yung tao eh.

"Sandali.." sigaw ko.

"Lei yung mom mo na sa ibaba." sabi ni Tita Rosie.

"Ah ok po." sagot ko naman.

Nag-ayos muna ako..

Pagbaba ko nandun sina mama at Zaine.

"Bakit po mama?" tanong ko.

"Sama ka sa min Lei, magshoshoping kami for JS." sagot ni Mama.

"Ah ok lang po may gown pa po ako dyan yung susuotin ko sana nung kasal ni Tito Rey eh bigla naman akong nag-kabulutong." paliwanag ko naman.

"Ay hindi na pwede yun, tara na." Kinaladkad ako nitong si Zaine.

Wala na akng nagawa pa. Dumiretso kami sa isang botique na kakilala ni mama.

"Chinie," tawg nung baklang designer kay mama.

"oh hi Belly."-mama

"So ito na ba ang mga prinsesa mo." tanong nung Belly.

"Yeah, this is Suzzaine and Lei" pagpapakilala ni mama sa min.

"Oh you have beautiful princesses.. I wish I could also have that beauty of yours." pahayag nung bakla.

Wag ka nang mag-imagine.. Hindi ka magiging DYOSA kagaya ko. BWahahaha. Ang sama mo talaga Lei.

"Can I ask you a favor?" tanong ni Mama.

"Of course dear."

"Can you make a prom gown for this two?

"yeah"

So yun sinukatan na kami tapos pumunta kami sa mall para mamili ng mga accessories. Then umuwi na kami. Sa bahay muna ako, dito naman ako tutulog ngayon.

KINABUKASAN....

"Si Rick (team captain ng basketball) ang paniguradong prom king. Tapos si Suzzaine naman ang Queen." -Girl 1

"Hindi mas bagay si Jules bilang King." -Girl 2

"Eh diba nililigawan ni Jules yung kapatid ni Suzzaine?!" -Girl 3

"Yeah" - Girl 2

"Sya yun diba?" -Girl 3

"oo nga, hindi naman pala kagandahan." - Girl 1

AHHHHHGGGGGG!!!

Grabe lang ang mga tao to ang hilig pag-usapan ang buhay ng may buhay.

Nagdiretso na lang ako sa room at tumungo sa desk ko.

Nakarinig ako ang strum ng gitara.

" Uso pa ba ang harana

Marahil ikaw ay nagtataka

Sino ba tong mukhang gago

Nagkadarapa sa pagkanta

At na sisintunado sa kaba

Meron pang dalang mga rosas"

Sabay abot ng pink roses.

"Suot na may maong na kupas

At nariyan pa ang barakada

Naka-porma, nakabarong,

Sa awiting daig pa minus one at sing along

Puno ang langit ng bituin

At kay lamig pa ng hangin

Sa iyong tingin ako'y nababaliw, giliw 

At sa awitin kong ito

Sana'y maibigan mo

Ibubuhos ko ang buong puso ko,

Sa isang munting harana, para sa'yo"

"......."-ako

Ano kayang balak nitong si Ungas na ito?

"Ahmmm., Lei can you be my prom date?"

What the...

HANGGANG KAILANGAN BA ITO MAGTATAGO NG TOTOO?

NAKAKAASAR NA HA!

"No." Simpleng tugon ko.

"Huh?" tanong ni Jules.

"Bingi ka ba o talagang hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang NO....AYAW KO....HINDI KO GUSTO" sabi ko sa kanya.

"Bakit?" tanong na man nya.

"Eh bakit din ba?" sagot ko sa kanya.

"Hindi kasi kita maintindihan. Akala ko ba ako yung date mo sa prom." -Jules

"...." konti nalang talaga.

"Ano tatahimik ka na lang ba diyan?" pasigaw na tanong ni Jules.

"....." isa pa....

"WOW LANG, LEI NALIE GONZALES! Para akong t*anga dito oh magsalita ka naman." sigaw ni JUles

Hindi ko na talaga kaya.

"WOWS DIN MR. JULES VILLAVECENCIO JR.! Kung ikaw mukhang t*anga. Ano pa kaya ako? Nuknukan na ng kat*ngahan. Umasa na yung tanging tao na maghihintay sa kin kahit anong mangyari ay sya pa mismo ang mangiiwan...." wala na hindi ko na kinaya..

Ansaket..

Sobra....

"Lei.."-JUles

"ANO HINDI KA PA RIN AAMIN?.....OH SIGE AKO NA MAGSASABI.. OO ALAM KO NA.... ALAM KO NA NAGMAMAHALAN KAYO NI ATE ZAINE. CONGRATS HA.." then tumakbo na ako palabas ng room.

Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno malapit sa field. Ito yung tambayan namin ni Jules. Naaalala ko pa nung kinakantahan nya ako. Nung natutulog ako sa lap nya habang hinahaplos nya yung buhok ko. yung mga kulitan na min sa ilalim ng punong ito. Saksi ang punong ito sa lahat ng masasayang araw namin. pero hanggang alaala na lamang iyon.

There is loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon