There's a myth that says:
“People live more than one life. The human soul does not perish with death, but tends to seek another vessel to be reborn.”
Reincarnation. That's what they call it.
Kung noon mo ako sasabihan ng paniniwalang ito ay baka pagtaasan lang kita ng kilay. I don't believe anything that's not backed up by science nor by any studies void of valid proof.
Pero paano nga lalabanan ang lohika kung misteryoso kang dinadalaw ng panaginip na nagpupumilit makihalo sa baul ng ala-ala mo?
"Talaga namang bagay sa'yo ang paynetang bigay ni Ginoong Antonio, Señorita!” masiglang wika ng isang babae.
Katulad nito.
Hindi ko kilala kung sino ito. Mukhang ako ang kinakausap dahil wala namang ibang tao sa paligid. Inaayos n'ya ang aking buhok sa paraang sanay at kabisado.
"Salamat, Criselda. Kahit ako'y natutuwa sa mga regalong bigay n'ya. Halatang pinag-isipan..." Boses iyon na galing sakin.
It's not me, I didn't curate that exact reply from my own mind. Automatic lang na lumabas iyon sakin na parang plakang naka replay na lang.
It's as if I were here to merely see the point of view of this woman and I don't have any control.
Nasa silid ako ng isang makalumang kwarto. Sa gilid ko ay isang malaking bintana na gawa sa kahoy. Ang kurtinang puti ay dalisay na sumasayaw dahil sa pang-umagang hangin.
I've never been here. Yet somehow, I feel like I know this place like the very back of my hand.
Sa harap ko ay isang malaking salamin at sa ibaba ay mga gamit ng babae na nagkalat sa maliit na mesa. A woman's reflection caught me by surprise. It's mine but so eerily different.
Marahang itinaas ng matanda ang aking mukha upang umanggulo sa salamin.
"Napakagandang dilag! Paniguradong mahuhumaling nang tuluyan sa iyo ang Ginoong iyon!” Her wrinkled eyes glittered with admiration.
Isang ngiti ang namutawi sa mukha ng babae sa salamin.
She's so right. The woman was naturally pretty with its doe expressive eyes and plump lips. The gentle sunlight seeping through the window also accentuated her beautiful olive skin.
Who is she? I wonder.
"Salamat, Manang. Medyo kinakabahan nga ako kahit hindi naman ito ang una naming pagkikita. Para bang bawat pagtatagpo namin ay bago saking pakiramdam..."
"Naku! Ganiyan talaga ang pag-ibig, Señorita. Hindi mo mawari kung anong dala ng bawat pagkikita! O, s'ya at humayo ka na! Naghihintay na ang karuwahe sa ibaba," udyok nito.
Naramdaman ko ang bigat ng aking suot nang makatayo. Nailantad ang detalyadong burda ng saya nang malaglag sa sahig ang sidsid nito.
Napasinghap ako. I've seen this clothing before on local books and movies that took place on the late 1800's. Isang Filipiniana.
Bago pa ako maka-react ay kusa nang gumalaw ang aking paa. Dinala ako nito sa bukana ng isang hagdan na gawa sa kahoy.
"Señorita! And'yan na pala kayo! Halika na at baka maabutan pa tayo ng iyong ama!" sigaw ng isang lalaki mula sa ibaba. Mukhang nagmamadali.
Naghihintay? Sino?
Tinanaw ko ang labas ng pintuan na ilang tapak lang mula sa hagdan. May karuwahe nga akong nakikita gaya ng sabi nung babae.
Binati ko ang matanda nang nasa harap ko na ito, isang reaksyon na hindi rin naman galing sakin.
Sa malapitan ay makikita ko ang detalyadong pag lilok sa kahoy ng karuwahe. Halatang pagmamay-ari ng taong nasa karangyaan.
Pinagbuksan ako ng pintuan ng matanda.
A strange overwhelming emotion filled my chest the moment I took my seat inside. Like I'm beaming with anticipation but the guilt is also there— crippling and nudging me to just go back.
Hindi akin ang emosyong ito. Hindi ko nga alam ang nangyayari o bakit ako nandito.
Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng isang nakakabinging sigaw. It was so sharp and sudden that it made me jump from my seat.
Lumingon ako at laking gulat nang isang malaking puno ang bumungad sakin.
What the?!
Sobrang bilis umiba ang pangyayari. Parang inihip lang ng hangin ang buong paligid at pinalitan ng panibago. Mas mabigat, nakakasulasok, madilim. Kinabahan na ako. What was once a broad daylight scene is now a dark windy night.
Nakatayo ako sa panibagong lugar.
Confusion surged through me.
"Mang Pedring?!"
The voice was trapped in my head. Isang paalala na hindi ako makakapagsalita rito. Lahat nang ito ay tila tapos na, matagal nang naganap at narito na lang para gunitain.
"...Antonio?" Sa halip ay ito ang salitang lumabas sa bibig ko.
Isang pangalang hindi ko kilala ang may-ari, ngunit sobrang natural lang na naisambit ng bibig. It's as if I've been calling that name my whole life.
My body moved to step backward. I realized that I'm shaking so bad that I can't even keep my knees steady. As if I'm suddenly in a state of panic.
Naramdaman ko ang pagkabasa ng aking pisngi. Umiiyak ako. Sa di malamang dahilan ay parang akin na ang emosyong ito. Tumatagos sakin. Nanunoot hanggang saking dibdib.
Nabaling ang tingin ko saking kamay which made my eyes widen with horror.
Dugo.
Maraming mga dugo na hindi ko alam saan galing.
Last thing I heard before everything went black was my own curdling scream.
YOU ARE READING
Sincerely, Josefina
FantasíaIn a world where the threads of time intertwine, Josie embarks on a journey of past life discovery. Through dreams that are close to becoming nightmares, she found herself being this girl named Josefina of 19th century. Could it get any more comple...