|| PROLOGUE : The End Of Nothing ||

71 2 0
                                    


It was summer of 2015

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

It was summer of 2015.

3rd year college ako nun. At siya, magtatapos na.

"Chia!"

May biglang tumawag sa'kin. Napalingon ako.

Akala ko ba sabay-sabay na silang sasakay ng jeep pauwi?

Galing kami sa org kanina. Magkakasama kaming lumabas ng school kanina at nung may dumaan na jeep tumawid silang lahat para sumakay at makauwi na, tutal gabi na rin. Ako naman, maglalakad pauwi. Malapit lang kasi yung bahay namin.

Pero nung lumingon ako para tignan kung sinong tumawag sa'kin... May isang tao lang doon.

Bumungad sa akin ang isang lalaking naka-white uniform. Dark blue pants. Naka-backpack.

Lumakad siya palapit sa'kin.

Nagwala agad yung puso ko. Ano ba 'to. Naglalakad lang naman siya pero... bakit ang lakas ng epekto?

"A-Akala ko magji-jeep na kayo?" Takang tanong ko nang makalapit siya.

Sinuklay niya ang buhok gamit ang mga daliri— bagay na lagi niyang ginagawa kapag nahihiya siya. "H-Hindi na." Tugon niya.

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam ang sasabihin. Nagsimula kaming maglakad pauwi.

Napasulyap ako sa langit. Kitang-kita ang mga nagniningning na bituin ngayong gabi. Nasa tabi ko siya at naglalakad kami sa ilalim ng malawak na kalangitan. Mukhang pinagbibigyan ako ni Lord!

Nakapagtataka... sa mga kasama namin sa org, siya yung pinakamalayo ang uuwian. Dalawang bayan pa ang pagitan ng school namin sa kanila.

Kaya bakit siya nagpaiwan para maglakad..?

Dahil ba... sa'kin?

"Uhm... Happy birthday pala." Bati ko. Hindi ko pala siya nabati kanina, walang chance na makausap siya kasi palaging madaming nakapalibot sa kanya.

"Happy birthday din." Sagot niya pabalik.

Napatingin ako sa kanya bigla at saktong nakatingin din siya sa'kin. Nakangiti.

Napaiwas ako ng tingin. Parang ang init ng mukha ko. Nung huling kaarawan ko, nagtatampo ako kasi hindi niya ako binati. Magkakasama kami nun sa org pero kahit isang pagbati hindi ko natanggap mula sa kanya. Bumabawi ba siya ngayon..?

"Ops, ingat." Biglang sabi niya sabay alalay sa likuran ko nung tumawid kami sa intersection. Marami kasing mabibilis na sasakyan. Pero pakiramdam ko, pati pagtibok ng puso ko ay bumilis sa ginawa niya.

Bakit ka ganyan..?

Habang marahang tinatahak ang daan pauwi, nagkwentuhan kami tungkol sa mga bagay-bagay gaya ng lagi. Ganito. Ito yung mga sandali na bumubulong sa'kin na siya yung taong gusto kong makasama sa habambuhay.

WYSILYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon