|| CHAPTER 5 : A Walk With Someone Else ||

9 0 0
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Dear The One,

Will you say 'I love you'?

When others want to have you

When I'm not sure if love is what I feel for you


When my world is shaken and my heart is confused

Will you be my clarity in the storm and say the important words?

~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~



[ Ayane Chiahara's POV ]


"Ano? Masarap?"

Tumango-tango ako at nag-thumbs up pa sa kaharap habang tuloy-tuloy ang kain sa pasta— hindi na makapagsalita.

"Alam mo..." Panimula ni Joie. "Alam ko naman na favorite mo 'yang luto ko. Pero yung kainin mo 'yan na parang gusto mo nang mabulunan, parang hindi normal yun!"

Hindi ko siya pinansin.

"Ganyan ka rin nung umalis si Akie."

Napaubo-ubo naman ako sa sinabi niya. Inabutan niya ako ng tubig. Nung nalunok ko na yung kinakain ko, tinignan ko siya—hindi malaman kung anong tamang i-react doon. At nakangisi ang loko sa'kin. Masaya siya na nabulunan ako kanina, wow.

Napalingon-lingon ako sa paligid nang maalalang nasa cafeteria nga pala kami ng kompanya at baka may kakilala pala ako sa paligid na nakakarinig. Lunch break ngayon. Binisita lang ako ni Joie para maki-chika and syempre, may mandatory pasta siyang dala for me to spill the tea.

I sighed.

"Hindi ko alam Joie." I started. "Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko para sa kanya."


My feelings for Akie...

when did it all start?


Ahh, it all stems from those years.

Matagal na akong kasali sa org namin, isa iyong arts club sa university. I was both a writer and an illustrator.

One time, may event sa school at lahat sila nagpunta sa gym. I stayed back sa office nung sumama yung pakiramdam ko. Doon ko napiling tumambay. And then he came... He wanted to join our club. Other than being a violinist, he was also an artist, a painter. At first, I told him na bumalik na lang siya kasi wala sila pero when he saw that I was alone, he felt like it was wrong to leave me there. So he stayed and kept me company.

WYSILYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon