Chapter 22

642 23 1
                                    

Khyzin POV.

"Tama na, Khyzin." Nandidilim parin ang paningin ko sa lalaking sinusuntok ko ngayon. "Mapapatay mo na yan." Napabalik ako sa ulirat nang hitakin ako ng malakas ni Nancy. "Shit, are you out of your mind Khyzin? May dinner kayo ngayon tapos ikaw andito pa at nakikipag sapakan."

"Tsk, ligpitin nyo yan ni Triv." Hindi nya binitawan ang kamay ko.

"Hatid na kita." Umiling ako. "Lasing ka."

"Kaya ko sarili ko, Nancy. Don't tell anyone about this." Tumango ito.

Hinatid ako ni Nancy sa sasakyan ko, medyo nahihilo ako pero kaya ko pa naman.

"Ingat ka." Huling sabi nya bago ko sila iwan.

Lumipas ang kalahating oras nang dumating ako sa amin. May mga nakaparadang sasakyan hindi amin yung iba.

Wala ako sa ayos ng pumasok sa loob, mukang tapos na sila kumain.

Nag lakad ako ng tuwid kahit hilong-hilo na ako, tinamaan na nga ako ng alak pati ba naman kamao sinong hindi mahihilo.

Pag pasok ko kung saan yung ingay bumungad sakin si Mr. Co na may lungkot sa mata pero hindi nya ito pinahalata. Huminto rin ako sa tapat nya, tinitigan ko sya gaya ng ginagawa nya sa akin.

"Don't hurt my daughter." Walang anumang sabi nya sabay tapik sakin at umalis sa harapan ko.

Pinagsasabi nya? Hindi naman kami at hindi na magiging kami, ikakasal na sya.

Bakit pala sya andito?

"Khyzin." Pukaw ni Dad sa akin, hindi ko namalayan na nakatulala ako.

Pingmasdan ko sila, kumpleto andito rin ang mag kapatid at ang pinsan nya.

Anong ginagawa nila rito?

Napatingin ako kay Aisha na nakatitig sa akin, umiwas ako ng tingin. Nasasaktan ako.

"I don't have an appetite." Pag kasabi ko non iniwan ko na sila, rinig ko pang tinatawag nila ako.

Wala akong gana sa lahat.

Palaisipan sa akin bakit sinabi yon ng ama ni Aisha, anong ibig nyang sabihin?

Bakit katabi ni Klea si Dave imbis na si Aisha?

May nakaligtaan ba ako?

Pag pasok ko sa kwarto pabalibag akong humiga. Ouch sakit ng braso ko may pasa sigurado. Kahit tinatamad ako tinangal ko ang long sleeve ko saka pants ko, bali ang natira nalang sakin ay ang bra at boxer.

Bukas nalang maligpit, antok na antok nako.

Nagising ako nang may maramdaman akong basa saking muka. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko nung una malabo pero maya-maya naaninag kona kung sino ang nag pupunas sa akin.

Napabangon ako bigla.

"Ginagawa mo rito?" Walang gana kong sabi sa kanya at tumalikod. Naka bra at boxer ako edi nakita nya na katawan ko. Kahit tanging buwan lang na galing sa bintana maliwag parin.

"Your daddy told me to sleep in your room." Seryoso nyang sabi.

"Maraming guest room."

"You. Are you avoiding me?" Bakas ang irita sa kanyang boses.

"No. Bakit ko naman gagawin yon."

"Face me." Hindi ako kumilos. "I said face me, Khyzin." Humarap ako sa kanya. "Where did you get your wound?" Huwak nya pa rin ang towel na basa. "Are you deaf?" hindi parin ako nag sasalita at nakatitig lang sa kanya. Bakit andito sya?

Nothing ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon