Chapter 21

630 23 0
                                    

Aisha POV.

Pinakilala ni Dad si sir Zyven bilang bisita. Matapos non ay nagsimula na ang party. May mga nag sasayawan na sa gitna by partner.

Ako nandito sa lamesa habang nakatingin sa mga sumasayaw. Kasama ko sa lamesa sila Mayra, Zyrte, Trisha, at Wryzhi. Ako lang ang walang partner.

Hindi ko nakita ang kapatid ni Mayra at ang kapatid ni Wryzhi. Wala si Dave siguro kasama nya ngayon si Klea. Wala rin si Khyzin, hindi ko parin sya nakikita simula kanina.

"Can we danc-." Naputol ang sasabihin ng lalaking lumapit sakin at mabilis na tumalikod.

Napairap ako sa kawalan dahil sa lalaki na yon. Maya-maya pa ay may palapit na naman na lalaki sakin pero mabilis din itong tumalikod.

What the heck?

Mga baliw ba sila hindi naman ako kumakain ng tao.

"Hi, can I dance with you?" Sawakas meron na rin nagsalita at nag lahad ng kamay sa harapan ko.

Bago ko man abutin ang kamay nayon ay na realize ko na babae ang nagsalita. Too late ng tabanan kona ang kamay nyang nakalahad.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa nararamdaman ko, mabilis na kumakabog yung puso ko. My god.

"You're gorgeous I can't help but approach you to dance." Naramdaman kong namula ang pisnge ko sa sinabi nya.

Hinawakan nya parehas kong kamay at inilagay sa balikat nya. Andirito na pala kami sa gitna hindi ko manlang namalayan.

Humawak sya sa bewang ko at inalapit sa kanya. Ramdam ko yung kaba ko sobrang lakas. Nang dumapo sa likod ko ang kamay nya parang may kuryente akong naramdaman.

"I'm sorry for everything, Grieh." Napaangat ako ng tingin para tingnan ang kanyang mukha. Sobrang ganda nya. Bakit hindi ko sya makalimutan? "Don't cry. I don't want to see you like that." Niyakap ko sya ng mahigpit.

"I'm sorry." Yung galit ko sa kanya unting-unti nawala. "I hated you for leaving me! I'm mad at you!" Umiiyak kong sabi sa kanya. "You lied to me, you hid a lot and didn't tell me."

"Stop crying. Andito na ako, hindi na kita papakawalan." She kissed my forehead.

Nanatili kaming ganon ang posisyon habang sumasayaw. I miss her.

Matapos ang tugtog umupo kami sa lamesa kung asaan sila Mayra.

"Okay kalang ate?" Tanong ni Trisha. Tumango ako bilang sagot.

"May ginawa ka sa kanya no?" Tanong ni Wryzhi Kay Khyzin.

"Wala." Sagot nya lang kay Wryzhi.

Taban nya parin ngayon ang kamay ko, hindi nya binibitawan. Sinilip ko sya, sakin rin pala sya nakatingin. Ngumiti sya sa akin kaya ngumiti na rin ako. Iniisip ko si Dave. Galit kaya sya sa sakin?

"Let's start to what we all have been waiting for the night!" Sigaw ng MC. Mga nag sigawan naman ang mga studyante.

Binalingan ko ng tingin si Khyzin.

"Hindi ako kakanta." Nag-iwas sya ng tingin. Napatingin lang naman ako sakanya 'di ko sinabing kakanta sya.

"Why?" Tanong ni Mayra.

"She removed her name from the list." Sabi ko nalang.

"Alam mo?" Tanong ng katabi ko.

"Of course, I'm president of this school." Sabay irap ko sa kanya. Hindi sya naka-imik.

Nagsimula ng kumanta ang iba't-ibang kurso hanggang sa engineering na ito. Si Dave na ang kakanta. Humigpit ang taban sakin ni Khyzin nang tumingin sa akin si Dave.

Nothing ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon