Chapter 2

18 0 0
                                    

FLASHBACK. 2015


"Sabi na eh! Hindi ka nag reply nun eh. Kaya matic na yun samin, pwedeng hindi ka okay OR hindi kayo okay ni Caleb OR hindi okay sa bahay niyo" sabi ni Elisse na may halong gigil habang pinapalamanan niya ng cheeze wiz ang mga tasty. Natanong niya kasi kung kamusta kami ni Caleb nung Anniversary namin. Saan daw kami nag date, kung kamusta kami, ano daw ang ganap, may gift daw ba. Syempre ang sagot ko sa lahat ng yun ay wala.


"You mean to say, ganyan pa din siya? Akala ko ba maayos na ulit siya? O sinabi mo lang yun samin para tumigil na kami kakatanong kung kamusta kayong dalawa?" tanong naman ni Maisy habang titig na titig sa mga mata ko habang magkaharapan kami sa mesa


Nandito kami ngayon sa kwarto ni Elisse. Tamang kwentuhan, foodtrip at nuod ng movies. Biglang yayaan lang kaya nag go na kami ni Maisy tutal parehas din naman kaming walang pasok at lakad ngayon. Buti na nga lang din at pumayag si Papa at walang toyo ngayon, ewan ko nga lang mamaya pag uwi ko. Na pa praning pa naman ako pag galit yun


"Kasi nung tinanong mo ako nun. 2 weeks kaming okay. Kung ano siya nung dati, ganon na siya ulit. Everyday siya pumapasok sa klase niya, lagi kami magkasaup, lagi niya ako ina update Sweet na siya ulit, caring, understading--" hindi pa ako tapos mag salita pero may sumabay na sakin at parehas na parehsa kami ng mga sinasabi


"So akala ko naman okay na siya ulit. Na bumalik na siya sa dati" napatingin ako sa side ni Elisse na ginagaya ang mga sinasabi ko pero may pang asar na tono. Natawa naman ako, pati siya at si Maisy ay natawa din


"Hay nako Ciela Serene ha! Tumatawa tawa lang ako dito pero hindi na namin gusto yang asta ni Caleb ha!" busy pa din siya sa pagpapalaman ng sandwich. Inaayos niya muna kasi ang mga kutkutin namin bago kami manuod ng 2nd movie namin, walang iba kung hindi ang favorite movie namin na High School Musical.


"Tingnan mo kabisado ko na kung anong sasabihin mo. Lagi mong sinasabi yan pag gusto mo ipagtanggol o pagtakpan si Caleb samin." habol niya


"Hindi naman sa ganon.. Kilala niyo naman si Caleb eh, hindi siya ganon nung High School. Syaka alam niyo din naman yung sitwasyon niya di ba?" sagot ko


"Hindi ka ba napapagod vhe?" tanong ni Maisy


Napatingin ako sa mga mata ni Maisy. Ang ganda ng mata ng babaeng to eh, sleepy eyes. Kaya naman full of emotions din ang mga mata niya pag ganto ang usapan


Napangisi ako "Hindi naman maiiwasan yung di ba?" sagot ko


"Oo natural yun eh. Pero yung pagpapa balewala mo sa mga ginagawa niya. Yun ang pwedeng maiwasan. Mag usap! Kumprontahin mo!" sagot ni Elisse sabay abot na niya ang sandwich kay Maisy. Sunod naman niya inabot sakin ang sandwich sabay salita at tingin sakin "Tanong mo, may babae ka ba ha?! Ha?! Tingnan mo kung paano maging reaction ng mukha niya. Alam din naman namin ang problema niya sa pamilya niya, kababata ko yan di ba? At matagal ng kaibigan. Mas matagal pa nga kaysa sayo Ciela di ba? Pero hindi ibig sabihin nun na iyon lang ang problema niya ngayon."


Medyo nagulat ako sa sinabi ni Elisse kahit expected ko na prangka talaga siya magsalita. Malakas na matining pa ang boses niya, pero siya ang pinaka maliit sa aming tatlo. Small but terrrible nga daw ika nila


"Baliw! Walang babae yun.." sagot ko


At para akong mabibingi sa biglaang katahimikan naming tatlo habang nagpapalitan kami ng tingin sa isa't isa


"Paano mo nasabi?"

"Gaano ka ka sure?"


Tanong nila na nagpa basag ng katahimikan namin. Napatingin ako sa kanila at napaisip. Doon ko lang naisip yun, never sumagi sa isip ko yun ha. Na may babae siya, na baka may iba nga?


Silent Agony (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon