Karina POV
"Lalaki?"
Nagmamadali akong lumapit upang hilain siya sa buhangin at tinapat ko ang aking daliri sa kanuyang ilonh. Nakahinga ako ng maluwag nang humihinga pa ito.
Nilapitan ko siya at saka ko pa niyugyog ang kaniyang katawan pero wala parin.
"Anak anong ginagawa mo diyan? Baka tangayin ng ibon ang binibilad mo," napatingin ako kay Itay.
"Itay may lalaki dito!" Noong una napakunot lang siya ng noo, kalaunan nanlalaki na ang kaniyang mata at saka ako nilapitan.
"Anong..."
"Tama na tanong itay tulungan mo na ako..." Reklamo ko, paano naman kasi tanong pa ng tanong ang bigay kaya ng lalaking ito.
"Anak sigurado kaba diyan? Paano kung patay na iyan o kaya naman masamang tao iyan?" Tanong niya. Umiling-iling ako.
"Kahit masamang tao pa po siya kaylangan po natin siyang tulungan." Sambit ko kaya naman wala siyang magawa kung hindi ang tumango at saka ako tinulungan akayin ang lalaki.
Ang alam ko babad na siya sa maalat na dagat pero nangangamoy bulaklak ang kaniyang katawan. Hindi ko alam kung anong amoy ito dahil ngayon ko lang naman naamoy ito eh.
Pinilit namin ni itay na ipasok sa maliit naming bahay ang lalaki. Inihiga ko siya sa aking silid kung saan ang aking papag at doon nkalatag ang banig.
Inilapag namin siya doon. "Ako na magpapalit sa kaniya, labasan mo nalang ako ng damit ko sa lagayan," sambit ni itay. Sumangayon nalang ako at sinunod ko ang kaniyang sinabi. Naghanap ako ng damit ni itay at saka ko ito inihatid sa kwarto bago ako lumabas.
"Oh bakit andito ka anak, hindi ba nagdadaing ka sa labas?" Bumungad si Inay mula sa labas may dala siyang bilao kung saan nagtatahip siya ng bigas.
"May tinulungan po kasi kami ni Itay sa dalampasigan," sambit ko. Biglang nanlaki ang kaniyang mata at nagmadali na lumapit sa akin sakto namang lumabas si Itay sa kwarto, isinara niya ang pintuang kawayan doon at saka itinali sa pinakagilid upang hindi ito mabuksan.
"Ano kamusta?" Tanong ni Inay kay itay.
"Nakatulog lang siya, wala naman siyang galos sa katawan." Nabuhayan naman ang aking puso kaya naman napangiti na ako.
"Anak sigurado kaba dito? Pano nalang kung masamang tao pala iyang tinulungan mo?! Paano kung magiging banta iyan sa lugar natin?" Sunod-sunod na tanong ni Itay sa akin habang si Inay alam kong ganoon din ang gusto niyang sabihin base sa kaniyang ekspresyon.
"Itay, Inay huwag po kayong mag-aalala pagkagising niya kung masamang tao po siya papaalisisn kopo agad siya, kaya huwag na po kayong mag-alala, gusto ko lang naman pong tumulong," pagpapaliwanag ko. Napabuntong hininga nalang sila at tumango.
Kaya naman ako binuksan ko ang tali at saka ako pumasok sa loob.
Naupo ako sa tabi niya. Magulo ang kaniyang buhok at medyo basa pa ito. Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha. Mukha itong sireno sa dagat... May mapulang labi, makapal na kilay, may mahabang pilik mata at matangos na ilong.
Ipinatong ko ang aking baba sa aking kamay at patuloy siyang pinagmamasdan para hindi ako nananawang pagmasdan ang kaniyang maamong mukha.
3rd Pov
Sinag ng araw ng tumama sa mata ni Maximus kaya naman unti-unti siyang napamulat ng mata. Noong una malabo pa ito dahil natatamaan ng araw ang kaniyang mukha ngunit natigilan siya. Nang bumungad sa kaniya ang isang dalaga morena ang balat at kulot nitong buhok.
Ngayon lamang siya nakakita ng ganitong mukha. Mukha itong character sa isang anime.
"Gising kana!" Napatayo si Maximus ngunit dahil sa kaniyang ginawa nagumpugan ang kabilang noo.
Napahawak si Maximus sa kaniyang noo habang si Karina naman direkstong nahulog siya sa kaniyang kinakaupuan dahilan upang sumalampak ang kaniyang pwet sa buhangin.
"Aww.." daing ng dalaga. Natigilan si Maximus at napatingin sa dalaga... Umiwas siya ng tingin dahil gusto niyang matawa sa posisyon ng dalaga ngayon.
"Aray ko..." Patuloy na daing nito. Nanatiling nakatulala si Maximus kay Karina talagang nahihiwagaan siya sa ganda nito kahit walang kolorete ang kaniyang mukha, maraming magaganda sa manila at lahat sila mga nakakaakit ngunit ni minsan hindi siya nahumaling sa isa sa mga ito ngunit ngayon naguguluhan siya kung bakit tila ngayon lamang siya nagandahan sa isang dalaga na ngayon lamang niya nasilayan.
Tumayo sa pagkakaupo si Karina at pinagpag niya ang kaniyang mahabang palda.
"Masakit ito ah. Nga pala halika na hindi pa kami nag-aagahan kaya naman tara na kumain," sambit ng dalaga at inilahad ang kaniyang kamay, nanatiling nakatingin lamang doon si Maximus na parang nahihiwagaan parin siya.
"Hindi kaba marunong magsalita?" Tanong ni Karina. Muling hindi sumagot si Maximus, napaatras naman si Karina, umiwas ng tingin si Maxmus, alam niyang tatawa ang dalaga dahil lahat naman inaakalang pipi siya, naghintay siya ng ilang minuto ngunit walang nagsalita.
"Hayaan mo na. Ako nga pala si Karina! Sa amin ang makulit na kubong ito hanggang wala kapang sasakyan pwede kang pumalagi dito." Napatingin si Maximus sa kaniya pero nanatiling tikom ang kaniyang bibig.
Hinila siya ni Karina patayo at saka walang kibong hinila patungong labas.
Nakapaa lang si Maximus pero buhangin naman ang lapag kaya hindi siya nasasaktan.
Nang makarating sila sa tapat ng lamesa nandoon na ang magulang ni Karina, natigil ang ina nito sa pagsasandok at ang ama nito ay natigil sa akmang paghigop ng kape.
Nahulog ng ina ni Karina ng kahoy na sandok at ang ama ay naibuga ang kaniyang kape.
Pareho silang napanganga nang masilayan ang mukha ng binata. "Bakit ganiyn po ng reaskyon niyo?" Tanong ni Karina bago hinila paupo si Maximus sa kahoy na upuan.
"Ang gwapo..." Bulong ng kaniyang ina. Natauhan ang ama niya at masama ang tingin na ibinaling ng ama sa ina ni Karina. "Bakit ganiyan ang iyong tingin Alberto? Huwag mong sabihing sa tandang mong iyan nagseselos ka?" Tanong ng kaniyang ina napasimangot naman ang ama ni Karina dahil doon.
"Hindi ba't gwapo din ako anak?" Sambit ng kaniyang ama na parang kumukuha ng simpatya.
"Oo naman Itay! Number 1 kang pinakagwapong lalaki para sa akin!" Malakas pang sambit nito. Ngumiti ang mag-ama bago pumunta sa kaniyang ama at iyakap ito.
Napatulala si Maximus sa taglay na ngiti na nananalaytay sa mukha ng dalaga... Hindi niya maiwasang matulala at bahagyang kumurba ng ngiti ang kaniyang labi habang pinagmamasdan kung gaano kasaya ang pamilyang tumulong sa kaniya.
"Nag-uutuan nanaman kayong mag-ama siya umupo kana at kakain na tayo," sambit ng kaniyang ina. Tinignan ni Karina si Maxmus at saka sinubukan siyang paupuin, wala namang nagawa ang binata kung hindi sumunod nalang.
Nang makaupo silang lahat nagsimula na silang kumain ngunit habang kumakain nilipat ang tingin nila kay Maximus. "Anong nangyari sa iyo? Bakit napadpad ka dito? Taga saan ka? Alam na ba ng magulang mo na nawawala ka?" Sunod-sunod na tanong ng ginang kay Maximus.
Natigil sa pagkain si Maximus ngunit wala siyang balak sumagot. Hindi pa niya lubos na kilala ang mga taong ito kaya ayaw niyang magsabi ng kung ano tungkol sa kaniya nanatiling nakatitig si Karina bago siya ngumiti at saka, itinaas ang kaniyang kamay. Pinagsaliwa-saliwa niya ang kaniyang kamay habang may patango tango pa.
Lahat naman ng mata napatingin sa dalaga, doon palang naiintindihan na ni Maximus kung ano ang ginagawa ng dalaga. Nagsi-sign language ito na hindi naman maintindihan.
Umiwas ng tingin si Maximus at saka napatikhim upang pigilan ang kaniyang pagtawa. Hindi niya maiwasan na mapaisip.
'This woman is funny.'
BINABASA MO ANG
Gastrell Brothers Series #3 Lost In Paradise
RomanceMAXIMUS LAX GASTRELL Isang tahimik at walang kibo si Maximus, ayaw nito sa maingay at sa babaeng walang tigil sa pananalita. Isang maingay at palakwento namang babae si Karina. Paano kung magtagpo ang kanilang mga landas dahil sa isang trahedya? Isa...