Karina Pov
Hingal kami ng lalaking kasama ko na huminto sa isang maliit na tindahan. Ito lang ang tindahan sa baryo namin, ang palengke naman medyo malayo pa dito. Malaki din kasi itong isla at talagang dinadayo ng mga turista sa angkin nitong ganda.
"Ate Marites!" Sigaw ko habang pinagpapalo palo pa ang maliit na kahoy upang marinig ako sa loob.
"Ate Marites!" Muli kong sigaw. Wala pa kasi siyang ano mang sagot.
"Ano ba iyan?! Ang ingay naman!" Napatikom ako ng bibig ngunit kalaunan napangisi ako nang buksan niya ang bintana. Nakakunlt ang noo niyang bumungad, gulo-gulo pa ang buhok, mukhang kagagaling lang nito sa pagtulog.
"Ikaw pala Karina, bakit naman nangangalampag ka?" Tanong niya habang nakakunot parin ang noo. Siya nga pala si Ate Marites, siya ang mas asensado dito sa amin, pumunta siya sa abroad dati at doon siya nakapangasawa ng Americano na may ari ng restaurant. Nakakatuwa nga love story nila kasi pinili ni Ate Marites na manatili parin dito sa isla samantalang pwede naman silang manirahan ni Angie na anak nila sa America kung nasaan ang asawa niya pero sabi niya hindi daw niya maiiwan kung saan siya nagmula kahit patay na si Aling Linda at Manong Lucio na kaniyang ina at ama.
"Bibili sana ako—" natigil ako sa pagsasalita nang biglang nailipat ang tingin niya sa lalaking kasama ko. Nanlaki ang kaniyang mata at maya-maya pa bigla niyang inayos ang kaniyang buhok at kumukurap-kurap pa.
Halla siya!
"Sino iyang poging kasama mo Karina?" Tanong niya at may pahawi-hawi pa ng buhok tapos parang may kung akong puwing sa kaniyang mata dahil kurap siya ng kurap.
"Natatae kaba ate Marites?"
"Pffft!" Napakunot ako ng noo nang marinig ko iyon, bago ako tumingin wa ibang direksyon. May natatawa ba? Imposible naman itong nasa tabi ko.
Baka guni-guni ko lang.
Nilingon kong muli si Ate Marites na napakasama na ng tingin sa akin kaya naman napaatras ko pero saktong naatrasan ko ang matigas na kung ano sa aking likuran. Pader ba ito? Rinig kong napasinghap ang lalaki kaya lumayo ako ng bahagya
"Che! Anong kaylangan mo? Sinisira mo araw ko Karina," sambit niya na parang naiinis na talaga sa akin. May masama ba sa tinanong ko? Paano kasi parang hinid siya mapakali kanina, nag-aalala lang naman ako.
"Hehe bibili sana ako ng papel, nakita ko kasi kay Angie na meron kang benta," sabi ko nalang para makaalis na kami, para kasing balak niya akong idaing kung mgtatagal pa ako dito.
"Papel? Teka nakita mo si Angie? Nasaan ang batang iyon? Ang aga umalis dito sa bahay," sambit niya bago may palingon lingon pa sa kung saan.
"Nadoon lang siya kalaro sila Ben tawagin ko nalang pag napadaan kami," sabi ko. Tumango naman siya kaya maya-maya p inaabot na siya sa sakin ang binibili ko.
"Oh ayan 25 isang pad." Kinapa ko ang aking bulsa bago ito inabot sa kaniya ang 50 pesos na kita ko.
"Pabili na din ako ng ballpen," sabi ko. Kumuha naman siya at saka inabot sa akin.
"35 lahat pero dahil pogi ang kasama mo 30 nalang," sabi niya bago ako sinuklian.
"Ay sige, salamat dito ah! Una na kami!" Sigaw ko bago ko muling hinila ang lalaki palayo doon.
Muli kaming tumakbo habang hawak ko ang kaniyang mga kamay.
"Angie hinahanap ka ng mama mo!" Sigaw ko nang madaan ko ang mga bata bago kami dumiresto sa dalampasigan, katapat na katapat ng bahay namin pero medyo malayo pa ang distansya.
Naupo ako doon bago ko sininseysan ang lalaki na maupo sa aking tabi.
Sumundo naman siya kaya naman inabot ko na sa kaniya ang papel at ballpen na hawak ko.
"Oh! Simula ngayon iyan na gagamitin mo."
Inabot niya ito. "Anong pangalan mo?" Tanong ko, nakita ko naman siyang nsgsulat.
'Maximus' mabuti nalang pala marunong ako magbasa kahit naman nasa isla lang kami merong nagprepresinta na guro para turuan kami noong bata kami at mga bata naman ngayon dito sa isla ang kanilang tinuturuan.
"Ang ganda ng pangalan mo," panimula lo bago ngumiti. "Taga saan ka?"
Hintay ko siyang matapos bago niya itinapat sa akin ito. 'Manila' bakit ang tipid naman niyang sumagot?
"Sa Manila?! Maganda daw doon sabi ni Ate Marites. Nga pala anong nangyari sa iyo? Bakit ka napadpad dito?" Gusto kong malaman anong dahilan bakit siya nandito.
Medyo natagalan siya bago iharap sa akin ang papel. "Huh?" Hindi ko kasi maintindihan. Umiling siya bago binura ito at nagsulat ulit, siguro english sinulat niya hindi ko kasi mabasa.
'dalawang lalaki ang tumulak sa akin kaya nahulog ako' napalunok ako nang mabasa ko ito, ang sama naman ng dalawang lalaking iyon upang gawin nila ang ganoong krimen!
"Ang sama nila!" Inis kong sambit. Nakita ko naman siyang nagsulat muli.
'ayos lang ako' nanlambot ang aking tingin bago napabuntong hininga.
"Alam mo, hindi mo dapat sinasabi na ayos ka lang kahit hindi naman. Ang unang makakatulong sa iyo ang iyong sarili bago ibang tao. Ok lang na sabihin sa ating sarili na hindi tayo ok paminsan minsan, pero kaylangan mo parin pakalmahin ang iyong sarili," napangiti ako bago ko siya nilingon, nanatili naman ang tingin niya sa akin. "Magulo ba? Tama magulo nga pero kaylangan mo intindihin, ang pagpapakalma sa sarili ang magiging una mong hakbang upang makapagisip ka ng maayos hanggang sa tuluyan ng gumaan ang iyong loob bago mo sabihin ayos kana."
Nakita ko siyang nagsulat sa kaniyang papel. 'ang daldal mo' napanguso ako nang mabasa ito. Ang sama! Ang dami ko sinabi pero iyon lang ang sinabi niya?!
"Grabe ka naman, sabi ng ni Angelo mas ok daw ang madaldal dahil mas na e-express namin ang aming sarili." Wala sa sariling sambit ko pero kalaunan natigilan ako namg mag-iba ang ekspresyon niya. Hindi ko alam kung anong klaseng ekspresyon iyon pero alam kong hindi siya natuwa sa sinabi ko.
"P-pasesnya na..." Paghiningi ko ng tawad, muli niya akong tinignan bago nagsimulang magsulat muli.
'Bakit ka humihingi ng sorry?' tanong nito. Buti nalang alam ko ang 'sorry' na salita, tinuruan kasi ako ni Angie kasi nga afam ang tatay niya.
"Kasi mukhang hindi mo nagustuhan ang sinabi ko, pasensya na ha..." Napansin kong napatikom ang kaniyang bibig bago umiling at inilipat na ang tingin sa dalampasigan.
"Alam mo kung hindi ka pa makakauwi, maluwag ka naming tatanggapin sa bahay..." Pagsisimula ko. Nang maisabi ko iyon muli naman niya akong nilingon.
"Huwag kang mahiya ha! Hanggat hindi kapa nakakauwi ako ang bahala sa iyo!" Sambit ko pa bago itinaas ang aking kamay pero nakita ko naman siyang hindi kumilos kaya ibinaba ko ang aking kamay bago inabot ang kaniyang kamay upang itaas din ito.
"Ayan!"
BINABASA MO ANG
Gastrell Brothers Series #3 Lost In Paradise
RomanceMAXIMUS LAX GASTRELL Isang tahimik at walang kibo si Maximus, ayaw nito sa maingay at sa babaeng walang tigil sa pananalita. Isang maingay at palakwento namang babae si Karina. Paano kung magtagpo ang kanilang mga landas dahil sa isang trahedya? Isa...