Nang matapos silang kumain tinulungan naman ni Karina ang kaniyang ina sa pagliligpit ng pinagkainan habang si Maximus nasa labas na.
"Anak sigurado kaba sa pinatuloy mo?" Tanong ng ama ni Karina. Nakangiting lumingon si Karina bago tumango.
"Itay kawawa naman po iyong tao, wala siyang matutuluyan." Sambit ko. Kawawa naman kasi siya, hindi ba? Wala namang nakakaalam kung bakit siya napadpad dito at saka hindi pa siya makapagsalita.
"Ngunit..." Gusto pang magprotesta ni Itay pero lumingon na si Inay upang tignan siya.
"Paguusapan namin ng mabuti iyan Karina, sige na, pumunta kana sa labas, ipasyal mo muna ang lalaking iyon." Tumango naman ako bago naglakad palabas, alam ko naman kasi na maiintindihan din nila ang punto ko.
Nang makalabas ako nakita ko ang lalaking tinulungan ko. Nakatalikod siya at nasa malayo ang tingin kaya naman nilapitan ko siya at saka ko siya kinalabit sa bandang likuran niya.
Bahagya siyang napalingon sa akin. "Gusto mo bang mamasyal muna?" Tanong ko. Tinignan lang niya ako. Alam ko namang hindi siya galit kaya wala na akong kahiya hiyang hinawakan ang kaniyang kamay at hinila siya palayo doon.
"Oh Karina sino iyang kasama mo? Turista?" Tanong ni Mang Andres.
"Opo," pagsisisnungaling ko nalang. Ayaw ko naman kasing matakot sila pag nalaman nilang bigla-bigla nalang siyang sumulpot dito sa isla namin.
"Ganun ba oh, sige mauna muna ako upang kumuha ng gulay," sambit niya. Tumango ako upang sumangayon, kasunod naman noon ay hinila ko ulit ang lalaking kasama ko na nagpapahila lang sa akin.
3rd Pov
"Alam mo ba may kaibigan din akong kagaya mo, nawala din siya. Hindi namin alam kung saan siya napunta at hindi ko alam kung buhay pa siya pero sana naman katulad mo lang siya na padpad sa ibang isla, ang lungkot kasi ng kaniyang magulang. Nagsisisi nga sila kung bakit pinayagan nila siyang pumalaot kahit wala naman siyang karanasan na gawin iyon." Pinagmasdan ni Maximus kung paano umiba ang ekspresyon sa mukha ni Karina. Kung noong una nababalot ito ng saya at parang walang problema sa mundo ngunit ngayon puno na ng kalungkutan ang kaniyang mata. Hindi niya alam kung bakit ayaw niyang masilayan na ganoon ang dalaga.
Nanatili silang ganoon ng ilang minuto. Tahimik na nakasamid sa buhangin si Karina havang pinagmamasdan naman ni Maximus ang dalaga.
"Huy ano ba! Akin na nga iyan!" Nabaling ang kanilang atensyon. Ang tahimik na kapaligiran napawi nang may mga batang nagtakbuhan sa isang direksyon, isang batang babae ang tumatakbo sa likuran ng batang lalaki na may hawak na papel habang patawa tawa pa ito.
"Titignan ko lang naman masyado kang madamot," sambit nito habang tumatakbo.
"Ano ba! Binili ni Nama iyan!" Sigaw ng batang babae. Nanatilu naman doon ang tingin ni Maximus ngunit nailipat ang kaniyang tingin nang my isang marahang kamay ang humawak sa kaniya. Naibaling ang kaniyang tingin doon bago niya nilipat ang tingin sa dalaga.
"Tara doon!" Sambit nito bago siya hinila. Wala naman nagawa si Maximus kung hindi ang magpadala sa dalaga.
Naglakad sila palapit sa mga bata dahil napahinto na ito. Tumatalon talon naman ang batang babae habang ang batang lalaki ay pilit itinataas ang papel na iyon.
"Akin na kasi iyan!" Inis na sabi ng batang babae.
"Titignan lang naman—" hindi na nito natapos ang kaniyang sinasabi sabay napaangat ang tingin.
"Ano ito?" Tanong ni Karina habang pinagmamasdan ang papel. Napatingin naman doon si Maximus.
"Ate Karina!" Sigaw ng mga bata bago siya nilapitan. Nanatili naman doon ang tingin ng dalawa, nakasulat doon ay 'I have a crush on Ben,' at may puso-puso pa na nakasulat. nakakunlt lang ang noo ni Karina dahil hindi niya maintindihan iyon ngunit si Maximus gustong mapailing dahil naiintindihan niya ang nakasulat doon.
"Anong nakasulat dito? Angie?" Tanong ni Karina sa batang babae na humahabol kanina. Napanguso ito bago umiling-iling.
"Wala po..." sambit nito bago nailipat ang tingin kay Maximus. Nagkatinginan silang dalawa. Alam ng batang babae na naintindihan ni Maximus ang nakasulat dahil hindi naman ito mukhang taga doon kaya mabilis siyang umiling-iling upang ipahiwatid na huwag sabihin ang kaniyang nabasa. Hindi naman umimik si Maximus pero tumango siya.
"Ben bakit mo naman inaagaw ang hindi sa iyo? Gusto mo ba isumbong kita sa Inay mo?" Tanong ni Karina. Sa ngayon ang batang lalaki naman ang ngumuso bago napayuko.
"Gusto ko lang naman tignan Ate Karina. Kanina pa niya ako hindi pinapansin, gusto ko lang naman maglaro kami," sambit ng batang si Ben. Gusto nalang mapailing ni Maximus at matawa.
"Ganon?" Tanong ni Angie. Tumango naman si Ben.
"Ok bati na tayo!" Sambit niya. Nagkangitian sila bago tumalon-talon. Nakangito namang pinagmasdan ni Karina ang dalawa.
"Magiging malapit silang magkaibigan pag lumaki pa sila hindi ba?" Tanong ni Karina kay Maximus. Nagtataka naman siyng tinignan ni Maximus. Hindi siya makapaniwala na iyon ang nakikita ng dalaga samantalang sa kaniya alam niyang balang araw magkakagustuhan ang dalawa, samantalang ang dalaga naman ay iba ang iniisip.
Hindi niya lubos akalain na ganoon kaenosente ang dalangang kasama niya ngayon.
"Teka nga, papel ito hindi ba Angie? Saan mo nakuha ito?" Tanong ni Karina. Nagtataka sita kasi meron itong isang sheet ng papel samantalang pag sa school ng mga bata lang binibigyan sila ng tagiisang pilas upang doon nila pagsulatan.
"Binigay ni Mama Ate Karina, ang totoo nga nyan bumili na siya ng marami sa manila para ibenta dito," sambit nito. Napatango tango naman si Karina na parang wala siyang pake pero may kung ako ang sumagi sa kaniyang isipan at bigla siyang napalingon kay Maximus na sa mga bata ang tingin. Nakangiti kasi ang mga ito, puno ng galak at walang lungkot, walang pagdurusa o walang takot sa kanilang mata.
May kung anong pumasok sa kaniyang isipan dahilan upang unti-unting bumigat ang kaniyang dibdib. Napapikit siya upang pakalmahin ang sarili, kung ano-ano na ang kaniyang iniisip. Gulong-gulo siya at halo-halo na posibleng mangyari ang gumugulo sa kaniyang isipan.
Napakuyom ng kamao si Maximus upang pigilan ang panginginig ng kaniyang kamay.
"Tara na!" Isang mainit na kamay ang humawak sa kaniya dahilan upang mapamulat siya ng mata. Bago pa siya makapag-react hinila na siya nito.
Hindi na niya namalayan na tumatakbo na pala sila, nanatiling napatingin siya sa dalaga na hila-hila siya ngayon.
Ang lahat ang pangamba sa kaniyang isipan biglang naglaho, tanging ngiti lamang ng dalaga ang paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isipan.
'Weird' wala sa sariling sambit niya sa kaniyang isipan. 'It's really weird'
BINABASA MO ANG
Gastrell Brothers Series #3 Lost In Paradise
RomanceMAXIMUS LAX GASTRELL Isang tahimik at walang kibo si Maximus, ayaw nito sa maingay at sa babaeng walang tigil sa pananalita. Isang maingay at palakwento namang babae si Karina. Paano kung magtagpo ang kanilang mga landas dahil sa isang trahedya? Isa...