KARISHMA
"Karishma!"
Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko, and there I saw Gideon, Shein, Zeyn abd Yuki. Na sa bleachers sila at nagla-lunch.
Ngumiti ako sa kanila at nilapitan sila habang hawak-hawak ko ang baon ko.
"Kamusta?" tanong ko ng maka-upo ako sa tabi ni Gideon.
"Ha*up! napaka hirap talaga ng MMW na 'yan!" iritang sabi ni Gideon habang ngumunguya pa ng ulam niyang hotdog.
Natawa kami samantalang umiling-iling naman si Yuki.
"Ang sabihin mo, hindi ka lang talaga nag-review." mataray na sagot niya at kinain niya ang huling kanin na nasa kutsara niya.
"Nangangamoy dos ka teh." natatawang sabi ni Shein.
"Subukan niya lang, ipapakulam ko siya." nabuburyong sambit ni Gideon.
Nagtawanan kami. Kawawa naman ang kaibigan namin.
Midterms na kasi namin kaya hindi p'wede na bumagsak sa exam na 'to, though p'wede pa namang bawiin sa finals, pero mas okay pa rin na mataas ang makukuha mo sa midterm exams.
"Have you heard? Mag o-open dito sa campus ng Evangelism, nabalitaan ko mga taga 'Jesus is Alive' raw 'yung magshi-share." biglang bumagal ang pag-nguya ko sa kinakain ko dahil sa sinabi ni Zeyn.
Hindi ako nag-salita, nakinig lang ako sa sinasabi ni Zeyn.
"Ano 'yung Evangelism?" Gideon asked.
Iritang tinignan ni Zeyn si Gideon.
"Wala ka talagang alam sa mundo, 'no?" naiinis niyang sabi kaya natawa kami.
"Eh kung ini-explain mo na lang 'no?" he replied in a sarcastic way.
"Evangelism means is that the followers of Christ share the Gospel to people who don't know about Jesus Christ. Gina-gawa ito sa mga public places ng mga followers of Christ mababasa mo 'yan sa Acts 1:8, they are called to be a witnesses." sagot ni Zeyn tapos tumaray pa kay Gideon.
"Ah... Bakit alam mo 'yan?" binatukan bigla ni Zeyn si Gideon kaya natawa kami
"Aray! Mapanakit ka talaga!" he screamed kaya ang ibang mga estudyante ay tumitingin na sa amin.
"Parang hindi mo naman alam na Christian ako."
At nag-bangayan na silang dalawa.
Alam namin ang sikreto ng bawat-isa, mula high school magka-kasama na kami.
Nai-k'wento ko sa kanila ang nakaraan ng buhay ko, kung paano namatay ang mga magulang ko at alam din nila na backslider ako. Kaya kapag usapang Simbahan o tungkol sa Christianity, iniiwasan nilang mapag-usapan 'yon.
But I do respect those religions.
Ang galing lang dahil mula 1st year hanggang mag 4th year high school ay magka-classmate kami. Ngayong 1st year college na kami, magkakasama kami sa campus, kaming apat na babae ay pare-parehas ng kursong kinuha, samantalang si Gideon at BSIT ang kinuha niyang kurso.

YOU ARE READING
Apart from Him
आध्यात्मिकKarishma Maben was a young girl when God called her. She grew up with a family that are a Born Again Christian. She's diligently obeying the Lord's calling to her and spreading the Gospel to people. But the moment her mother and father died, she bec...