Chapter 6

240 14 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas simula ng mangyari ang gabing iyon. Inaamin ni jungwoo na hindi niya makalimutan ang mukha ng lalakeng nag tangkang kunin ang pinaka iingat ingatan niya.

Pero gayon pa man ay hindi inaasahan ni jungwoo na pakikinggan siya nito. Akala niya, mawawala ang pinakaiingatan niyang puri Para Lang sa libido ng lalakeng iyon.

Jaehyun, if he's not mistaken, ayun ang pangalan ng lalakeng nakasama niya. Sa palagay ni woo ay lubos na napaka yaman ng lalakeng iyon gawa ng pera na iniwan nito basta basta Para sa kaniya at sa totoo Lang Kung siya ang nasa katayuan nito at hindi nakuha ang gusto? Baka di niya nagawang mag iwan ng malaking halaga.

Gusto magpasalamat ni woo pero everytime na naalala niya Kung Gano kababa ang tingin nito sa kaniya ay nawawalan siya ng gana.

"wala silang alam.." walang buhay na bulong ni woo at nag umpisa ng ayusan ang sarili. Dahil syempre naksalang siya ngayon Para mag sayaw sa dance floor.

Ilang araw na at mahigit isang linggo simula ng pasukin ang trabahong ito at laking pasasalamat ni woo dahil walang nag bbook sa kaniya Para sa private session Kung tatawagin.

Nag tataka siya, syempre.. Kung bakit dahil simula nung unang Gabi na maranasan niya yun Kay jaehyun ay hindi na nasundan ng mga sumunod na Gabi.

Mabuti na rin iyon, ligtas si woo at walang nagtangkang pag samantalahan siya.

Malaki laki ang kinikita niya, sapat na iyon Para sa lumalaking bill ni chanyoung sa icu. Sampung libo kada Gabi at nasa hundred thousand na ang utang Nila sa ospital. Laking pa salamat nalang din niya at hindi napapabayaan ang kapatid.

Dahil kung iisipin, kung ililipat ni jungwoo ang kapatid sa Mas murang ospital, baka hindi na ito maasikaso ng maayos.

Gayon din ang pag iisip ni jungwoo sa kung anong magiging reaksyon ni chanyoung pag nalaman niya na bawal muna ito mag lakad ng ilang buwan unless makakita sila ng therapist Para mapabilis ang pag galing ng mga binti nito.

Hindi alam ni woo Kung sino ang lalapitan niya pa pag dating sa mga hinaharap na gastusin, kaya bawal siya ma pagod. Pipilitin niya mag sakripisyo hanggang sa abot ng mkakaya.

Higit ang pagmamahal niya sa kapatid dahil sila nalang din naman ang magkasama at magtutulungan. At bilang Mas matanda, hindi niya hahayaan na maging kagaya niya ang kapatid niya.

Patuloy na magsisikap si jungwoo, maging maayos at Mabuti Lang si chanyoung. Yun ang pangako niya sa magulang dahil balang araw gusto niya ipag malaki na kahit iniwan na sila ng Iba, kinaya pa rin Nila dahil hindi Nila sinukuan.

______

"mark.. na padala mo ba yung 100,000 sa bar?"

"yes boss, actually kanina pa"

"Great, do it as a routine except Sunday and Monday. I heard walang sched si Jungwoo Kim sa mga araw na yun"

"grabe ka talaga boss, gagawin mo lahat Para Lang di Nila hayaan na ma book Yung jungwoo for that freaking private shits"

"i told you... When I came there, madaming nag aabang sa kaniya and I feel like.. They don't deserve that... Pretty guy"

"so you're saying na ikaw Lang may karapatan?"

"you think so?"

"mhmm.. Definitely Boss, Sabi nga ni Johnny... I know your type" natawa si Jae ng tipid dahil sa pag Gaya ni mark sa boses ng pinsan niya.

"pero boss, maiba ako.. Anong balak mo after getting the information?"

"information about?"

POSSESSIVELY YOURS - jaewoo nct Where stories live. Discover now