Chapter 8

175 8 2
                                    


___

Jungwoo stares at his reflection thru the whole size mirror. He's wearing a black deep v neck silk longsleeve dress shirt inside his maroon suit that is partnered with the same color pants. Black shoes are shining for its very new and unique patterns.

Indeed, everything's expensive.

His soft shiny hair was styled casually by him, nothing's special pero bakit feeling niya. Iba ang awra niya ngayon?

He put some slight concealer and gloss to complete the night. Cause he swears to God, hindi na mauulit to. Dahil ipinapangako niya na hanggang ngayon na lang siya makikita ni Jaehyun.

He glances at the clock. It's 7pm sharp, kanina pa siya kinakabahan dahil sa mabilis na oras. Pero di niya rin mapagilang matawa ng maisip na na lalate din pala ang mga mayayaman.

Umupo si woo sa kama niya at tumingin sa langit. Maningning ang mga tala na nakakapag padagdag sa magandang buwan. It made him calm, away from the many struggles in this life.

Buti nalang ngayon at wala siyang duty, hindi niya makikita ang mga manyak na customer na gagawin lahat makasilay lang sa katawan niya. He sometimes think, kailan ba matatapos ang lahat. Hanggang kailan rin ba siya mag titiis ?

Sa katunayan ay pagod na pagod na siya, paulit ulit nalang pero sa buhay na kinakaharap niya, bawal sumuko. Dahil kapag sumuko ka, talo ka.

Nagising nalang siya sa katotohanan ng makarinig ng busina. Napalunok si woo at sumilip sa bintana, only to find another luxury car na hindi kagaya kanina. This one is a vintage car, color white and stunning.

Lumapit siya sa patungan niya para sana iispray ang perfume na bigay rin ni jaehyun kaso di niya ginawa. Ayaw niya gamitin ang pabango na yun sa pag iisip na baka paborito itong amoy ng lalake, at kapag nangyari iyon baka kung ano pang kahantungan niya.

"mabuti ng nag iisip ng tama kesa mapahamak."

And so he left it in the table at tanging wallet at phone lang ang dala sa bulsa.

Bumaba si woo ng hagdan at agad binuksan ang pinto pag tapos pakalmahin ang sarili. Bakit nga ba niya patatagalin pa? Gusto nalang niya ito matapos agad.

Kaso sa puntong iyon, tila nahigit ang mga hangin sa dibdib ni woo ng makita si Jaehyun na nakasandal sa labas ng kotse at halatang inaabangan siya lumabas ng bahay.

Mukha ngang parehas silang nagulat dahil sa mga ekspresyon na binibigay. Di maitatanggi ni Jungwoo na napaka pogi ng lalakeng ito pero sa tuwing na iisip niya na wala itong pinagkaiba sa mga lalakeng nakakasalamuha niya, nanlumo siya bigla.

Umiwas ng tingin si woo at nagmadaling ilock ang pinto ng apartment bago nag lakad papalapit sa lalake. Hindi pa rin umiiwas ng tingin si jaehyun hanggang sa ilang dipa nalang ang pagitan nila.

"N-nasaan yung Mark? Uhm ang ibig kong sabihin, bakit ikaw yung sumundo sakin?" Jungwoo mumbles yet the man just chuckles and stares at him with a hint of admiration.

"masama ba kung ako mismo susundo sa ka date ko?" For heaven's sake. Gustong gusto niyang tanggalin ang mayabang na ngiti ni jaehyun. But instead of doing so, pinakalma niya ang sarili at seryosong sinalubong ang mga tingin nito.

"Naitanong ko lang dahil siya nagsabi na susunduin niya ako, t-tsaka anong date pinagsasabi mo?" jaehyun blinks and smiles, pinasok niya ang dalawang kamay sa loob ng pants para mapigilan ang sarili na hilahin nalang bigla si jungwoo at halikan ito.

Sobrang ganda ni jungwoo. Simpleng tao lamang, di mo makitaan ng kaartehan. Mga ganito ang tipo ni jaehyun, ganitong tao ang gusto niyang makasama habang buhay.

POSSESSIVELY YOURS - jaewoo nct Where stories live. Discover now