-------Ilang araw muli ang lumipas simula ng mangyari ang dinner date nila. Ilang araw na rin nagpapadala si Jaehyun ng kung ano sa bahay niya. Clothes, flowers and sweets. Sa katunayan ay nag message siya dito at sinabihan na tigilan na siya, pero hindi siya nirereplyan.
Ngayon, nasa ospital si Jungwoo at binabantayan ang kapatid. Tumawag si Haechan kanina at sinabihan siya na hahabol nalang, alam na rin ng kaibigan niya na ito ang tungkol sa nangyaring date ni Jungwoo at Jaehyun. Syempre, suportado si Hyuckie sa kaniya at talagang pinupush siya na pumayag pero nag aalangan pa rin talaga si Jungwoo.
"Chan, bumili ako ng mga bagong damit mo kanina. Para marami kang susuotin kapag gising mo. Naalala ko din sabi mo sa akin gusto mo matuto mag guitar diba? Huwag ka mag alala, pinag iipunan ko yun para pag gising mo may pagkaka abalahan ka." Nakangiti ng malungkot si woo habang sinusuklayan si Chanyoung. Mahaba na ang buhok nito, dahil sa ilang buwan ng tulog.
"Chan, di ka ba nangangalay diyan? Pwede ka naman na tumayo. Kahit ako nalang pumalit sayo." Jungwoo sniffs. Ayaw na niya ang amoy ng ospital, ayaw na niyang matulog dito. Gusto na niya gumising sa loob ng isang araw na wala na sila dito, na kung pwede lang sana ay magising na ang kapatid niya at umuwi na silang dalawa sa bahay.
Ilang minuto pa ang dumaan bago muling kumalma si Jungwoo. Huminga siya ng malalim at uminom ng tubig dahil sa maraming iniisip. Hindi na ata matatapos ang araw na hindi siya na mmroblema.
Napalingon si woo sa pintuan ng may kumatok na nurse, kaya agad siyang ngumiti rito. Laking pag tataka niya dahil hindi pa naman oras para kuhaan ng vital signs ang kapatid niya.
"Ah hello po, sir. Pasensiya na po sa istorbo, may gusto po kasing bumisita sa kapatid niyo po."
"kay Chanyoung?" Tumango ang nurse habang may ngiti sa labi at may kung sinong kinausap sa labas para makapasok na.
Ngunit, nanlambot ang tuhod ni Jungwoo ng makita kung sino iyon. Hindi niya akalain dahil pagkalipas ng ilang araw, ngayon nalang ulit niya nakita si Jaehyun.
Nagkunwaring inaayos ni woo ang kumot ni Chanyoung ng marinig niya ang lalakr magpasalamat sa nurse bago lumabas. Kaya ito, silang tatlo nalang ang nasa kwarto.
"Jungwoo." boses palang ni Jaehyun ay kinakabahan na siya. Pero wala soyang nagawa kundi umangat ng tingin dito dahilan para magtama ang mata nila.
Simpleng longsleeve shirt lang ang suot ni Jaehyun ngunit naka slacks at leather shoes. Naka style din ang itim na buhok nito kaya hindi mo maitatanggi na kahit mas casual ang itsura ngayon ay grabe pa rin ang charismang dala.
Jungwoo nods for response. Napansin niya ang hawak nito na basket at box ng kilalang ice cream cake. May bitbit rin na bulaklak, if he's not mistaken ay sunflower ang mga iyon.
"I bought something for the both of you–"
"Jaehyun. wala naman tayong napag usapan na hahayaan kitamg mag bigay ng mag bigay diba? sobra sobra na yun. Nag aaksaya ka lang ng pera at panahon sakin." Jungwoo said with a hint of annoyance.
"Hindi mo nga sinabi dahil ako ang may gusto nito, Jungwoo." The man answers with soft baritone voice. Ngayon niya lang nakita si woo na walang ayos, pero di niya akalain na mas magugustuhan niya ito.
"huwag mo sanang isipin na makukuha mo ako sa materyal na bagay. hindi ako kagaya ng iniisip mo." tinitigan siya ni jaehyun bago ilapag ang mga pinamili niya.
"Hindi yun ang dahilan kung bakit ako nagbibigay. Bukal sa loob ko na tumulong kaya wag mo sana akong pigilan lalo na at interesado ako sayo." Jungwoo closes his eyes after hearing it.
YOU ARE READING
POSSESSIVELY YOURS - jaewoo nct
FanfictionJaehyun Jeong, who thought that this 35th year old guy will fall in love for the first time? He wants to know more about this Jungwoo Kim whom he met at the strip club one night and by means of that, he's willing to pay any amount of money just to s...