Nakatatak sa utak niya ang desperasyon sa mga mata ng kakambal na si Phoebe habang nakikiusap ito sa kanya.
"Piper, please, buhay ko ang nakataya rito. Hindi ko naman ito hihilingin sa iyo kung hindi seryoso ang sitwasyon. Please, please, please. If that video ever gets out, I'll lose Aaron forever. Hindi ko iyon kakayanin."
"Sana naisip mo iyan before you went to bed with your boss. At ang panalo pa, eh, kinailangan n'yong i-video ang sarili ninyo! Ano kayo, mga teen-ager? Hindi ba kayo nanonood ng balita? Maraming gumagawa niyan at pag kumalat sa media ay ilyak-iyak sa TV!"
Oo, iyon nga mismo ang ginawa ng magaling niyang kakambal. The other night ay nagtungo sa Quezon City ang mga ito mula sa Nueva Ecija para sa isang linggong seminar. Nang mag-away sa telepono si Phoebe at ang nobyong si Aaron, nagpaunlak ang una sa pag-aaya ng ilang katrabahong mag-inuman sa bar ng tinutuluyang hotel. Kasama nila ang boss na si Javier Cervantes kung kanino nagtatrabaho si Phoebe bilang sekretarya for almost six months.
To cut the story short, nang parehong matamaan sa ininom, napadpad ang boss at sekretarya sa suite ng una kung saan nag-eksperimento ang mga ito sa camera ng laptop ni Javier at ni-record ang pag circus ng dalawa sa kama."We didn't actually do it. But it was still as bad!
I'm not sure if my face was ever focused on the camera, and we did come to the point where I was completely naked!"
"At bigla kang natauhan, ganon? Bigla kang gininaw nang mahubaran?" Pilit niyang iwinawaksi sa isipan ang larawan ng kakambal na nasa ganoong sitwasyon.
"Actually, nag-ring ang phone ko. Si Aaron ang tumatawag, I remember leaving the room in a barry and he was left cursing me to hell."
"Can't say I blame him."
"Piper, please."
Inirapan niya ito. "Hindi makatarungan iyang hinihiling mo sa akin! I will never ask you to do this kind of thing for me. Ever. Not that I'll ever find myself in this kind of situation, in the first place,"paniniguro niya. "Huh, pretend as you, Phoebe?
Pambatang laro lang iyang naiisip mo."
Madalas nila itong gawin noong sila ay mga bata pa. Ang magpalitan ng identity. Dahil magkamukhang-magkamukha talaga sila, tanging ang mga magulang lang nila ang hindi nila nalilinlang.
At ngayon, hinihiling ni Phoebe na magpanggap siyang ito.
"Kung hindi ako naaksidente, hindi ko ito hihilingin sa iyo."
Oh, yeah, when Phoebe came to her senses, binalot ito ng matinding kahihiyan at walang naisip gawin kundi ang lumayo sa boss nito. Umalis ito sa hotel para puntahan siya sa Sta. Mesa kung saan siya nakatira. Solo ni Piper ang pangalawang palapag ng maliit na apartment na inuupahan, at makitid at mataas ang hagdanan paakyat doon. Habang papaakyat ng hagdanan ang babae ay natapilok ito, dahilan para madale ang sakong nito. Kaya naman nasa ospital sila ngayon kung saan sinemento ang paa ni Phoebe.
"I have a feeling sinadya mong matapilok para pilitin akong magpanggap na ikaw," akusa ni Piper, which was stupid, of course, dahil paano ba naman sasadyaing matapilok? Gusto niya lang sisihin ang kakambal sa lahat ng detalye.
May gana pa itong umaktong nasaktan. May nangilid na luha sa mga mata nito.Umikot ang eyeballs ni Piper. Mula noon, kayang-kaya ni Phoebe na maging drama queen kung kinakailangan. Sad to say that most of the time ay bumibigay siya.
*Eh, bakit ba kasi hindi mo na lang siya tawagan at pakiusapan na i-delete ang video?"
"Puwedeng-puwede naman siyang sumang. ayon, di ba? Pero paano ako makasisigurong gagawin niya nga? You have to personally delete it, Piper. As soon as possible. Kapag lumabas iyon, ewan ko lang:
"Hmph! Ibe-break ka ni Aaron?" ismid niya.
Si Aaron ay nobyo ni Phoebe at halos maglilimang taon na ang relasyon ng mga ito. Kung kailan akala ni Piper na solid na solid na ang relasyon ng dalawa, saka naman naisipan ng kakambal ang magpaka... ewan!
Hindi siya makaisip ng salitang gagamitin para rito. "Eh, di buti nga sa 'yo!" sabi niya na lang. "Para magtanda ka at lumipad papuntang Mars lahat ng libog sa katawan mo! Anyone who has enough self-respect will have self-control as well. What happened to yours? Ah, oo nga pala..." Itinaas niya ang kamay, hindi ito hinayaang makasingit dahil sa hula niya ay magging defensive si Phoebe sa sasabihin nito. "It was the alcohol. Of course. Huwag kang mag-alala, kapag mas tinopak pa ang boss mo at maisipang ilabas ang video n'yo, you can always blame it on the alcohol! Maging si Aaron naman siguro ay maiintindihan ka. Alin ba ang salarin?Tequila? Gin?"
"Naisip mo ba si Mommy?" gumagaralgal ang boses na tanong nito na sinabayan ng pagpunas ng luha. "Baka atakehin yon sa puso."
Shame on her. Bakit nga ba ngayon niya lang naisip ang kanilang ina? Isa itong kagalang-galang na principal sa isang public school sa probinsya nila sa Nueva Ecija. Ano na nga lang ba ang mangyayari rito kapag nagkataon?
And shame on Phoebe for knowing how to hit a soft spot. Hindi siya perpektong anak, pero hindi niya rin hahayaang masaktan ang nanay niya.
"At kapag may nangyaring masama kay
Mommy, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Magpapakamatay ako."
Tinakpan ni Piper ang magkabila niyang tainga.
She just reached her limit of tolerance tonight.
Minutes later, she was already searching the nternet on how to securely erase files from a omputer.
Nang makita ni Phoebe na bumigay na siya sa agustuhan nito, she went back to her usual self, onfident and in control. Idinetalye sa kanya ng akambal ang plano nito.Phoebe said it would be easy. Papasok siya sa suite na inookupa ni Javier at around seven thirty in the evening dahil iyon ang oras ng dinner schedul ng grupo sa isang malapit na restaurant.
Dahil kilala nito ang may-aring hotel, ipinagani ng huli ang personal suite nito kay Javier. Hindi ne kailangan ni Piper ang susi dain digital ang lock g pinto at kailangan niya lang pindutin ang anim ne numerong ibinigay ng kanyang kakambal.
This is probably the nth time na hiniling kong walk na lang akong kakambal, anang isipan niya habang kinakabahang sumakay ng elevator.
After today, magma-migrate na siya sa Timbuktu kung saan hindi siya maaapektuhan ng mga kalokohan ni Phoebe.
As of now... Narating niya ang suite at pinindo ang mga numerong nakatatak sa isipan, saka pigi ang hiningang itinulak ang pinto.
Saka lamang niya pinawalan ang pinipigil na hininga nang sa wakas ay makapasok. Nalula siya sa pagkaengrande ng suite. Why not, ang Sevilla Hotel ay isang five-star hotel. You'd expect the owner's suite to be the grandest. It was designed as a bachelor suite consisting of a small kitchen, living area and the sleeping area na ang tanging nakatakip ay see-through na kurtina. Tanging ang banyo al ang palabas ng terrace ang may mga sariling pinto.
The kitchen looked picture perfect na komoy hindi pa nagagamit mula noong unang magawa iyon. The living room consisted of a huge sofa, a home theater set. And the bed... wow! Malulunod yata siya kapag nahiga siya sa malawak na kama... at sa gina niyon ay naroon ang laptop na sadya niya.
Nang makita iyon ay may pumitik na mga daliri sa harapan niya at nagpaalala na hindi siya naparito para maglaway sa inggit. She was here, risking her own neck to save her twin sister's neck. She smirked.
The story of her life.
Parang magnanakaw na nilingon niya ang pinto para siguruhing nakasara iyon bago niya tuluyang buksan ang laptop at kalikutin ito.
Nang makontento ay ibinagsak ni Piper ang sarili sa kama. Ilang sandaling nahiga siya, savoring the grandeur of the room. Minsan lang siya makakapasok sa ganitong lugar. Pagkuway agad din niyang sinuway ang sarili at hinarap ang laptop.
Tama nga si Phoebe, this was going to be easy.
Hindi naman daw naglalagay ng password sa laptop nito si Javi er.
Pinindot niya ang power button ng laptop saka nag-yoga position sa kama. Ngingiti-ngiti pa siya habang ine-enjoy ang kalambutan niyon.
Kung kanina lamang ay para siyang nasa Mission Impossible na pelikula, ngayon ay pasayaw-sayaw pa siya.
Hindi nagtagal ay umilaw na ang laptop. Any moment now...
The bathroom door opened.
And poor Piper shrieked like a banshee!
YOU ARE READING
Fiancee by Mistake - Jasmine Han
RomanceInakala ni Piper na magging madali lang ang favor na hiningi ng kanyang kakambal. Ilang beses na rin naman nilang nagawa .na magpanggap bilang isa't isa kaya kahit naiinis sa kapatid, medyo kumpiyansa siya na magagawa niya ang misyon. Madali niyang...