Nanlambot ang buong katawan ni Piper. Kahit gustong lumayo sa lalaki, wala na siyang mapagkukunan ng lakas para gawin iyon.
Sa halip, napahugot na lamang siya ng malalim na hininga at yumuko. Hindi niya alam ang gagawin.
Gusto niyang maglahong parang bula. Kahit forever na. Pero alam naman niyang hindi iyon posible.
"I'm so confused with what's happening, that I have decided to let you stay and explain yourself.
To her great relief, naramdaman niya ang pagbuhat ni Rocco sa kanya para paupuin nang maayos sa sofa. Pero panandalian lamang iyon dahil hinila nito ang isang single couch at pumuwesto sa kanyang harapan. "Now, if you may start?"
Dumako ang paningin niya sa pinto. Bakit ba bigla ay parang napakalayo niyon ngayon?
"Oh, no. Don't even think about it. Binibigyan kita ng pagkakataon para ipaliwanag ang sarili mo.
Pero kung mas pipilin mo iyong mas mahirap na paraan, then I can call the security right now and you will explain to them why you broke into my suite, tried to steal my laptop and confused the hell out of me." He grinned. "Not that I am complaining about the 'confusing me' part."
Her face burned in shame at tinangka niyang tumayo, pero agad nitong itinaas ang isang paa para harangin siya.
Damn, why did he even look so cool doing that? Iwinagayway pa nito ang hintuturo sa kanya.
Inirapan niya ito at muling naupo.
"I made a mistake. Just let it pass." As if! Piper had a feeling this night was going to be a long night.
"Easy for you to say. But this is my hotel's reputation at stake. And it was my friend Javier you planned to steal from."
Okay, at least, naliwanagan ang isang bagay.
Hindi naman pala siya nagkamali ng suite na pinasok. This was the right suite, but with the wrong person.
Lintek na Phoebe! Sabi niya, ito ang iookupa ni Javier hanggang bukas ng hapon kung kailan matatapos ang seminar!
Tumikhim siya. "Hindi ako magnanakaw. Wala akong balak nakawan siya." Pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang ulo sa galit at desperasyong nararamdaman.
"Ah, oo nga pala. Pumarito ka lang para i-delete ang video. I'm guessing it's a sex video. You are pretending it's yours and his, but it appears you are the wrong person. Paano nangyari iyon? Naparito ka para mag-pretend na siyang nakasama niya noong isang gabi? How were you so sure na hindi ka niya makikilala? Or did you both wear masks?" Napalling si Rocco. "No, kung natatakpan ang mga mukha ninyo, hindi ka na sana nag-abalang balikan ang video. Ahh.." Muli itong napailing. "This is making me crazy. Just enlighten me, please."
"It was my twin and her boss Javier. Sapat na iyang paliwanag. You're going to figure it out kung matalino ka." She decided that's all she's going to say about the matter.
"Interesting. So hindi ikaw si Phoebe, anong pangalan mo?"
"Piper," matigas ang boses na sabi niya kahit hindi niya talaga gustong sumagot.
"Piper. Nice one."
"Puwede na ba akong umalis?" Wish niya lang
"Papunta saan? Hahanapin mo si Javier?" Napangiti siya nang mapait. "I messed up when.
I had the right room, how do you think I would do out there?" "Puwede mong hingin ang tulong ko?" suhestyon nItO.
Kung puwede lang. But her pride and dignity had just been crushed to the ground, ang gusto na lamang niyang gawin ay lumayo roon. lyon naman ang intensyon niya. Tumayo uli siya.
"Hindi pa kita pinapayagang umalis."
Sa pagkakataong ito, hindi na kumilos ang lalaki para pigilan siya. Pero ang mga salita nito mismo ang nagpatigil sa kanya. He sounded so playful, na para ba silang naglalaro lang ng jack en poy,
"Don't be ridiculous. Wala na akong business dito."
"There's still the matter of you breaking into my suite. I find that a serious offense. Same goes for your twin, who had no business telling other people about my security code. So, before you attempt running away, isipin mo munang mabuti-alin ang mas mabilis, ang pagtakbo mo pababa o ang tawag ko sa security na magsasara ng entrance at lahat ng exits?" Just shoot me now! sigaw ng isipan ni Piper habang napapapikit. Shoot me for being stupid and agreeing to do this in the first place!
Humugot siya ng malalim na hininga saka dahan-dahan itong hinarap.
Rocco was slumped lazily on the couch at taas ang isang kilay nito na hinihintay ang sasabihin niya.
Oh em gee! impit na sigaw ng kanyang isipan. Was she just frolicking with this handsome devil minutes ago? How did she even manage to stop?
Nadako ang paningin niya sa nakangiting mga labi nito at hindi niya napigilan ang mapalunok. Damn, did those lips really kiss her...
Kinurot ni Piper ang kanyang sarili. Hindi siya makapaniwalang binabalikan pa niya ang alaalang iyon samantalang pinagbabantaan siya ngayon ng lalaking kaharap.
"Ano pa ba ang gusto mo? If you're intelligent enough, aaminin mong nagkamali lang talaga ako and you would forget this situation ever happened."
"That's the second time you questioned my intelligence, pero palalampasin ko. As of forgetting about this situation, I'm afraid I can't do that. Sa totoo lang, alam kong hindi ko makakalimutan kahit isang segundong lumipas mula nang makita kita sa kama ko."
"Don't push it," tim-bagang na sabi niya. nd to her surprise, narinig niyang tumawa ito. toong tawa. Hindi nang-iinsulto, hindi sarkastiko. npleng tawa ng isang masayang tao. "Come on." Tumayo ito. "Dadalhin kita kay
Javier, on one condition."
"Ano?" Puno ng suspetsa pa rin ang tinging ipinukol niya rito. If he asked her to resume what they'd started, shed... what? Tanong iyon ng kanyang isipan. And the answer was so ridiculous she blushed again.
"Nothing to worry about. I'll just ask for one dinner date, in exchange."
Say no. Say yes.
Her mind was so confused kaya hindi agad nakasagot.
"Tutulungan pa kitang kumbinshin si Javier sa iyong malinis na intensyon."
Dahil matalino si Piper, bumagsak na lamang ng mga balikat niya tanda ng pagsuko. "Okay."
"First" anitong kumuha ng ballpen at papel,
"write down your complete address and phone number."
She did so, grumpily.
decent."
"Then, let me just change into something
At muli, wala siyang nagawa kundi ang tumalikod na lang para hindi ito makita.
"Bakit ba kasi biglang ikaw ang nasa suite mo?"
She was still cranky habang hinihintay nila ang pagtaas ng elevator na magdadala sa kanila sa kung
nasaan man si javier.
. "S'abi ni Phoebe, si Javier
ang gagamit non hanggang bukas dahil out of the country ka. At kaya lang naman ako naglakas-loob gawin ito dahil akala ko talaga nasa labas si Javier at nagdi-dinner." "Napaaga ang balik ko. I asked Javier to share but he insisted on having his own room, tutal ang kompanya naman nila ang magbabayad."
Hindi na uli umimik si Piper hanggang makapasok sila ng elevator at makalabas. Ilang sandali pay nasa harapan na sila ng isang silid at kumakatok sa pinto.
Tiningnan nito ang relo. "He's supposed to be back from dinner."
Tama si Rocco dahil biglang bumukas ang pinto at bumungad ang isang lalaking ipinagdarasal niyang si Javier na nga.
Oh, well, nahugot niya ang hininga. He was handsome alright, but not as attractive as she found the man beside her.
Sige, pairalin ang kalandian, anang isipan niya at kulang na lang ay kurutin niya ang sarili.
Napakunot-noo si Javier nang makita siya.
Nagpalpat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalava.
"Phoebe, what wrong? San ka nagpupunta?" Jama si Phoebe, kung nagkataong nahuli siya s. akto ni Javier, hindi nito malalaman ang diperensya. sa pagitan nila ng kakambal niya. "Sa loob tayo," ani Rocco.
Habang pinapakinggan si Rocco na ipinapaliwanag ang rason kung bakit sila naroon, hindi maiwasang magpasalamat ni Piper sa isipan.
He was doing it so well, samantalang alam niyang kung siya ang mag-isang narito gayon ay hindi niya alam kung saan magsisimula.
Kung sa tingin niya ay nabigla si Javier nang marinig na hindi siya talaga si Phoebe, mas nabigla ito nang marinig ang sumunod na paliwanag ni Rocco.
"Really? We have a sex video?"
In fairness, it seemed Javier was really drunk that time dahil totoo ang pagkabigla sa mga mata nito. Agad nitong tinungo ang laptop at nagsimulang kalikutin iyon.
Tahimik na pinagmasdan lamang nila ito. Pero halata nang makita na nito ang hinahanap.
"Oh" namutawi sa bibig ng lalaki. "Wow!"
Much as she hated to even take a peek, napilitang lumapit ni Piper. "Excuse me, I need to take care of that." At hinila niya ang laptop.
"At least, let me finish," parang timang na hiling nito.
"Huwag na, sasakit lang ang puson mo. You didn't actually do it."
May panghihinayang sa mukha ng lalaki.
It took her long para siguruhing hindi na mare-retrieve ang video. Nang makontento saka niya binalik kay Javier ang laptop.
"Wala na talaga?" tanong pa nito.
"Wala na. Salamat."
"Bakit hindi si Phoebe ang nagpunta rito?" 32
"She had an accident. Ipapadala na lamang niya iyong resignation letter niya."
"Resignation?" Napakunot-noo si Javier. "Hindi niya naman kailangang mag-resign ng dahil dito.
Magaling na sekretarya si Phoebe, she's always been efficient. Kung tungkol ito sa nangyari, ni hindi ko ito maalala, she's got nothing to worry about."
"I think that's up to her to decide. Thank you uli, for making this easy for me. At matanong ko lang, ilang taon ka na ba sa trabaho mo? Never heard of the phrase, 'don't mix pleasure with business?" liling-iling pa siyang nagpatiunang lumabas ng tinutuluyang silid ni Javier. "Thahatid na kita."
"No." That's the sane part of her who answered.
Dahil wala itong nakikitang dahilan para pumayag na ihatid siya ng lalaki.
They were strangers, for goodness' sake!
Strangers whod been kissing and necking not more than an hour ago.
Gustong sabunutan ni Piper ang sariling buhok.
Binilisan na lamang niya ang paglalakad para marating ang elevator upang makababa na siya at makaalis.
"Gusto ko lang makita kung saan kita susunduin bukas ng gabi," nakangiting sabi ng lalaki. He was really enjoying this.
"Hindi mo naman ako kailangang sunduin.
Magkita na lang tayo d'yan sa malapit na Jollibee, alas siete ng gabi."
Sa pagkakataong ito ay napatawa na si Rocco.
"Such a plan. Huwag kang mag-alala, hindi ko naman iimbitahan ang sarili kong pumasok sa tirahan mo kung ayaw mo."
"Bumalik ka na kaya sa suite mo at tapusin mo na iyong The Notebook, wala ka pa sa pinakamagandang parte."
Umikot ang eyeballs nito. "Yeah, that." Pero muli itong ngumiti. "That can wait. Let me just get my car keys."
Piper pretended to lean on the wall na kunway hihintayin nga ito, pero pagkawala ng lalaki sa paningin niya ay agad na siyang tumakbo palabas.
YOU ARE READING
Fiancee by Mistake - Jasmine Han
RomansInakala ni Piper na magging madali lang ang favor na hiningi ng kanyang kakambal. Ilang beses na rin naman nilang nagawa .na magpanggap bilang isa't isa kaya kahit naiinis sa kapatid, medyo kumpiyansa siya na magagawa niya ang misyon. Madali niyang...