Chapter 1

18 2 0
                                    

Claire's POV

Hingal na hingal ako sa kakahanap ng classroom ko. Nagtanong na ako sa mga studyante dito pero pati sila hindi rin nila alam kung saan ito. Unang araw pa lang klase minamalas na ako. Kanina pa ako ikot ng ikot hindi ko pa rin nakikita ang classroom ko.

Isa akong transferee sa unibersidad na ito kaya hindi ko pa alam ang pasikot-sikot dito. I'm taking BS Mechanical Engineering. 3rd year na ako kaya nahihirapan pa akong mag-adjust sa bago kong paaralan.

"Baka wala na ang building na ito. Ang laki kasi ng school nato. nakakaloka!" hingal na saad ko. "Magtatanong na nga lang ako ulit baka malate pa ako."

May dumaan na lalaki matangkad sa aking harapan kaya hindi siguro niya ako nakita kaya nagkabanggaan kami.

"Ayy sorry miss. Nagmamadali kasi ako." Tinutulongan niya akong kunin ang mga natapon kong libro. Nakayuko ako noong nagsalita kaya laking gulat ko nang pagharap ko ay isang gwapong nilalang ang nasa harapan ko!

"A-aahh ok lang. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ako tumitingin sa daan." nauutal kong sabi.

"Cge una na ako. Late na kasi ako sa klase ko." paalam niya.

Nagising ako sa aking pag day dreaming ng maalala ko na late rin pala ako sa aking klase. Tinawag ko siya ulit ngunit malayo na siya noon kaya naglakad-lakad na lang muli ako papunta sa direksyon kung saan siya papaunta.

Nang malapit na ako sa building niya ay may dumaan matangkad na lalaki sa aking harapan at nahulog ang isang key chain. Kaya pinulot ko ito at tinawag siya.

"Excuse me kuya nahulog mo key chain mo! hoy kuya! Ayaw mong makinig ha!" Tinapon ko ang dala kong libro, sapol sa ulo niya kaya tumingin siya sa may direksyon ko at pinulot ang libro ko na nasa daan.

Nanglilisik ang kanyang mata habang papunta sa akin. At tinanong ako. "Ikaw ba ang tapon ng librong ito?" galit na saad niya.

Natakot naman ako kaya nawala ang tigreng aura ko kanina.

"Ahhmmmm ako nga po."

"Ba't mo tinapon??" bulyaw niya sa akin.

"Ehhh kasi nahulog mo keychain mo tapos hindi mo ako pinapansin kaya binato ko libro ko." Paglalahad ko.

"Tss."

Tatalikod na sana siya ng hinawakan ko braso niya.

"WHAT?"

"Ayy galit agad? Wala man lang bang thank you man lang?" Pagsisimula ko. Ang totoo niyang magtatanong ako kung saan ba yung Engineering Building dahil diba kanina pa ako nawawala.

"Thanks." Aalis na ulir sana siya ng pigilin ko ulit braso niya.

"Teka!" Hindi siya nagsalita. Tumingin lang siya sa akin. Gwapo rin pala ang isang ito hindi ko lang napansin kanina dahil sa takot. Kaso nga lang medyo masungit hindi katulad noong lalaki kanina. "Ahh magtatanong lang ako kung saan ang Engineering Building?"

"There." sabi niya habang tinuturo ang building kung saan pumasok yung gwapong nilalang kanina.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa building, nang napansin ko na sinunsundan ako ng lalaking masungit. Binilisan ko ang lakad dahil baka sa ibang direksyon naman pala siya. Feeling lang talaga ako. Noong Malapit na kami sa building. Kinausap ko na talaga siya.

"Hoy bakit mo ako sinundan ha? Stalker ka no?" Pasigaw kong sabi.

"Psshh." Yun lang ang nadinig kung sabi niya pagkatapos niya akong lampasan at pumasok sa building.

Ok, pahiya ako doon. Nakatingin ang mga tao sa akin habang tumatawa. Ang feeling ko talaga hindi ko ba naisip na engineering din siya. Hayyss buhay parang life.

Hinanap ko na lang classroom ko kay sa mag bigti ako sa kakaisip kung bakit ko nasabi yun kanina.

Room E205.

Pagpasok ko ay wala pa ang teacher kaya naghanap ako ng silya. May swerte rin pa lang papasok sa akin ngayon dahil may isang vacant chair sa tabi noong lalaking nakabangga sa akin kanina.

"Oy diba ikaw yung babae kanina na nakabangga ko?" Tanong niya.

"Oo." Nahihiyang sabi ko.

"Ako nga pala si Daniel Salvador. Sorry nga pala kanina ha. And you are?" Masigla niyang sabi. Gwapo talaga si daniel. May matangos na ilong, puting-puti ang balat baka nga half to eh, at ang ganda-ganda ng mga ngiti. Mahihiya si Opra sa puti at pantay ng mga ngipin niya.

Bumalik ako sa realidad ng may nag snap ng finger sa harap ko.

"Natulala ka na dyan. Ano na pangalan mo?" Nakangiti pa din siya habang sinasabi niya yan.

"A-hhh A-ko nga pala si Claire. Claire Sanchez."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Silent LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon