Bumalik na kami ng classroom after ng recess. Umupo na ako sa permanent seat namin na ginawa ng class secretary namin at salamat sa Diyos katabi ko yung close friend ko dati na si Jenika. At least may makakausap na ako. Di ko na katabi si Kurt. Nandun na siya sa malayong dulo. Tinamad yata pumasok yung next teacher kaya free period kami ngayon.
"Kamusta na Aubrey? Tagal na natin di naguusap ah!"
Yes since Grade 4 pa kami last nagusap nito kasi yun yung last time na sumali ako sa school dance namin. Dun lang kami nag-uusap, never din kasi kami naging classmates neto.
"Eto buhay pa naman haha ikaw ba? May lovelife ka na ba? Yieee."
"Hehe yes I do have pero di pa kami. MU palang."
"Soon to be BF din yan. Ang ganda mo kaya tapos talented ka pa. Sure ako di ka papakawalan nyan!"
"Ikaw ba Aubrey--"
"Bree nalang Jenika."
"Ok fine Bree haha kamusta lovelife?"
"Aral muna girl. Hanggang crush lang muna ako"
"Sabagay...kaya ko nga pinapahintay si Lance eh kasi di pa tayo nasa tamang edad."
"Gusto mo sumabay samin for lunch? Kasama ko sila Aly, Jane, Julia at Kim."
"Hindi na, kasama ko kasi barkada ko."
"Oh okay una na kami ha! Kita-kits nalang later!"
Pumunta na kami sa usual spot namin sa canteen. Feels so good to come back here. Eto kasi yung place kung saan kumpleto kaming magbabarkada. Lagi kasi silang busy sa mga extra-curricular activities nila. Di naman kasi ako active sa mga ganyan kaya lagi ako naiiiwan mag-isa.
"Hey girls namiss ko kayo!"
"Same here, kamusta first day?"
"Ayun ni-stalk lang namin ni Bree si Liam."
"Besides that Aly kasi general fact naman ang pagsstalk ni Bree kay Liam 24/7 eh"
Tumawa silang lahat at eto ako pulang-pula.
"Balita ko may nabubuong love team sa class nyo ah." sabi ni Kim.
"Huh? Bakit di ako na-inform?" sumbat ko kay Kim.
"Busy ka kasi sa kaka-isip dyan kay Prince Liam mo."
"Di naman ako ganun ka-obsess no! Sino ba kasi?"
"Tanung mo dyan kay Julia, siya nagkwento sakin eh."
"Sabihin nyo na jusko pasuspense pa kayo dyan eh."
"Si Jane pati si Kurt Chang a.k.a. lola at lolo."
"Seriously?! May ntawagan agad sila?"
"O diba ayos! Hahaha!!"
"Ano ba naman girls, friends lang kami nun and pusoy dos buddy." depensa ni Jane.
Patuloy lang namin iniinis si Jane kay Kurt kasi never pa tong nagkaroon ng love interest kaya nakaka-intriga talaga. After lunch free period nanaman kasi may emergency meeting daw teacher namin. Naglalaro lang ng baraha sila Jane, Julia and Aly samantalang si Kim naman nagbabasa lang siya ng The Selection Series dun sa upuan niya. Tinitignan ko lang sila maglaro ng pusoy dos kasi di naman ako marunong nun.
"Hoy lolo madaya ka! Bakit ang dami mong dos?"
"Purket talo ka lang madaya agad tss..."
Cute mag-LQ nung dalawa, para silang aso't pusa. Mukhang mabit nga talaga si Kurt, bagay sila ni Jane. Parehas pa silang varsity player kaso si Jane volleyball naman.
I wonder kung ano kaya gingawa ni Liam.
"Aubrey?"
Napatalon ako kasi di ko ineexpect ang pagtawag niya sakin.
"Huh?"
"Wala haha kanina ka pa kasi tulala dyan."
"Sus lolo magconcentrate ka nalang dyan sa laro mo."
"Aba lolo narin tawag mo sakin ah!"
"Uh..I mean Kurt!" Namula ako bigla kasi baka akalahin niyang feeling close ako.
"Joke lang yun. Call me whatever you like wag lang lolo please."
Bakit? Kasi exclusive lang ang ganung tawagan sakanila ni Jane? WTH Bree why do you care?
"Whatever lolo." I smirked.