"OMG! Nandyan na siya Bree!"
"Shh wag ka maingay baka mahalata ako!" pabulong kong sabi sa maingay kong best friend.
Naglakad na papasok si Liam papasok ng kanyang classroom habang kami nasa tambayan namin which is yung labas ng classroom ni Liam. Nagkataon lang yun guys...well ok fine haha stalker talaga ako ni Liam kasi crush na crush ko siya. Ewan ko ba kung ano meron sakanya. Gwapo? hindi masyado pero malakas lang talaga ang sex appeal niya. Dito nga pala kami sa Zhong Shan High School nag-aaral. Isang prestigious Chinese school sa Manila kaya halos lahat talaga kami may lahing Chinese. Grade 4 palang ako inaadmire ko na si Liam hanggang sa naging crush ko na siya. Gentleman kasi siya at hindi malibog kahit na part siya ng varsity team ng basketball team namin. Sa ZSHS kasi mga basketball players saksakan ng kayabangan. Feeling nila sila yung hari ng school. Bihira nalang mga lalaking katulad niya kaya hangang-hanga talaga ako sakanya.
"O baka matunaw na yang si Liam sa kakatitig mo ha." sabi ni bes sabay hampas sakin.
"Sira ka talaga Aly! Tara na nga baka ma-late na tayo, first day pa naman ngayon."
"Kung sana lang kaklase natin si Liam no? Excuses pa more HAHAHA sige na nga pagbigyan."
Pumasok na kami ng classroom and as usual ano ba ginagawa tuwing 1st day ng 1st Year HS students? Edi ang walang sawa na introduce yourself sa bawat subject at class election of officers. teka lang nasaan bag ko? Bwisit talaga mga lalaki, napakawalang manners. Nauna kaya ako dun sa likod.
"Bree nilipat namin bag mo dun o. Dun ka nalang."
Kahit gusto kong makipag-argue sa kanila wala na ako nagawa since nandun na yung homeroom teacher namin. Naupo na ako dun sa gitnang upuan katabi ang isang guy na never ko pa nakausap sa buong stay ko sa ZSHS. Napakamalas nga naman o.
"Ok class state your name first followed by kung ano ang talent ninyo"
Edi ayun nagsimula na magintroduce mga estudyante ng kanilang mga sarili.
Tumayo na si guy seatmate at nagsimula na magpakilala.
"Hi I am Kurt Jarvis Chang...I swim. And yes I am part of the ZSHS swim team" sabay upo.
Ah kaya pala siya maitim haha joke ang racist ko. Alam kong Kurt ang pangalan niya pero di ko alam na varsity pala siya ng swim team namin. Since Grade 2 palang kasi madalas ko na makita yang si Kurt. Never lang nga kami naging classmates. First time lang to. Ayun natapos na rin sa wakas ang introduce yourself portion. Class elections na at na-elect ako bilang socio-cultural chairperson ng klase namin. Yun yung taga-gawa ng decors sa class tuwing may events.
*Class bell rings*
Sa wakas recess na! Feel ko mapapanis na tong laway ko kasi ang tahimik ng katabi ko eh. Di ko rin naman kavibes yung ibang malapit nakaupo sakin kaya quiet lang ako huhu.
"Kamusta Bree? Tahimik mo ata kanina hahaha"
"Pano ba naman ikaw dapat katabi ko eh bakit ako nalipat dun?"
"That's what you call destiny! Charot!"
"Destiny to suffer ba?" -.-
"Makipag-friends ka nalang kay Kurt, mukha naman siyang mabait eh."
"Baka mabait. Eh mukhang suplado nga eh."
"Yan tayo eh purket di gwapo suplado/stalker. Pero kung gwapo friendly/admirer."
"Hoy hindi ah! Fine makikipagfriends ako sakanya para maprove sayo na di ako ganun!"