CHAPTER 10: MISERABLE

118 3 2
                                    

"Mrs. Fontana, here."

"Look here. Here!"

"Smile. More."

Nakakapagod pa lang ngumiti. Dinaig pa ni Richy Lane ang isang celebrity. Mas nakakapagod pa iyon kaysa nang matapos ang unang sayaw nila ni Azazel bilang mag-asawa.

Sa isang pribadong resort ginanap ang reception. Napakaengrade ng lugar at halatang pinaggastusan. Bakit hindi? This is a Fontana's wedding that we are talking about. They are one of the richest families in the country, and to mention, kasal pa iyon ni Azazel na siyang nagpapatakbo ng lahat ng negosyo ng mga ito.

But this grandiose event is not meant for her. Of course she once dreamt of something like this, and that was before Henry died. Kinalimutan na niya lahat ng bagay patungkol sa kasal pagkatapos niyon. Her heart died with him, and her dream wedding was thrown to his grave.

Never in a million years that she had imagined herself being a part of a marriage facade.

She suddenly felt something on her throat. Para siyang masusuka. Umiikot ang ulo at ang sikmura niya sa bilis ng mga pangyayari. Pinilit niyang gisingin ang kaniyang diwa kahit panaka-naka ay natutulala siya.

Kasalukuyang naginginig ang kamay niya habang naghahati ng cake. Sinubukan niyang pigilan iyon gamit ang isa pa niyang kamay, ngunit lumaglag na ang kutsilyo sa sahig. Unti-unti siyang napaatras, palayo sa mesang pinaglalagyan ng pagkataas-tas na cake.

"Richy Lane." Ni hindi siya makatingin kay Azazel, ngunit dinig niya ang pagbabanta sa tono nito; iyong para bang nagsasabi na huwag siyang gumawa ng kahit anong eksena na ikakapahiya nilang dalawa.

"I-I... I need to use the restroom." She managed to say, even though her voice is shaking.

Tinalikuran niya ang lahat at malalaki ang hakbang na lumabas mula sa hall na iyon. She could still hear the whispers from that godforsaken room. It mixes with the tapping sound from her heels. Hindi niya namalayan na bumabagsak na pala ang mga butil ng kaniyang luha kasabay ng mga malalalim niyang paghinga.

She just... can't do this.

"It looks like honeymoon is happening earlier than expected." What a humorless joke. Walang kangiti-ngiti ang labi ni Azazel habang nasa harap ng mga nagkikislapang kamara. Agad na sinundan ng binata si Richy Lane palabas.

At that same time, Richy Lane continued to walk. Kahit na walang patutunguhan ang kaniyang mga paa, basta't makalayo lamang siya sa lugar na iyon. Nakalabas na sila ng tuluyan mula sa hall ay sumalubong sa kaniya ang madilim na paligid. Lumubog na ang araw sa kanluran at hindi sapat ang mga ilaw sa paligid upang ilawan ang daan niya. Halos madapa-dapa siya habang patuloy na lumulubog ang takong ng sapatos niya sa buhangin.

Malakas ang hangin na nanggagaling mula sa dagat, at mas lalo siyang nalulunod doon. Everything is suffocating. Hindi siya makahinga. Her overwhelming emotions mixed with the wind. Umiiyak niyang hinubad ang puting heels at itinapon iyon sa kung saan.

"Richy Lane!"

Hindi niya pinansin ang pagtawag ni Azazel nagpatuloy siya sa paglakad palayo, ang mga yapak niya ay bumabakat sa puting buhangin. Pumasok siya sa unang cabin na nakita niya at sinundan siya ng binata hanggang doon.

"Do not take another step." Galit niyang sabi kay Azazel. Nakatayo na ito sa nakasaradong pintuan, bitbit ang sapatos na tinapon niya kanina.

Sunud-sunod ang pagtulo ng luha niya habang pilit na inaalis ang mga alahas na nakasuot sa kaniya.

"Richy-"

"Don't come near me."

Sumunod naman ang binata. Nanatili lamang itong nakatayo sa may pintuan ng silid habang naghihisterikal siya. He did nothing; not a single move. But his gaze almost pierce her skin.

DESIRES OF A WICKED MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon