And that, ladies and gentlemen, was the start of her misfortunes.
"Wow..." Napanganga si Joe sa ikinuwento niya. "That was unbelievable." Umiling-iling pa ito at mabagal na pumalakpak upang inisin siya.
"This is all your fault." Tinampal niya ang kamay nito upang patigilin ito sa pagpalakpak. "Itigil mo nga 'yan. Lalo mong pinaiinit ang ulo ko."
Nakasimangot niyang sinimsim ang cold coffee niya. Sa isang café sila sa tapat lamang ng ospital dinala ni Joe pagkatapos nitong dalawin si Cespian. Sa awa ng Diyos ay tuluyan na itong nagkamalay at kasalukuyang nakikipagkwentuhan kay Cypress-kahit ang babae lamang talaga ang nagsasalita-bago nila ito iwanan ni Joe.
Iilang araw pa lamang ang nakalipas magmula nang magkausap sila ni Azazel sa penthouse nito tungkol sa plano nitong mapaibig ang kakambal niya. Joe eventually came that day, at ito ang naghatid sa kaniya patungo sa dati nilang tahanan. Lumipas ang araw na iyon na nahatid sa bago nilang titirhan ang mga gamit nila ni Cespian, pero buong araw siyang wala sa sarili. Buong magdamag siyang gising at pinagninilayan kung tama ba ang desisyon niyang tulungan si Azazel.
"And why is that my fault, Lelen? I just helped you with your dilemma," kunot ang noo na sabi ni Joe bago kumagat sa croissant nito. "Do you really want that building to rot forever?"
"Of course not!"
"Then Azazel is the answer."
"No!" Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. "You made me think Azazel is the answer when in reality he's the fcking problem."
"Who's the fcking problem?"
Natutop niya ang bibig nang marinig ang pamilyar na boses na kulang na lamang ay marinig niya hanggang sa kaniyang panaginip. Nanggaling ang boses mula sa kaniyang likuran, at dama niya ang presensya nito mula roon.
"Please tell me he's not behind me." Humina ang kaniyang boses, sapat lamang upang marinig ni Joe.
"He is." Kaswal na sabi ni Joe bago inubos ang kinakain nito. Napamura siya sa isip niya. Pambihira.
Ibinaba ni Azazel sa mesa ang isang venti coffee at maliit na paper bag, saka naghatak ng upuan sa tapat mismo niya. Naka-oversized ito na white sweater na pinarisan ng kulay light blue na jeans at puting sneakers. Naka-itim din ito na baseball cap ngunit hindi niyon naitago ang karisma nito. Sa katunayan ay mas lalo silang tinitirada ng tingin ng iba pang tao sa café na iyon. Para tuloy gusto niyang takpan ang mukha niya. Pakiramdam niya, nandiyan lamang sa tabi-tabi ang mga paparazzi na gustong makakuha ng scoop tungkol sa buhay ni Azazel. At dahil walang araw na hindi sila nagkikita, hindi na siya magugulat kung isang araw ay headline na ng dyaryo ang pangalan niya.
Hindi lamang basta headline. Magiging laman siya ng balita sa pangit na paraan. Dapat ay sanay na siya roon. Ilang linggo na rin kasing sirang-sira ang apelyido nila dahil sa utang na iniwan ng ama, pero hindi niya alam kung may mas isisira pa iyon, kapag napagtripan ng paparazzi na ibalita ang mga pagkikita nila ni Azazel.
Ugh. Should she really see his face everyday now? She really does not want to meet him, let alone be involved with him from the very first.
Mula pa sa mga kanuno-nunoan niya ay masyado nang involved ang mga Dizon sa mga Fontana, at gusto na niyang matapos ang sumpang iyon. She should break the freaking cycle. Ngunit paano naman iyon mangyayari kung magmula nang magkaroon sila ng negosasyon ng binata ay araw-araw na itong pumupunta sa ospital at hinahatak siya sa café na iyon, upang gawin ang masama nitong plano.
"Why are you here?" Hindi niya ipinahalata ang inis niya sa pagdating nito.
"To visit Cespian."
She gave him a bored look like indirectly asking him: are you being serious right now?
BINABASA MO ANG
DESIRES OF A WICKED MAN
Romance"You will pay for that debt, Richy Lane. With your body..." -Azazel Reedan Fontana *** Hindi akalain ni Richy Lane Dizon na ang natitirang mana na lamang niya mula sa kaniyang yumaong ama ay ang malaki nitong pagkakautang sa bilyonaryong si Azazel F...