Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Richy Lou bago nagsalita. Ngayong araw, isang mabigat na desisyon ang kailangan nilang pag-usapang magkakapatid.
Kasalukuyan silang nasa kusina. Halos kauuwi lamang nila pare-pareho. Galing si Cespian sa unibersidad nito, si Richy Lou mula sa photoshoot nito, at siya, mula sa opisina. Tinawag niya ang mga kapatid upang mapag-usapan kung paano magagawan ng paraaan ang utang na naiwan ng kanilang ama.
Kanina sa opisina, tinapat na niya ang lahat ng mga dating empleyado ng kaniyang ama na bankrupt na ang kanilang kumpanya at uunti-unti na niya ang pagtatanggal ng mga tauhan. Kaya naman doble-doble ngayon ang trabaho niya.
Hindi siya nakatulog kagabi sa kakaisip ng solusyon. Ngunit matapos ang lahat ng pag-iisip, isang bagay lamang ang naisip niya na maaari nilang mapagkuhanan ng pera.
"We need to sell the house," aniya.
"What?!" Halos mapatayo sa upuan si Richy Lou nang marinig ang sinabi niya. Habang si Cespian ay tahimik lamang na nakatingin sa kaniya, hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin.
"You heard what I said. We need to sell the house."
"But why?" Kunot ang noong tanong ng kaniyang kakambal.
"After carefully thinking of a solution, this is what I came up. We need to sell the house to be able to give separation pay to all our employees. Kahit ibenta natin ang bahay, hindi niyon mababayaran kahit ang kalahati ng utang natin sa mga Fontana, but at least we're able to give our employees their final pay. If we don't do that, I'm a hundred percent sure that we will face legal complaints, at mas kumplikado iyon. Marami pa namang empleyado ang mawawalan ng trabaho dahil sa pagbagsak ng kumpanya."
And she's not just talking about workforce on their bankrupt company, but also their maids and drivers. Napakarami nilang tao na kailangang bayaran ng separation pay dahil hindi na nila ito kayang bigyan pa ng trabaho.
"Whether we like it or not, we need to live on our own now. We cannot afford our maids anymore. Kung anuman ang matitira sa perang mapagbebentahan ng bahay ay gagamitin natin upang magsimula uli. We will basically rebuild our business, pay Cespian's tuition in advance, and... I don't know, find a small space to rent?"
Hindi makapaniwalang ekspresyon ang ibinigay ni Richy Lou sa lahat ng sinabi niya. "But how about us? Where are we going to live? I cannot live without a maid!"
Hinilot niya ang sentido niyang nagsisimula nang manakit.
"Richy Lou, you're a model. Between all of us, you have the most stable income." Mahinahon niyang sabi. "Don't you think it's time for you to decide for yourself?"
Nagsalubong ang kilay ni Richy Lou. "What are you trying to say? That I am irresponsible? That's why I cannot decide for myself?"
"Hindi sa akin nanggaling iyan." Malamig niyang tugon.
"How could you say that to you own sister; let alone your twin?!" Galit nitong sabi.
Hindi naman niya gustong sabihin iyon. Ngunit naisip niyang kung hindi niya iyon gagawin, hindi pa rin iisipin ng kaniyang kakambal ang hinaharap nito. She should start saving up for her future.
Napabuntong-hininga siya. "I'm just saying that you should help me find for a solution, instead of letting me shoulder everything."
"I am trying to! Do you think I am not trying to help?"
Itinikom na lamang niya ang bibig. Hindi na niya alam ang dapat gawin sa kakambal. Kilala niya ito, wala itong balak pakinggan ang sinabi niya.
"Akala mo kasi ikaw lang ang umiisip ng paraan e! Kasalanan ko bang baon tayo ngayon sa utang?! Di ba, hindi—"
BINABASA MO ANG
DESIRES OF A WICKED MAN
عاطفية"You will pay for that debt, Richy Lane. With your body..." -Azazel Reedan Fontana *** Hindi akalain ni Richy Lane Dizon na ang natitirang mana na lamang niya mula sa kaniyang yumaong ama ay ang malaki nitong pagkakautang sa bilyonaryong si Azazel F...