Noong ipinanganak ako ang kwento ng nanay ko nagkasunod sunod ang swerte na dumating sa pamilya namin.Dahil ako lang sa lima ko pang mga kapatid ang ipinangank na may ngipin na agad, ako lang din ang bininyagan at engrande ang naging handaan.
Nang lumaki na ko at nag-aral. Buong akala ko madadala ko ang ka suwertehang ito, para sa akin kasi hindi maganda ang mga ito dahil Grade 1 pa lang ako sa dami namin na magkakaklase ako pa ang napiling mabunot para ma transfer sa last section. Masyado kasi kami marami sa classroom ng section 1, kaya from setion 1 to last section ako.Hindi ito naging hadlang upang sumuko ako sa laban ng buhay. Hangang sa pagdating ko ng Grade 4, narating at naakyat ko ang section 2. Sa Grade 5 ko section 2 pa rin ako, pero may bunutan na naman ulit at sa hindi ko maipaliwanag na kaswertehan ako na naman ang napasama para madala sa last section. Sa pangalawang pagkakataon from section 2 to last section again, di pa rin ito hadlang sa akin, mataas kasi ang pangarap ko sa buhay.
Grade 6 ako, di naman sa kayabangan pero pasok ako sa top 5 in our class at homeroom secretary pa ako. Na i angat ko muli ang section ko from last to section 4. Mabilis ang naging takbo ng panahon sa anim na taon ko sa Elementary natapos ko rin ang mga naging pagsubok ng buhay elementarya.
BINABASA MO ANG
One True Love (soon)
RomansaHindi mo alam kung nakatadhana ba talaga o sadyang maalat lang ang buhay.Alam natin na mapaglaro ang tadhana kaya susubukin tayo nito at pag nalampasan mo ito tsaka ka pa lang liligaya.Ang tadhana ay parang buhay ng tao na bibigyan tayo ng pagsubok...