Isang linggo narin mula nang makarating kame ni Indoy sa Maynila at ngayon nag hahabol kame ng iba't ibang requirements para sa daratig na pasukan nag hahanap hanap narin kame ng mapapasukang part time job kung sakaling magipit kame sa mga kakailanganin sa school at pang bayad sa dorm. Iisang dormitory ang pinasukan namin ni Indoy sa West part ang mga babae at sa East part naman ang mga lalake.
Dalawa palang ang kasama ko sa Dorm si Ina at si Sarrah parehas na unibersidad ang papasukan namin mag kakaibang department nga lang si Ina kasi ang kukunin nya ay Education Major in English si Sarrah naman ay Mascom ang kukunin samantalang ako dalawa parin ang pinag pipilian kung mag business add or mag civil hindi ko pa alam pero si Indoy siguradong Business Add ang kukunin nya.
Ngayon ay nakapila ako at nag aantay nang tawag dahil may job interview ako nag apply ako sa Mcdonald's dahil sigurado ako eto lang ang pasok na kaya kong gawin nang hindi maaapektuhan ang pag aaral ko.
"Ano ba naman yan ang tagal tagal naman!"
Heto nanaman ang pag rereklamo ni Indoy at nabalitaan kong hindi naman talaa Indoy ang pangalan nya walang hiyang to na goyo ako ng napaka tagal ang totoo pala nyang pangalan ay Karl Rafael Legaspi ang astig diba wala sa itsura!!
"Hoy INDOY! sino ba nagsabing sumama ka saken? sasama sama ka tapos rerekla reklamo ka!"
"Tss."
"Miss Kristien Dela Cruz"
"Ah ako po yon!"
"Susunod kana. Sumunod ka saken."
Sana matanggap ako please lang nakooo!
Sumunod lang ako sa lalake at nakarating kame sa isang kwarto siguro yun yung office may CCTV monitor at maraming papel na hindi ko alam kung para saan."Maupo ka miss Kristien"
"Opo"
"Ok so you can call me Sir Alex. Ahmm nag aaral kaba ngayon?"
"ah oho sa **** University po"
"Ok ..."
Natigilan si Sir Alex at napatitig saken. Asus si sir may lihim alam ko namang maganda ako duh!
"Anak kaba ng mga Perez?"
"Hoh? Perez? Hindi ho!"
"Nag sasabi kaba ng totoo? kase bukod sa kamuka mo sila eh meron kang balat sa leeg"
"Opo Dela Cruz po ang apilyido ko at bago lang ho ako dito sa maynila at wala po akong kilalang Perez sino ho ba sila?"
"Hindi mo sila kilala? sila ang pinaka mayaman sa buong Asia pag mamayari nila ang ilan sa mga malalakenh Business Company"
"Wow! ang yaman naman nila!"
"Pero patay na sila at ang nawawala nilang anak ang natatanging mag mamana nang lahat n kayamang yon pero palagay ko tinatago lang sya para maprotektahan"
"Teka sir ang dami nyo ho atang alam?"
"Well let's go back to your interview"
Ilang minuto din bago natapos ang interview at umuusok na ang ilong nitong si Indoy
"ANO BANG PINAGUSAPAN NYO SA LOOB AT SOBRANG TAGAL MO!!"
"Hoy indoy ano ba tumigil ka nga ang ingat mo napaka mainipin mo talaga high blood na high blood ka masyado bab..."
"HINDI BABOY ANG ULAM KO KANINA!"
"Oo na tara na kumain nalang tayo dyan! Ay oo nga pala diba Business ang kukunin so dapat kilala mo ang 'Great Perez Family'?"
Natigilan sya sa sinabi ko ganun ba kagulat gulat ang tungkol sa pamilyang yon?
"Saan mo nalaman yan?"
Sobrang seryoso ng tanong nya na halos kilabutan ako sa takot
"Ahh sa manager sa loob tinanong nya ako kung anak ako ng yumaong mag asawa ang weird nga eh kapareha ko daw may balat sa leeg"
"Wag mo nang alalahanin ang sinabi ng Manager na yon sayo kung ayaw mong bumalik sa probinsya. Tara na kumain na tayo"
Isa pa tong weird pero natakot akong bumalik sa probinsya kaya hindi narin ako nagtanog inisip ko nalang 10 months nalang bago ako mag burthday ulet at debut ko yon kaya kailangan kong magipon gusto ko pumunta sa Enchanted ehh!
- - -
Pasukan na at napilitan akong Business Add ang kunin ko si Indoy kasi pinakeelaman ang Application ko bwiset ba yon kaya heto ako pero pwede narin to basics palang ang pinag aaralan 1st year palang naman at konting tyaga pa.
Nagsimula na akong klase ko at Math 1 ang klase ko pero nang nasa kalagitnaan na ng klase may biglang nagbukas ng pinto at sobrang gulat pate teacher ko napamura na!
"Sorry i'm late"
Walang ka latoy latoy na sabi ng isan lalake na para bang kagigising nya lang magulo ang buhok at medyo namumula pa ang mata nya matangos ang ilong at medyo singkit ang mata at magulo din ang damit nya at tyaka..
"Tapos kana bang titigan ako at pag pantasyahan ang kagwapuhab ko"
nagulat ako dahil nasa harap kona pala sya
"Huh?"
"Alam mo kung pwede lang kasuhan ang mga kagaya mo siguro pang 1million kana sa nakakulong. nasarapan kaba sa panggagahasa saken sa isip mo?"
Sa sobrang hangin ng nasa harap ko nagising ang utak ko at otomatikong nag turn on ang kamalditahan ko
"Uhm. excuse me? ako ginagahasa ka? Wala ka sa kalingkingan ni coco martin para i daydream nang gaya ko? alam mo sa sobrang talino ko naisip kong wala kanang pagasa sa buhay at hanggang dyan ka nalang. Walang mararating ang gaya mong puro yabang alam mo tingin ko mayaman ka lang kaya ka nakapasok dito bukod kasi sa kabastos bastos yang lumalabas sa bibig mo wala kapang galang di kaba tinuruan ng tama ng magulang mo?"
Sa sobrang ganda ng speech ko parang gustong pumalakpak ng mga angle sa langit pero yung kaharap ko kabaliktaran
bigla nya akong hinila sa kwelyo ng damit ko at nag tatangis ang bagang nya sa galit at kahit natatakot ako na masira ng ganda ko eh hindi parin ako nagpadala dito at nakipag titigan parin sakanya sasapakin nya dapat ako pero
"Tumigil na kayong dalawa kung ayaw nyong ma drop sa subject ko!!!"
Dun ay bigla nya nalang akong binitawan ng patulak at muntik pa akong matumba. Umupo na ako at sya naman ay umupo sa likuran ko atyaka pinagpatuloy ang pagtulog.
"Alam mo miss for sure magiging living hell to'ng paaralan na to para sayo at hihilingin mo nalang na sana hindi ka nalang nag exist. Di mo dapat ginawa yon hindi mo sya kilala at goodluck nalang sayo sa araw araw! Pakatatag ka huh!"
Matapos sabihin yun ng katabi ko ay otomatiko akong napatingin sa likod ko at sa sobrang takot pati ata ngipin ko nalunok ko na dahil nakatingin sya saken nang nakakaloko at mukang may binabalak na hindi maganda.
Napa sign of the cross ako bigla at nagdasal na sana magtagal ako sa school na to.