"Emelda!! buksan mo to. Emelda ako ito si amang buksan mo tong pinto"Pag sigaw ng isang matandang lalake na basang basa na ng ulan.
"AMANG! Anong ginagawa mo rito? ang sabi mo sa susunod na linggo kapa uuwi at sino iyang sanggol na hawak mo?"
Pagtatakang tanong ng isang Ginang na halos hindi na mapakali sa kung anong nangyayare.
"Sa loob na tayo magusap maraming himahabol saakin"
"Oh sige pumasok ka!"
Halos hindi na mapakali ang dalang matanda kung ano nga ba talaga ang gagawin nila at para bang sobrang gulo ng mga pangyayare
"patayin mo muna ang mga ilaw kailangan natin maitago ang batang ito kailangan natin syang iligtas"
Matapos patayin ang ilaw nanatili lang muna sila sa kanilang posisyon at hindi gumawa ng ingay na maaari nilang ikapahamak.
makalipas ang ilang sandali ..
"Amang ano itong nagawa mo nagnakaw ka ng bata? oo nga't hindi tayo magka anak ngunit hindi mo ka..."
"Tumigil ka nga Emelda alam mong hindi ko magagawa iyon! anak sya ng mga Perez at alam mo marahil ang patungkol sa kanila" Putol ng matandang lalake
"Oo sila ang.."
"Oo sila nga at pinatay sila ngayon." Halos hindi mabigkas tugon ng matandang lalake na para bang kasalanan ang bigkasin ang pangyayareng ito
"Oh dyosko!!"
"Wag na wag mong kukwento kahit kanino ang nangyare kailangan nating itago itong bata hanggang dumating ang panahon na malaman nya ang katotohanan. mag impake kana."
"Oo sge"
- - -
AFTER 17 YEARS
"Tay!!! Inay!!!"
nag mamadali akong tumakbo papasok sa kubong tinitirhan namin may maganda akong ibabalita na tiyak na ikakatuwa nila ina at ama!!
"Nako iha magdahan dahan ka nga at baka madapa ka. Ano nanaman ba iyang ibabalita mo at parang hindi makakapag antay"
Saway saken ni Inay, yon ang aking napaka ganda at napaka alagang Inay tiyak na matutuwa sya para saken sa ibabalita ko
"Nako Amang baka gumawa nanaman nang kalokohan yang anak natin .."
"Inay!! hindi ho iyon ang ibabalita ko! Inay, Itay! NAKAKUHA HO AKO NG SKOLAR SA MAYNILA!!!!"
"Maynila?" May pagtataka sa tono ni Itay na parang hindi niya ikinatutuwa ang nangyare
"Opo itay matutupad narin ang pangarap ko! makakapag aral narin ako sa kolehiyo!" Masigla kong pagsabi, matagal tagal ko narin pinangarap makapagaral sa maynila at makuha ang nais kong kurso, isang taon rin akong natigil sa pag aaral dahil sa kawalan ng pera.
Simpleng mag sasaka lang si Itay at si Inay gumagawa sya ng mga kakanin na inilalako namin sa hapon bilang miryenda narin.
Nawala ang ngiti saking mga mata dahil sa naging tugon ni Itay
"Hindi." Pag sabi nya non ay muli nyang itinuon ang atensyon sa pagbabasa ng dyaryo
"Itay? itay eto na to diba matagal ko nang naikukwento sainyo? pangarap ko to hindi ho ba kayo natutuwa?" Pag mamakaawa ko.
"Hindi kaya itigil mo na iyang pangangarap mo" pagsabi nya non ay halos nawala lahat ng tuwa sa katawan ko na halos parang dinudurog yung puso ko. Tumayo na si Itay at lumabas ng bahay iniwan akong umiiyak at hindi makapaniwala