Tama kayo ng iniisip naging impyerno nga ang buhay ko sa loob ng paaralan na to sa loob palang ng isang linggo.Halos naging trip ako ng halos lahat sa department ko, kahapon lang eh naligo ako nang wala sa oras kahit kakaligo ko palang naman talaga, pag bukas na pagbukas ko ng pinto eh may bumagsak na balde ng tubig saken at halos maiyak na ako sa inis at hiya wala manlang akong magawa tanong narin ng tanong si Indoy sa nangyayare pero tahimik lang ako ayokong madamay sya sa nangyayare.
Heto ako ngayon papunta sa canteen halos ingat na ingat ako sa lahat ng makakasalubong ko dapat wala akong mababangga sa lalakaran ko dapat walang basa o kahit anong bagay na makakapatid saken at matagumpay naman akong nakarating sa canteen at nakaupo sa isang bench para kumain.
Umorder ako ng pasta at C2 dahil busog pa naman ako at tinitipid ko yug pera ko dahil kaka text palang saken ng mcdonald's about sa trabaho ko at salamat naman at tanggap ako dahil mauubos na talaga ang allowance ko at hindi pa nag papadala si inay.
Akala ko ok na yung araw ko pero nagkamali papa ako. Bigla nalang may bumuhos saken na juice at pasta kaya pinagtinginan ako ng mga tao.
"Omg! Miss me so sorry i'm not intensioning to do those so sorry."
Sa sobrang yamot ko hindi ko alam kung sasapakin ko ba tong babae na to o pipilipitin ko yung dila nya dahil parang mas lalong akong nayamot sa english nya at kung english paba yun.
"You ok? naiintindihan mo ba ako? hello? di kaba marunong mag english?"
Wala na napikon na ako kaya pasensyahan nalang kame.
Binuhusan ko sya ng C2 at pinulot ko sa lapag yung mga nalaglag na pasta at ipinahid ko lahat yun sa damit nya.
"Wtf!! what you do that?"
"Serves you right bitch! wala akong ginagawa sayo o sainyo kaya pwede ba tigilan nyo na ako! kung sino mang duwag ang nag utos sayo nyan sakanya mo pabayaran yang nadumihan mong uniform, pero bagay naman sayo eh madumi din kasi yung ugali mo kasing baho din nyang english mo nagtaka tuloy ako pano ka naka graduate ng High School eh!"
Umiiyak syang lumabas ng canteen at nakatingin lahat ng tao saken lumabas narin ako at tinahak ang daan papunta sa CR pero bago pa ako makarating sa pupuntahan ko may nakabangga na ako.
"Sor-- IKAW?"
Tinitigan nya lang ako mula ulo hanggang paa tyka naglakad paalis pero sinundan ko sya papunta sa secret garden sa school
"MASAYA KANA? MASAYA KA NA NAKIKITA AKONG NAG HIHIRAP? ANO BANG PROBLEMA MO HUH! KUNG MAY PROBLEMA KA MAGPAKA LALAKE KA HINDI YUNG PARA KANG BAKLA NAG TATAGO SA LIKOD NG MGA INUUTUSAN MO PARA GAWING IMPYERNO ANG BUHAY KO!!!!"
"Sino ba may sabeng ako ang gumagawa nyang sayo?"
"WAG MO NANG BILUGIN YUNG ULO KO MATAGAL NANG BILOG TO!"
"Sagutin mo muna yung tinatanong ko. Sino ba may sabi sayo na ako gumagawa nyan?"
"Uhm. w-wala"
"Tss. tapos kana? pwede ba wag kang mangbintang nang wala kang proweba"
"ikaw lang naman may galit saken at ikaw lang naman naka bangga ko ahh."
"So ibigsabihin ako na gumawa nya? pwede kita ipakulong sa maling pang bibintang mo saken. Hindi ako ang may gawa nyan."
"Kung hindi ikaw sino?"
"Si --"
"TING! TING!"
"Indoy!"
"Ano pinag uusapan nyo?!"
"Ahh ano kasi In--"
"Wag kang makeelam dito Legaspi!"
"Ikaw ang wag makeelam dito Atienza!"
"Baket Legaspi sino ba siya? parang interesado ako hmmm."
"Nagkakamali ka ng babanggain mo Atienza sa oras na makeelam ka baka makalimutan kong may pinagsamahan tayo! Mark my words!"
Hindi ko naiintindihan pero hindi nalang ako nangeelam. matapos non ay umalis narin yung tinatawag na Atienza ni Indoy at kame nalang naiwan, naguguluhan parin ako ano ang ibigsabihin ni Indoy na wag mangeelam?
"Ahm Indoy ano kasi ano ba yung pinag uusapan nyo? tyaka magkakilala pala kayo? pano? tyaka ano ba yung sinasabi mong pinagsamahan nyo? Bakla kaba?"
"Tigilan mo na ang pagiging matanong mo at bumalik ka nalang sa klase mo wag kang pakeelamera!"
Natigilan ako sa sinabi nya at naiwang nakatulala ngayon lang nagtaaa ng boses saken si Indoy at ngayon lang din sya nagsalita ng masaket anong nangyare? baboy kaya ulam nya kanina?
Lumipas ang linggo at nging buwan, nagpatuloy ang pang bubully saken ng mga istudyante na para bang may nag toka sakanila kung anong araw at kung sa paanong paraan.
Pero may mg planong hindi natutuloy dahil narin kay Atienza hindi ko parin alam ang pangalan nya pero palagi nya akong nililigtas sa tuwing may kapahamakan na mangyayare para bang sya yung naging Hero ko sa araw araw.
Mag mi-midterm exam na at nagsimula narin ako sa trabaho ko ok naman medyo mahirap at nakakapagod dahil may klase din ako pero kinakaya ko naman para rin naman ito saken.
Naglalakad ako ngayon papuntang secret garden alam ko naman na andun si Atienza gusto ko sana sya makausap para narin magpa salamat.
At hindi nga ako nagkamali andun nga sya at natutulog nilapitan ko sya at umupo ako para makapantay sakanya. pinindot pindot ko yung muka nya at bigla nalang syang dumilat pero baket ganun paran huminto yung pagikot ng mundo at bumilis ang tibo ng puso ko. ano ba tong nararamdaman ko!.
"Anong kailangan mo?"
"Huh? wala! ay hindi ano kasi ano.. atyaka ano.!"
"Naiinlove kanaba saken?"
"Hoy anong pinag sasasabi mo dyan naiinlove pinag sasasabi mo!!"
"Eh baket nauutal ka at baket kaba andito?"
"Ano kase! mag papasalamat kasi ako sa pagliligtas mo saken tyaka bilang gante sinusundo kita may exam tayo ngayon diba baka ma late ka nanaman ikaw din bahala ka!"
tumalikod na ako at nagmamadaling umalis pero.
"Teka! may ano ka!"
"Huh?"
"Mero kang ano yung pula"
Pagkasabi nya nun ay yumuko sya at namula hindi sa hiya kundi nag pipigil ng tawa at dali dali kong tinignan yung palda ko at sa sobrang hiya napatakbo ako sa CR! Ughhh! nakakahiya!
Ilang minuto din akong nagtagal sa CR at alam kong mag tatime na pero may biglang kumatok
"Ako to may ibibigay ako sayo!"
binuksan ko lang nang bahagya yung pinto at bigla nyang inabot ang isang napkin nahihiya parin akong inabot ito at mahinang nagpasalamat.
"Walang anuman yon natural lang na TAGUSAN KA HAHAHAHAHA!"
ipinagsigawan nya pa talaga ang kapal ng muka Ughhh!
Pero hindi ko parin natanong yung pangalan nya. Bwisit ka ATIENZA!!!