CHAPTER 07

155 9 3
                                    

“Ikaw na ang susunod, huwag mong babaliwalain ang vision mo at umiwas ka sa malas.“ sabi niya.

Agad kong hinimas ang mata ko tsaka ako tumingin ulit sa kanya pero bigla na siyang nawala at ang nakita ko nalang ay isang ale na nagtataka.

Kaya hindi ko nalang iyon ininda tsaka na tumakbo ang jeep na sinasakyan ko.

Habang tumatakbo ang sasakyan ay parang na we-wierdohan ako sa mga nangyayare, dahil palagi namang bukas ang third eye ko pero bakit naglalaho pa rin sila?

Lumipas ang kalahating minuto ay nakarating na ako sa Antique shop namin at pag dating ko dun ay nakita ko si gregor na nakaatupag sa computer.

“Anong balita?“ Sabi ko nang makalapit na ako sa kanya.

Agad naman siyang tumingin sakin at nagsalita.

“Mal, sabi nung mga writers sa news daily updates ay para daw'ng sinaksak siya ng multo. Tingnan mo nga ang video, nakabukas ba ang third eye mo ngayon?“ Tanong niya sakin.

Tumango lang ako dahil araw araw naman itong nakabukas tsaka niya pinapakita sakin ang video.

Nang matingnan ko na ay dito ko nakita ang limang kutsilyo na kusang lumulutang papunta sa babae, pero wala naman akong makitang multo o kahit anong nakahawak tsaka kusa itong bumagsak at tumaob sa katawan nung babae.

“Wala akong nakita.“ Kunti kong sabi.

Agad namang nagtaka si gregor.

“Ano kaya ang mga kaganapan sa loob ng bahay na'yan?“ Sabi niya sabay hawak sa panga at nag isip.

“Sigurado ka bang wala kang nakita? Ulitin mo nga.“ Dagdag pa niya.

Pinanood ko ulit pero wala naman akong nakitang kakaiba o kahit anong kababalaghan ang nakahawak sa mga kutsilyong lumulutang.

Kaya aakmang magsasalita sana ako pero biglang nag ring yung telepono namin, kaya dali dali kong kinuha at sinagot.

“Goodmorning, this is PMSG, Paranormal Mystery Solver Group. How may i help you?“ Sabi ko.

Agad namang nagsalita ang tumawag.

“Goodmorning din, nais sana namin kayong imbitahan sa isang pag iimbestiga tungkol sa kakaibang nangyare sa isang babaeng sinaksak ng hindi nakikita. Ito ay hindi nasusulusyunan ng aming mga pulis kaya tumawag na kami sa grupo ninyo. Dahil sa mga ganitong pagkakataon ay tanging mga kagaya lang ninyo ang makakalutas sa kasong ito.“ Sabi niya.

Nang marinig ko yun ay agad akong napatingin kay gregor at pag tingin ko sa kanya ay nakikinig na pala sya kaya tumango siya agad.

“Pero wag kang mag alala, dahil this is under goverment investigation. Babayaran namin kayo ng tama.“ Ika pa niya.

Napangiti naman kami ni gregor, dahil pag nalutas namin ang mysteryong to ay malamang mababalita kami sa lahat ng channel sa TV. At pag nangyare yun ay kikilalanin kami ng mga tao bilang isang paranormal experts.

“Uhmm… malugod naming tinatanggap ang alok ninyo, at kung pwede paki lista nalang nung mga clue ninyong nakuha pero hindi na sulusyunan at e sent sa FB page namin para mas madali lang para samin na sulbahin ang kasong ito.“ Sabi ko at dito na natapos ang pag uusap namin.

Binaba ko na ang phone habang nakangiti, first time namin tong nakipag tulungan sa mga police detective.

Agad namang nagsalita si gregor.

“Magandang balita to pag dating dito ni jessica, I'm sure na matutuwa ang babaeng yun.“ Sabi niya.

Oo nga pala, speaking of jessica. Ba't ang tagal naman yata niya?

“Greg, tinawagan mo ba si jessica?“ Tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya at sumagot.

“Oo, alam mo namang mas malayo ang bahay nun keysa sa bahay ninyo eh.“ Sabi niya.

Hindi ko muna sinabi kay gregor na unti unti nang natutupad ang mga nangyayare sa vision ko bago pa mamat*y si jessica, pero hindi naman ako papayag na mawalan kami ng isang kasama.

Lalo na't ngayon na makikita ko na ang cause of death niya, at hindi pa naman nagpakita ang batang naglalakad sa kalsada, it means ligtas pa si jessica.

“Ganun ba, hindi na ako makapaghintay na sabihin kay jessica na may bago nanaman tayong lulutasin.“ Sabi ko at dito nga ay nagsalita si gregor.

“Maiba nga tayo, si mallory Infelicis na sinaksak ng limang kutsilyo ay isang mayaman na nag mamay ari ng limang rental house, at bago siya namat*y ay dumaan daw siya sa isang lamayan at pumasok sa loob kahit wala naman siyang koneksyon sa namayapa.“ Sabi ni gregor.

“Tapos, anong konek dun sa cause of death niya?“ Tanong ko.

Agad namang nagsalita si gregor.

“Base sa imbestigasyon, hinalukay daw ng mga police ang celpon ni mallory at ang huli niyang kausap ay si jessie. Nakipagkita umano ang lalaki ng 6pm sa club at nakauwi si mallory ng pasado 11pm na ng hating gabi.“ Sabi ni gregor at nagsalita pa.

“At ang nakasulat pa dito ay isang poser umano ang nag pakilalang ka date ni mallory,  at hindi daw ito tumuloy sa napag usapang lugar.“ Dagdag pa niya.

Dahil dun ay agad akong nagtaka.

“Diba pasado 11pm na ng gabi siya nakauwi? Diba dapat mga 6:30pm to 7pm lang? Kasi uuwi naman yun sa bahay pag nalamang hindi sumipot ang ka date sa napag usapang lugar eh.“ Sabi ko.

Sumagot naman si gregor.

“Malay mo may pinuntahan kaya nakauwi ng 11pm.“ Sabi niya. At pinagpatuloy ang pag babasa nung nakasulat sa computer.

“Ito pa ha, hinanap nila nag nasabing lalaki sa picture. At base sa imbestigasyon ay pat*y na raw ito at—”

Naputol ang pagsasalita ni gregor nang bigla siyang nagulat.

“Bakit?“ Tanong ko sabay tingin sa computer.

“Base sa imbestigasyon ay pat*y na raw itong lalaking to at saktong alas 11pm bago nakarating si mallory sa bahay ay huminto umano ito sa gas station na nag iisa at lumabas, pumunta siya sa lamayan at ang lamayan na iyon ay doon mismo nakatira ang nasabing lalaki na ginamit ang mukha nung poser.“ Sabi pa niya.

Nang marinig ko yun ay dito ko na na-realize na konektado pala ang lahat ng nakikita kong balita sa TV, yung mga vision ko at mga multong nagpapakita sakin para mag bigay ng babala tsaka sa mga nangyayare ngayon, lalong lalo na yung pag tawag ng PNP tungkol sa imbestigasyon.

Lahat ng iyon ay may kinalaman sa darating na araw ng pagkamat*y ni jessica, i think isa itong palatandaan. Kung ma'aagapan ko ito ay baka madaya ko si kamatayan.

To be continue…

⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

PREMONITION: CLAIRVOYANT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon