CHAPTER 06

162 12 5
                                    

Nang makita ko siyang naglaho sa harap ko ay bigla akong nagulat.

“Teka? Papanong nangyare yun?“ taka kong sabi sa isip.

“Mal, halika na dito sa loob!“ Sigaw ni jessica.

Hindi ko nalang yun ininda at pumasok na ako sa loob ng shop.

Pag pasok ko ay aakmang pupuntahan ko sana silang dalawa pero may isang vision ang biglang nagpakita sakin.

Agad akong nagulat at lumaki ang aking mga mata, dahil sa vision ko ay mamat*y si jessica dahil may tatamang pako sa ulo niya.

Di ko alam kung ano ang ibig sabihin nito, dahil first time tong nangyare. Third eye kasi ang ipinagkaloob sakin at hindi precognition.

*ANG PRECOGNITION AY MINSAN ITINUTURING BILANG ISANG HALIMBAWA NG MAS MALAWAK NA KABABALAGHAN NA HINDI MAIPALIWANAG NG MGA SAYANTIPIKO UPANG MAUNAWAAN ANG MGA POSIBLENG MANGYARI SA HINAHARAP*

Nang makita ko ang vision na yun ay parang bigla akong natakot, dahil kung totoo yung sinabi nung multo ay dapat gumawa na ako ng aksyon.

Tsaka paano malalaman kung kailan yun mangyare?

Ang dami na tuloy'ng pumapasok sa isip ko.

“Mal, hindi kaba pupunta dito?“ Dagdag pa ni jessica.

Huminga ako ng malalim at sumagot.

“Nanjan na jess.“ Sagot ko pabalik.

Agad na akong nagtungo sa cashier-an ng shop namin dahil nag iisa lang naman ang computer namin at nandoon lang yun sa harap ng chasier-an.

“Tingnan mo mal, hindi lang pangalan kundi pati apelyido ay kaparehas din kayo.“ Sabi ni jess.

“Feeling ko coincidence lang yan.“ Sabi ni gregor.

Pero ako? Hindi ako naniniwala na coincidence lang yan, dahil alam kong babala ito.

Noong natapos na kaming tumulong sa multo doon sa bahay ni aling berting ay biglang may nabalita, at doon palang ay babala na yun.

Tapos may nagpakita pa sa'king multo na pakarehas ng cause of death nung babaeng namat*y sa kwarto. At ang sabi pa nung babae ay “malas, mamalasin daw ako. At huwag kong babaliwalain ang vision.“

Tsaka ang higit sa lahat, nagkakavision nga ako, feeling ko planado ang lahat ng ito.

“Paki check nga kung tagasaan jess.“ Sabi ko.

Agad naman niyang hinanap ang information nung babae at dito namin nalaman na medyo may pagkalayuan ang baryo nila, mga tatlong sakayan kung pupunta kami doon. Pero pag gagamitin namin ang van namin ay 8 hours lang.

“Puntahan nga natin yan bukas.“ Sabi ko sabay tingin ng orasan.

Agad namang nagsalita si gregor.

“Mal, under goverment na yan. Wala tayong makukuha kahit isang sentimo jan.“ Sabi niya.

Ngumiti lang ako at sinabi ko sa dalawa kung bakit natagalan ako doon sa labas.

“Actually, nakakakita ako ng vision. At sa vision na yun ay mamamat*y si jessica.“ Sabi ko at nagpaliwanag.

Ilang minuto lang ang lumipas ay mapaliwanag ko sa kanilang dalawa kung ano ba talaga ang nangyare sakin kanina.

Halos hindi makapaniwala si jessica sa narinig, kahit ako ay nahirapang maniwala.

“S-sge, pupuntahan natin yan bukas since wala pa namang nagpa appointment satin.“ Sabi ni gregor.

Lumipas ang mga oras at gumabi na, umuwi na kami sa kanya kanya naming tahanan. At dahil sa kakaiba kong talento ay hindi ko naransan ang magka syuta kaya nag isa lang ako sa bahay ko.

Pagkapasok ko mismo sa loob ng bahay ay nagkavision nanaman ako.

Sa vision ko ay bago daw mamat*y si jessica, mahuhulog daw muna ako. Ewan ko kung saan ako mahuhulog at may isang maliit na kahoy ang matutusok sa paahan ko. May isang bata rin ang naglalakad sa kalsada, at jan na natapos ang vision ko.

Agad akong dumiretso sa kusina at kumuha ng tubig, uminom ako at agad ring nag luto ng makakain, pagkatapos nun ay kumain ako at nanood ng palabas sa TV, pagkatapos nun ay agad na akong nagpunta sa kwarto at natulog.

Kinabukasan…

Nagising ako dahil sa ingay ng phone.

*Ring!* *Ring!* *Ring!*

Agad akong napamulat at dali daling kinuha ang phone at sinagot.

“Hello?“ Sabi ko.

“Oyy mal, pumunta ka nga agad sa shop. May nalaman pa ako tungkol sa pangalang 'Mallory Infelicis' na yan.“ Sabi ni gregor.

Biglang nawala ang antok ko nang marinig ko yun kaya dali dali akong bumangon at pumunta sa hagdan, habang bumaba ako ay bigla akong nadapa at nahulog pababa.

“Arrggh!!..“ sigaw ko sa sakit at napansin kong may isang maliit na kahoy ang natusok sa paa ko.

Hindi ko yun ininda at aakmang lalabas na sana ako ng pintuan nang bigla kong naalala ang vision ko kagabi, mahuhulog daw ako at may matutusok sa paahan ko which is nangyare nga.

Kaya dali dali akong lumabas ng bahay at sa pag labas ko ng bahay ay tumingin tingin ako sa paligid pero wala namang bata ang naglalakad, kaya napahinga ako ng maluwag dahil ibig sabihin hindi pa mamamat*y si jessica.

Agad akong naglakad papuntang sakayan ng jeep kahit sobrang aga pa, habang nag lalakad ako ay may nadaanan akong lamayan kaya napatingin muna ako dahil hindi ko napansing may namat*y pala sa baryo namin.

I wonder kung sino ang taong yan kaya aakmang magpapatuloy na sana ako sa pag lalakad nang bigla kong narining na may isang matanda ang nanalangin sa harap ng kabaong kahit sobrang aga pa, kaya napatingin ako sa kanya.

“Ama namin sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo.“ Sabi niya habang ako naman ay nagtakaka, kasi ang alam ko ay tuwing gabi lang mananalangin sa pat*y. Pwede rin pala yun sa umaga.

“Mapasaamin ang kaharian mo, sundin ang loob mo dito sa lupa—”

Tinigil ko na ang pakikinig dahil na cu-curious lang naman ako tsaka ako nagpatuloy sa pag lalakad.

Ilang minutong pag lalakad ay nakarating na nga ako sa sakayan ng jeep, kaya agad akong pumara at sumakay.

Pag-upo ko mismo sa kaliwa ay bumungad sa harap ko ang isang babaeng duguan na may limang saksak sa dibdib tsaka siya nagsalita.

“Ikaw na ang susunod.“ Sabi niya.

“Huwag mong babaliwalain ang vision mo, umiwas ka sa malas.“ Dagdag pa niya.

Bigla akong nagulat sa biglaang pag sulpot niya at kinabahan dahil sa sinabi niya, kaya agad kong hinimas ang dalawa kong mata at nagbabakasakaling hindi siya yung nakita ko. Pero pagmulat ko ulit sa mata ay nakita ko ang isang aling nagtataka kung bakit ko siya tinititigan.

To be continue…

⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

PREMONITION: CLAIRVOYANT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon