DOS
KINABUKASAN, gising na si Maya, siya ang nagbabantay sa kaniyang tiyahin ngayon dahil umuwi muna ang Ate Jean niya at Kuya Ben.
“Maya…” pagtawag sa kaniya ng tiyahin.
“Tiya, mabuti naman at gising ka na,” sagot agad ni Maya at lumapit sa pwesto niya.
“Kumusta na ang pakiramdam mo, Tiya?” tanong agad ni Maya sa tiyahin.
“Sa awa ng Diyos, mabuti pa naman, Maya,” sagot ng kaniyang tiyahin.
“Kumusta naman si Kuya Danilo at Ate Faye?” pangungumusta naman ng tiyahin niya sa kaniyang magulang.
“Ayos lang naman si Itay at Inay sa probinsya, Tiya. Kaya no’ng tumawag si Kuya Ben sa bahay kasi dinala raw kayo sa hospital. Pinaluwas agad ako ni Itay para dalawin at samahan kayo rito,” sagot naman ni Maya at nakita niyang tumulo ang luha sa mata ng tiyahin niya.
Pinahiran naman agad ito ng Tiya niya.
“Sorry kung naabala ko pa kayo, Maya,” sabi pa ng Tiya niya.
“Naku, Tiya, hindi ka iba sa amin. Sino pa ba ang magtutulungan? ’Di ba pamilya rin lang?” sagot naman ni Maya at inabutan niya ang kaniyang Tiya ng binalatan niyang mansanas.
“Kumain ka muna, Tiya,” sabi ni Maya sabay bigay ng mansanas na binalatan niya sa tiyahin.
Nagkumustuhan lang sila ng tiyahin niya at nag-uusap ng kung anu-ano. Hanggang sa dumating ang usapan nilang dalawa sa trabaho ng tiyahin niya.
“Maya, may pabor sana ako, sa ’yo?” sabi sa kaniya ng Tiyahin niya.
“Ano po ’yon, Tiya?” sagot naman ni Maya.
“Nabalitaan ko kasi na naghahanap ka rin ng trabaho. May nahanap ka na ba?” sabi pa ng Tiya niya.
“Wala pa nga, Tiya, e,” sagot muli ni Maya.
“Bakit hindi na lang sa pinasukan kong trabaho? Ikaw muna pansamantala ang papalit sa akin hanggang puwede na ako makapagtrabaho. Para na rin makapag-ipon ka at may maipapadala sa probinsya?” suhesyon pa ng Tiya niya.
“Magluluto lang naman ang trabaho mo. At alam kong marunong kang magluto, Maya,” dagdag ko nitong sabi.
“Sabi kasi ng doctor sa akin. Hindi ko muna pwersahin ang sarili ko at dapat daw magpahinga ako ng tatlo o apat na buwan,” sabi pa ng Tiya niya.
Sa isip ni Maya, ayos na rin siguro ’yon. Kahit papano ay may trabaho na rin siya. Magada na rin at hindi na siya mahihirapan maghanap ng trabaho.
“Sige, Tiya. Kakausapin ko na rin muna sila Itay at Inay,” sagot naman ni Maya sa tiyahin niya.
Nginitian naman siya ng kaniyang tiyahin bilang sagot. Saktong bumukas naman ang pinto at pumasok ang kaniyang Kuya Ben.
“Maya, ako muna ang magbabantay kay Mama, samahan mo muna ang Ate Jean mo,” sabi sa kaniya ng kaniyang Kuya Ben pagkapasok nito sa loob ng kuwarto.
“Sige po, Kuya,” sagot naman ni Maya at tinungo ang pintuan ng kuwarto.
Pagkalabas niya at naghihintay na pala ang kaniyang Ate Jean sa labas ng kuwarto.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Billionaire ✓
General FictionMaya, a typical probinsyana girl, went to the city to find work. Her parents don't have a stable job to sustain their needs; that's why she decided to find work in order to help her parents. She works as a maid, where her aunt works. And then she m...