QUATRO
R18|SPG
Halos walang araw na hindi sa kuwarto ni Aries natutulog si Maya. Kahit gano'n pa man, alam ni Maya kung ano kaniyang tungkulin. Ngayong araw na rin pala uuwi ang magulang ni Aries kaya naman, kinakabahan si Maya kung malaman nila ang relasyon nila sa anak nito.
Sa mga nagdaang mga araw kasi, sinagot na ni Maya si Aries. Kaya naman, opisyal na silang magkasintahan.
“Natatakot ako, Aries. Baka magalit ang magulang mo at hindi ako tatanggapin,” sabi ni Maya ngayon ay naka-unan sa dibdib ni Aries.
“Hindi gano'n sila, Maya. Mabait pareho sila mama at papa,” sagot naman ni Aries habang hinaplos buhok ni Maya.
“Trust me, Mahal. Magugustuhan ka nila pareho,” dagdag pang sabi nito kay Maya.
Ngumiti naman si Maya sa sinabi sa kaniya ni Aries. Malaki Ang tiwala niya sa binata, at dahil mahal niya ito. Walang pagdududa ang naramdaman niya para sa relasyon na meron silang dalawa.
“I love you,” pahayag ni Aries kay Maya at tumayo ito.
“Ligo tayo?” pag-aya nito kay Maya.
Tumayo naman si Maya mula sa kaniyang pagkakahiga at sabay nilang tinungo ni Aries ang banyo.
Madali lang naman silang natapos maligo. At ngayon ay sinundo ni Aries ang kaniyang mga magulang sa Airport habang si Maya ay naiwan at nagluluto naman ng meryenda para sa magulang ni Aries.
Habang abala si Maya sa pagluluto mag-isa. Wala kasi si Daisy na kasama niya sana sa pagluluto dahil nag day off ito at umuwi sa kanila dahil birthday ng mga magulang nito. Kaya mag-isa na lamang siya.
Dahil sa sobrang abala ni Maya, hindi niya napansin ang pagpasok ng isa pang katulong na si Ivy.
“Kumusta naman ang paglalandi mo kay Sir Aries? Magaling ba sa kama?” Nagulat na lamang si Maya nang may nagsalita sa likuran niya.
“Ikaw pala, Ivy…” sabi ni Maya rito pero nakataas lang ang kilay nito sa kaniya.
“Wow, kung maka-asta ka naman parang inosente,” parinig na sabi nito kay Maya pero si Maya, hindi niya ito pinansin at patuloy lang siya sa kaniyang pagluluto.
Tila nagalit lalo si Ivy sa kaniyang ginawang hindi pagpansin sa sinabi nito sa kaniya. Ayaw kasi niya ng gulo pero parang naghahamon nang away si Ivy sa kaniya dahil sa itsura nito.
“Alam kung naririnig mo ako, Maya. At alam ko ano ang ginagawa mo kay Sir Aries. Nilalandi mo siya, ’di ba?” sabi pa nito sa kaniya.
“Siguro ginayuma mo siya no? ’Di ka naman maganda,” dagdag pang sabi nito.
“Ikaw maganda ka ba? Pangit ka na nga, pangit pa ugali mo,” sagot ni Maya rito. Hindi na kasi niya nakayanan ang mga masasakit na pinagsasabi nito sa kaniya.
“Kahit sana sa ugali ka na lang bumawi dahil bagsak ka na sa itsura pero bagsak ka pa rin sa ugali. Ang pangit nang ugali mo, katulad mo,” dagdag pang sabi ni Maya.
Halos pumutok naman sa galit si Ivy sa narinig niyag sagot kay Maya. Susugurin niya sana si Maya at susubukang hilain ang buhok pero hindi niya natuloy dahil may dumating at nagsalita.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Billionaire ✓
Narrativa generaleMaya, a typical probinsyana girl, went to the city to find work. Her parents don't have a stable job to sustain their needs; that's why she decided to find work in order to help her parents. She works as a maid, where her aunt works. And then she m...