Prologue

51 6 1
                                    

Naranasan mo na bang ma-in love? 'Yong tipong iisip-isipin mo pa rin 'yong tao kahit gaano kayo kalayo at kahit gaano na kayo katagal hindi nagkita?

Sometimes, I don't get the pocketbooks. The romance ones. 'Yong mga main characters kasi, nagkakabalikan kahit matagal na silang hiwalay. May umabot pa nga ng ten years bago sila nagkabalikan ulit. I don't get it. I mean, huh? Mahal mo pa rin ang tao kahit matagal na kayong wala? May feelings pa rin kahit na wala namang kasiguraduhan kung mahal ka pa rin ba nila o hindi na? Hindi ba nila naisipang mag-move on nalang?

But that was before. Now, I understand.

There are some things na sa taong 'yon mo lang makikita. Kahit maghanap ka pa ng iba. Kahit may mas better pa sa kanila. Mas gwapo. Mas matalino. Mas mayaman. The way they made you feel... hahanap-hanapin mo talaga. Kumbaga, hindi mo sila mapalitan.

And I hate it.

Every time I look around, or when someone pursues me, I can't help but compare them to that person. Hinahanap ko ang kaba, ang thrill, ang excitement. Hinihintay ko na tumibok ng mabilis ang puso ko. Pero wala pa rin. I hate it. Like, bakit mahal ko pa rin? Bakit? Sa dinami-daming lalaki sa mundo, bakit siya pa rin? I feel like I'm still stuck over a thing that doesn't even exist anymore.

Every night, napapaisip ako. At daybreak, the bubbles of my dreams pop off. And by the time that the sun rises, I'll realize that everything's over. Matagal nang wala.

Paano ba nagsimula ang lahat?

Kunot-noo kong pinagmasdan ang lalaking nasa hindi kalayuan. He was called by a girl and asked him to talk. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Today is Valentine's day at kakahatid ko lang ng mga orders para sa schoolmate ko na bumili sa akin ng paper bouquet. I don't know what to react. I just keep on staring at them.

"Okay lang 'yan, Feb." Tinapik ako ng isa sa mga kaklase ko. Tinignan ko siya at pilit na ngumiti, not confused anymore about why they were acting like that ever since I came. Ganito pala 'yong nakikita nila.

Hindi siya okay. I mumbled it to myself.

It was the guy I like and the president of the other section. I guess Tina was confessing? Ano pa ba ang ibang dahilan para mag-usap sila ng silang dalawa lang? And I would really appreciate it kung hindi sila nandito ngayon sa harap ng building, kitang-kita ng ibang estudyante.

I noticed when my schoolmates cheered for Tina. Sandali silang napatingin sa akin bago magpatuloy. All of them were aware that I like Lester since last school year. I was very vocal about my feelings for him, but he never knew it kasi he's 2 years older than us and so busy to even chat around.

"Bwiset, dapat talagang naka-public display?" Inis na sabi ni Riana na nandito sa tabi ko. Kararating niya lang rin at ganito kaagad ang bumungad sa kanya. "'Wag ka na ngang tumingin, Feb!" Sabi niya sa akin.

I was about to answer her when the cheers got even louder. Napatingin ulit ako sa dalawa. May lumapit na isang lalaki sa kanila at naghatid ng bouquet kay Lester. Napakuyom ako sa kamao ko. And after some moments, Lester gave Tina the bouquet, and that's it. Hinila na ako ni Riana palayo papunta sa cr.

Inis niyang nilapag ang make-up pouch niya sa lababo. I was breathing heavily because of the rush. I can feel the stares of our batchmates that were also inside the cr, 'yong mga nakakita rin sa pangyayari doon sa harap ng building.

"Gago! Gago siya!" Inis na sabi ni Riana. I nodded in agreement with her. "Hindi ako makapaniwala!"

Kahit nga ako rin, e. Naunahan ba naman ako? I just sighed at sumandal sa dingding. We can't do anything about it. Lester likes her back... Wala ng chance.

"Bakit hindi ka nagre-react d'yan?" Kunot-noong bumaling sa akin si Riana. "Hindi 'to, okay! Ilabas mo 'yan!" Niyugyog niya ang balikat ko.

I sighed. What's the point? Hindi naman nun mababago ang fact na hindi niya ako gusto. T'saka kung gaano siya naiinis, ganun rin naman ako. Hindi ko lang mailabas dahil baka ma-issue ako.

'Yong pagkagusto ko sa kanya, parang isang baso lang na puno ng tubig. Tapos ngayon, bigla nalang natapon lahat kasi may Tina pala.

"Magmove on ka na sa kanya. Bwiset. 'Di talaga ako makapaniwala." Aniya.

"'Wag mo na siyang anuhin. Hindi naman niya ako kilala. At saka hindi naman kami, 'no? May pa move on ka pang nalalaman d'yan." Sagot ko sa kanya.

"Anong hindi kilala, Feb? My gosh!" Umikot ang mga mata niya. "Famous ka, vocal ka about sa feelings mo para sa kanya, may mga kaibigan ka sa mga higher years, agaw-pansin ang kagandahan mo. Sinong hindi makakakilala sa 'yo n'yan? Kahit ang pinaka-nerd dito sa eskwelahan ay alam kung sino ka!"

I rolled my eyes at the nonsense she was saying. 'Ayan na naman ang ka-deluluhan niya. Baka may makarinig pa sa kanya, ang lakas pa naman ng boses niya!

"This month is supposed to be your month. February! Tinabunan ka pa talaga."

Tinawanan ko lang siya at mahinang tinampal ang braso niya. Yeah, right.

Nang makarinig ako ng hiyawan sa labas, hindi ko napigilang sumilip at nakita kung sino-sino ang paakyat sa ramp. Si Lester lang naman at si Tina. Mukhang ihahatid niya 'ata ang babae sa classroom.

"'Wag ka ngang tumingin!"

Mabilis at malakas na isinarado ni Riana ang pinto. Kumabalog 'yon ng malakas dahilan para mapapikit ako.

"Sino ba ang nakasakit sa 'yo d'yan, Riana?" Sabi ng babaeng palabas na sana ng comfort room.

Gaga talaga 'tong babaeng 'to.

Daybreak DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon