Chapter 04

23 4 0
                                    

"Bakit ang lalim ng iniisip natin, 'te?" Riana snapped her fingers at me. Napabalik naman ako sa ulirat. Kanina pa ako naghihintay sa kanya dito sa waiting area, as usual, at ang tagal niyang dumating! Palagi kasi kaming sabay na pumapasok sa building.

When I looked up at her, I was surprised to see her bare face. Wala siyang suot na make-up, mukhang lip balm lang 'ata. This is new, huh.

"Wow. Kung makatingin, parang first time na makitang ganito ako." Umirap siya sa akin. "Ano, pangit ba?"

Umiling ako sa kanya. "Hindi. Mas maganda kapag ganyan." I answered.

Tumawa siya sa akin at pinisil ang pisngi ko. "'Yan ang gusto ko sa 'yo, e! Nagsasabi ng totoo!"

I rolled my eyes at her before standing up. "Tara na nga. Akala ko pa naman natagalan ka dahil sa pagmake-up mo."

"Uy! Uy! Si Pres!"

"'Ayan na si Pres!"

Sabay kaming napairap at napabuntong-hininga nang marinig namin ang mga boses na 'yon. 'Ayan na naman ang mga kaklase naming bida-bida.

"Tulungan ka na po namin!" They gave me a sheepish smile. Palibhasa kasi, may atraso na naman sa 'kin kaya nagbabait-baitan na naman ang mga lalaking 'to.

Dala namin ang mga materials na kakailanganin namin para sa mga booth. Hinayaan ko nalang sila.

"Oh." Ibinigay rin ni Riana ang dala niya pero binelatan lang siya ni Josef.

"Si Pres ka ba? Hindi naman, ah." Aniya. Akmang susugurin sana siya ni Riana pero tumakbo na sila dala-dala ang gamit ko.

Nagtaas na lang ng dalawang middle finger si Riana sa kanila bago kami nagpatuloy sa paglalakad.

After I settled my things in our area, I decided to go to the nearest mall to buy the things that we needed. Kasama ko ang kaklase kong si Jill na nag-volunteer na sumama sa akin.

"Finally! Nakatakas rin!" Tawa niya. Nginitian ko lang siya.

Sumakay kami ng jeep at nagpunta sa SM Mall. Napatigil ako sa paghahalungkat sa bag ko nang hinawakan bigla ni Jill ang braso ko. Her palm was on her forehead.

"Ang tanga natin!" Itinuro niya ang entrance at nakita kong close pa pala 'yon.

Hindi ko napigilang tumawa ng malakas. "Ang tanga nga! Sino bang pumupunta sa mall ng alas-otso ng umaga? Ten pa naman magbubukas!" Sabi ko sa kanya.

"Bakit 'di natin naisip 'yon?" Tanong niya.

"Nakalimutan ko nga, e." Sagot ko.

We stood on the sidewalk, laughing. Ito 'ata ang pinakatangang ginawa ko. Ang dami ko pa namang binuong plano sa isip ko kanina sa jeep.

Naglaan pa kami ng ilang minuto sa pagtawa bago napagdesisyunan na magpunta nalang sa isang tindahan na nagbebentabng school supplies. Bumalik rin naman kaagad kami ni Jill sa school pagkatapos para tulungan ang mga ka-grupo namin na iset-up ang aming booth.

I didn't hear anything from Riana yet so maybe she's busy. Ang sabi niya ay magb-brain storming sila ng mga kasama niya.

Days have passed at napaka-busy talaga namin. Well, sila lang. I would always just volunteer to buy snacks sa mall because I want to reward my groupmate's hardwork. To be honest, I really know nothing about construction so I leave it to the boys. Me and Jill goes with the designing. That's where we're good at.

Ngayon ay ako lang mag-isa habang naghihintay sa potato fries na inorder ko. Medyo matagal pa bago maluto 'yon lahat dahil anim na tera lang naman ang inorder ng mga ka-group ko. Si Jill naman ay mag-isa ring naghihintay sa mga inorder na milktea.

Daybreak DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon