Chapter 02

24 4 2
                                    

"Gago, isang taon, Feb! Isang taon!"

Sinabunutan ko ang sarili ko habang nasa harap ng salamin nang maalala na naman kung gaano ako kapatay na patay sa lalaking 'yon.

"Anong isang taon?"

Nakita kong nakasilip pala si Kuya Jules sa pinto ng kwarto ko. May pizza na naman siyang dala kaya napabuntong-hininga ako.

"Pizza na naman?" Tanong ko. "Hindi pa nga ubos 'yong kahapon, e." Sabi ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot at pumasok sa kwarto ko. Nilagay niya ang pizza sa study table ko. Alam kong suhol na naman niya 'yan para mag-stay ako sa kwarto ko.

"Mag-stay ka nalang ulit dito sa kwarto mo." Aniya bago lumabas ng kwarto. Sinasabi ko na nga ba, e.

Napakagat ako sa kuko ko. I looked at the schedule on my phone. May naka-schedule kaming gala ni Riana ngayong gabi sa Aerok's Circle at hindi alam ni kuya na lalabas ako mamaya.

Kahit na ganoon, ni lock ko ang pinto nang mag-alas dies na. Nagsimula na akong mag-ayos. Tinignan ko ang oras, hinihintay ang tawag ni Riana. Nakapatay ang ilaw sa kwarto ko, kunwari tulog na. Naka-on pa rin ang mga ilaw sa baba at gising pa silang lahat.

I was in the middle of tying my heeled black boots when Riana finally called me. Mabilis akong lumapit sa bintana para tignan kung nandoon na ba talaga siya. And then I saw her leaning against the hood of her maroon BMW. She's in her maroon crop top paired with black leather jacket and skirt, and a knee length black boots. Nakalugay ang hanggang bewang niyang buhok at nakakulot.

Nang makita niya akong nakasilip sa bintana ay mabilis niyang binaba ang cellphone niya at pinatay ang tawag. I once again scanned my outfit. Nakalugay ang hanggang dibdib na buhok ko. I'm in my very short black crop top and black high waisted leather shorts, and under it was a black fishnet covering my entire exposed skin including my arms.

I tilted my head. Oh, I forgot my choker.

Nang matapos na ako, agad na akong tumalon mula sa bintana ng tahimik at hindi nagkasugat. Down there was a safe landing space from my room since it's the cemented roof of our kitchen. Kung wala sana kaming bisita dito sa bahay, e 'di sana hindi na ako nag-effort na tumakas. Tumalon pa ako ng isang beses mula sa bubong papunta sa damuhan ng bakuran namin.

Pagkarating ko kay Riana ay agad niya akong kinaltukan. "Hindi ka nag-iingat! Pa'no kung mabalian ka d'yan?"

"Hindi mangyayari 'yan." Nginisihan ko siya. "We better get going." Sabi ko. Umikot na ako papunta sa passenger seat bago pa may makakita sa akin.

Nang makarating na kami sa lugar, excited akong lumabas sa sasakyan. The place was jam packed because Rhayle, a racer, is here. Good thing that Riana got us tickets before it got sold out. Napakaingay sa paligid at nakakahilo ang mga usok at iba't ibang kulay ng light sticks.

The race track was blazing on fire and a large screen projected the faces of the racers. Ang lahat ay naghihiyawan kapag nakikita ang mga idolo nila. It's already my third time here pero parang ngayon pa lang ako nakatapak rito. Everything's amazing.

Aside from studying and eating, isa ito sa mga ini-enjoy ko minsan tuwing gabi. My late night takas with Riana. Hindi naman 'to palaging nangyayari kaya sinusulit ko talaga.

"Buy posters here if you want to show your support for Rhayle and JC!"

Nakarinig ako ng isang pamilyar na boses. Si Ate Eugene 'yon na may hawak na mga posters na may mukha ng dalawang kaibigan niya. She's my schoolmate sa universidad at naka-close ko siya sa minsan naming interaction.

Nang makita niya ako, kinawayan ko siya.

"Naku! Patay ka sa kuya mo!" 'Yan kaagad ang sinabi niya.

Tinawanan ko lang siya bago hinanap si Riana na kanina pa nakikipag-usap sa isang grupo sa bleachers. After almost an hour, nagsimula na ang racing. I just stayed with her, screaming and laughing the whole time. Hindi ko inalintana ang oras at kung sino man ang naghihintay sa akin sa bahay.

Daybreak DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon