Chapter 01

38 6 0
                                    

"Are you okay, Feb? Ilabas mo 'yan, masama ang magkimkim."

I sighed for the nth time.

"Sabi nang 'wag niyong ipaalala, e. 'Wag mo nang banggitin. 'Wag niyo ng pag-usapan! Ayoko ng may marinig pang nagchichismisan tungkol kay Feb at Lester. Magsitahimik!"

Good thing Riana spoke for me. Ilang beses na akong tinanong ng ganoon sa lahat ng taong nadadaanan ko. I'm fine kahit na ganoon ang nangyari, 'no? Ano ba ang ine-expect nila, iiyak ako? Ayoko ng marinig na pinag-uusapan nila si Lester. Naaalala ko na naman ang nangyari kahapon.

"Sorry. Nag-aalala lang." Sagot ng kaklase ko na binulyawan ni Riana.

First of all, I don't need anyone's sympathy. I know I should be grateful na may nag-aalala sa akin, but it's starting to get into my nerves at paulit-ulit na 'yon. Hindi naman ako nakakaawa. I'm just doing fine.

"Okay lang 'yan, Feb! Makakahanap ka rin ng bago!" Sigaw naman ng isa pang kaklase ko na mabilis tinapunan ng pencil case ni Riana.

Napabuntong-hininga ako ulit. Hindi ganoon kadali 'yon.

"Tara na nga, pumunta na tayo sa canteen." Hinila ko na si Riana palabas sa classroom dala ang notebook ko. May oral recitation kami mamaya kaya kailangan kong magbasa.

"Grabe, ang hirap ng stats. Na-stress ako! Dinagdagan pa ng mga kaklase natin." Reklamo niya sa akin.

Tinawanan ko siya. "Hindi naman mahirap 'yong stats. Hindi ka lang talaga nag-aral." Sagot ko sa kanya.

She made a face. "Nyenye. E, ikaw nga, hindi nag-aral pero ikaw 'ata ang highest. Mga matatalino nga naman."

"Matalino ka rin naman. Sa tingin ko, ikaw 'yong highest." Sabi ko naman sa kanya. Alam kong may sasabihin pa siya kaya tinikom ko na ang bibig niya at binilisan ang lakad sa ramp.

Riana muffled a scream and I can't help but laugh. Napatigil lang ako nang kagatin niya ang daliri ko. Napatalon at napasigaw ako sa sakit. Siya naman ang tumawa sa akin. Gaga 'to!

"Oy!"

Hinigit ako ni Riana nang may mabangga ako. I turned to the person and quickly bowed to apologize. Siniko ko muna siya bago magsalita.

"I'm so-"

"It's fine."

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napatingala sa lalaking nabangga ko. It's Lester! Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin at mabilis na nilagpasan kami, mukhang nagmamadali.

Mabilis akong napatingin kay Riana to check if we had the same reaction, pero naabutan ko siyang nakataas ang isang kilay.

"Hindi ko alam na nonchalant pala siya. Bakit nandito siya sa senior high department?" Tanong niya bago kami nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya lalo na't nakita rin namin si Tina na nagmamadaling umakyat rin sa ramp.

I tugged my heart when I remembered what happened yesterday. I quickly shoved away the feeling. The moment I saw what happened yesterday, that's the time I made my decision. Ititigil ko na 'to.

Dahil papalapit na ang midterms, ang dami na tuloy na gagawin. Sumali pa talaga sa stress ko ang mga teachers na feeling major ang mga minor subjects nila. Hindi ako makapaniwala sa gabundok na performance task!

Ilang araw na akong walang tulog! Mukhang mamamatay ako ng maaga dahil dito, e.

T'saka nakakainggit 'yong mga nagp-prom sa kabilang eskwelahan.

I was in the middle of zoning out when my name got called. Mabilis na nanlaki ang mga mata ko at napakuyom ako sa kamao ko. Shit! Talagang may oras pa akong matulala! Patay ako nito kung hindi ako makasagot.

Daybreak DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon