Chapter 8 (The Prom Night)

7 0 0
                                    

Red's Pov
Simula nung nakatanggap ako ng text mula sa kanya, sinusundan ko na siya. Hindi ko alam kung bakit pero parang feeling ko kulang ako kung wala siya, hindi buo araw ko pag di ko siya nakakausap o nakikita. Nung araw na nagtext siya, dun ko siya nakilala. Kung gaano siya kasaya kausap. Di ko alam kung bakit ako ganto basta ang alam ko, nagmamahal na ata ako. Tinatanong ko si Ian kung sino siya at kung ano ang pagkakakilala niya sa kanya. Napaghalataan na ako ni Ian, kasi di ako mapakali pag di ko siya nakikita. Naalala ko nung nabuking niya ako.
(Flashback)
"Bro, may gusto ka ba kay Mich ?"
"Ako ? Wala no."
"Sus, sige deny mo pa. Hahahahaha Halata naman eh."
"Halata ba masyado ?"
"Oo, bro."
"Di ko alam kung bakit naging gusto ko siya. Basta parang paggising ko hinahanap hanap ko na siya, siguro dahil nakakatext ko siya."
"So anong plano mo ? Ligawan mo na. Baka makawala pa. Sa prom, sa prom bro ! Sabihin mo sa kanya."
(End of Flashback)
Sa Prom. Ngayon yun. Ngayong gabi ko sasabihin sa kanya na mahal ko siya. Pero di ko alam kung paano ko sisimulan. Natotorpe ako.
Mich's Pov
Magkakasama kaming tropa ngayon sa iisang lamesa magkakatabi ang bawat mag partner. Mamaya pa naman yung cotillion pero kinakabahan na agad ako. Whyyyy.

Nagsimula na ang program at may mga prod number ng iba't ibang estudyante. Tahimik lang ako ng nag salita si Ria.

"Huy ! Mich, bakit ang tahimik mo ? Katabi mo lang si Red eh." sabi ni Ria

"Laa ? Inaano kita dyan ?"

"Joke lang Mich, bakit naman kasi ang tahimik mo dyan ? Dapat magpakasaya ka !"

"Ewan, kinakabahan ako eh."

"Diba sabi ko sayo wag kang kabahan kasi nandito naman ako ?" Biglang singit ni Red. Hala narinig niya pa yun ? >\\\<

"Yieeeee ! Hahahaha oo nga naman Mich." sabat ni Bhea.

"Tigilan niyo nga ako !"

"Okay juniors and seniors ! May we call on the selected students to present the cotillion." sabi ng emcee.

Kami na ang mag pepresent, kasama kaming buong tropa kaya tumayo na kami at nagprepare na. Habang nasayaw kami, may part na magpapalit palit kami ng partner. Nung una nakapalit ko ang isang 4th year, sumunod ang isa kong kaklase na bading, tapos si Ian. Habang nasayaw may sinabi siya sakin.

"Mich, madaming sorpresa ang sasalubong sayo ngayong gabi." Sabi niya.

"Sorpresa ? Di ko naman birthday eh hahahahaha." sabi ko na lang, ano naman kayang sorpresa yun ? XD
Then, nagpalit ulit kami. Napunta naman ako kay Red.

"Mich, I love you."

"Ano yun Red ? May sinasabi ka ba ? Ang lakas kasi ng tugtog eh."
Halos sinisigaw ko na yung sinasabi ko.
Ano yung sinabi ni Red ? Di ko narinig dahil sa biglang lumakas yung tugtog.

Natapos na yung cotillion at pagtapos nito ay kainan na. Nacu-curious ako dun sa sinabi ni Red kanina habang nasayaw kami, di ko kasi narinig tapos medyo madilim pa. Ano kaya yun ?
Matanong nga.

"Uhm, Red ano ba yung sinabi mo kanina nung nasayaw tayo ? Sorry di ko kasi naintindihan eh."

Red's Pov
SHET ! Bakit ko ba nasabi kay Mich agad yun ?! Shit talaga oh. Nadala kasi ako nung nakita ko siyang nakangiti habang nasayaw. Nakakainis naman ! Tapos ngayon nagtatanong tuloy siya, anong gagawin ko ?

"U-uhm, w-wala yun. Wag mo ng intindihin yun." Sabi ko na lang

"Ah ganun ba ? Okay."

Haaayssst. Naiinis ako sa sarili ko tama ba yung ginawa ko ? Sinenyasan ko si Ian na sumama sakin at may sasabihin ako.

"Excuse me lang guys ah."

"IAN ! Bro nag I love you ako sa kanya kanina !! Anong gagawin ko bro ?! Buti na lang di niya narinig."

"HAHAHAHA bakit mo naman sinabi agad yun bro ? Excited ka naman masyado. Mamaya sabihin mo na agad."

"Seryoso ka ba bro ? Kaya ko ba yun ?"

"Oo naman bro ! Ikaw pa !"

Haaaaay. Sana maging success ako mamaya. Sasabihin ko na talaga sa kanya.

Mich's Pov
Kakatapos lang namin kumain at sumenyas na ang Dj na bukas na ang dancefloor at nagparty ang lahat. Pero ako, nakaupo lang ayoko ng ganyan, magisa lang ako sa table ng biglang dumating sila Ian. Tinawag ni Bhea si Ian kaya sumayaw na rin siya.

"Mich, sayaw tayo ?" Alok ni Red.

"Ha ? Ah, sige" Tumayo ako at nagparty na din kahit ayoko ng ganito. Maya maya lang naging slowdance na yung tugtog. Biglang hinawakan ni Red yung kamay ko. At sinabing..

"Mich, alam kong masyado akong mabilis pero Mich gusto ko lang malaman mong Mahal kita."
Napatigil ako sa pagsasayaw at nanatiling nakatayo sa harap niya. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya pinapakiggan ko lang siya.

"Mich, simula pa lang nung tinext mo ako. Unti unti kitang nakikilala lalo na nung tinatanong kita kay Ian. Mich, sana mapagbigyan mo ako. Pwede bang mangligaw ?"

Kahit na medyo malakas ang tugtog narinig ko ang lahat ng iyon. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin pero bigla na lang akong tumakbo. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa nakakita ako ng puno. Hindi ko alam kung bakit pero umiiyak ako. Hindi ba dapat masaya ako ? Kasi yung crush ko na mismo ang nagsabi ng inaasahan kong sasabihin niya pero bakit ako naiyak ? Siguro dahil naiisip ko agad na sasaktan niya lang ako kung saka sakaling sagutin ko siya. Kasi diba kilala siya bilang isang playboy. Haaayst. hindi dapat ako naiyak. Pinipigilan kong umiyak nang may narinig akong tumawag sa akin.
"Mich ?"

Si Red...

You're My Crush !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon