RIELINE GRACE [POV]Tag-ani na ngayong buwan ng mayo, ibig sabihin mag kakaroon na naman kami ng masarap na pag kain pag mayroong naani at naibenta si itay.
"Rie! Tara kumain muna tayo kila Anne." napalingon ako kay Jezz ng tawagin ako nito.
"Sandali lang, malapit na akong matapos sa pag aararo!" sigaw ko pabalik dahil sa medyo magkalayo kami.
Ngunit mukhang hindi ako nito narinig at lumapit pa sa aking pwesto.
"Pinapagod mo masyado sarili mo Rie, paano pag nag kasakit ka na naman? Iitim ka talaga kapag nag babad ka na naman sa araw." halata ang pag aalala sa mukha nito at ang kaunting inis kaya nginitian ko nalamang sya at humingi ng tawad.
"Sorry Jezz, alam mo namang may sakit si itay kaya ako na muna ang pumalit sa trabaho nya para lamang may maihatid ako pera sa bahay pag uwi." napahinga sya ng malalim sabay gulo sa aking buhok.
"Napaka bait mo masyado Rie, mamaya na yan kumain muna tayo, kapag nahimatay ka na naman mas lalo kang mahihirapan." dahil sa kanyang tinuran ay napa tango nalang ako sabay ngiti.
"Tara na nga, baka hindi mo na naman ako pansinin ng isang linggo pag hindi kita sinunod." pang aasar ko kay Jezz
"Talaga, ang hirap mo kayang pasunurin ang tigas din ng ulo mong babae ka." natawa ako sa sinabi nito sabay takbo palayo sa kanya, lumingon ako at naabutan ko syang hinahabol din ako habang tumatawa.
Nakarating na ako sa pwesto nila Anne, nakangiti sila sa amin.
"Ang saya nyo tingnan Rie, bagay na bagay kayong dalawa hahaha." ngumiti sya ng matamis sa amin.
Napaka bait ni Anne, kulang nalang halo and wings para mas mag mukha syang anghel, lalo na at maganda sya.
"Hala, hindi uyy, ano kaba Anne alam mo namang mag kaibigan lang kami ni Jezz diba." pilit akong ngumiti ng may biglang tumapik sa aking braso.
"Ang bilis mong tumakbo kulot, dati ka bang chita?" aba iba na naman tawag sakin ng mokong na ito.
"Tara na Jezz, ano kakainin natin?" sabay hila ko sa kamay nya.
"Ah itong pancit lang, hindi ba paborito mo ito?" sabay ngiti nyang abot sa akin ng pancit na naka lagay sa bilao.
"Hala, nag abala ka pa talaga Jezz, salamat!" mag sasalita pa sana ulit sya ng sumabat si Anne.
"Kayong dalawa talaga laging may sariling mundo, nandito pa kami ni Jacov oh." nahihiya akong napa kamot ng ulo.
"Parang nag papasalamat lang ako Anne eh." napa labi ako sa kahihiyan.
"Oh sya sya, tara na at kumain, paborito mo pa naman ang niluto ni tita Criz" ang nanay pala ni Jezz ang nag luto nito, naku miss na miss ko na luto ni nanay Criz!
"Tiyak na napaka sarap nito, paki sabi kay nanay Criz na salamat ah Jezz." tumango nalang sya at ngumiti.
Nag karoon pa ng munting biruan at kwentuhan ng biglang mag salita si Jacov.
"Rie, may sasabihin nga pala ako sayo." tumitig sya sa aking mga mata ng napaka lalim, kahit na medyo naiilang ay nilabanan ko ang kanyang pag titig.
"My family will move to Manila, for me to continue my study there." nabigla ako at naluluhang napatingin sa kanya, nakita ko ang pag yuko ni Anne at pag tingin sa malayo ni Jezz.
"Hah? B-bakit parang biglaan naman ata?" pigil luha kong tanong, lumingon ulit ako kila Anne
"A-alam nyo na ba ito? matagal na ba Anne? Jezz?" mas lalo silang napayuko dahil sa aking tinuran, bakit ngayon lang nila sakin sinabi?
"D-dadalaw dalaw ka naman diba?"
ngumiti lang si Jacov sabay gulo ng buhok ko, bakit hindi nya sinagot ang tanong ko?Si Jacov ang tipo ng tao na tahimik at laging seryoso sa buhay, matagal na silang mag kakakilala nila Anne at Jezz ng dumating kami dito sa Baryo kasama sila inay noong siyam na taong gulang palang ako, sila din ang unang naging kaibigan at kakilala ko dito, kaya hindi ko alam kung kakayanin ko kapag iniwan nila ako.
"Everything will be fine Rie, babalik ako, babalikan ko kayo, babalikan kita, just please wait for me." Napatayo ako at yumapos sa kanyang bisig, ma mi-miss ko ang tawanan at asaran namin, lalo na kung paano ako nito i spoiled sa mga bagay bagay, tinuturing ko na syang parang isang kuya.
"Ma mi-miss po kita." naramdaman ko nalang ang pag hagod nito sa aking likod na mas lalo kong ikinaiyak.
Tuloy tuloy lang ako sa pag iyak, pahirapan na naman ang pag papakalma sa akin nila Anne at Jezz dahil sa ayaw ko ng bitawan si Jacov ng malaman kong mamaya na ang alis nila, masyadong mabilis ang pangyayari.
--
Nakatanaw ako sa labas ng bahay nila Jacov at patuloy na kumakaway.
"Paalam Jacov! B-balik ka dito ah!" patuloy akong kumakaway hanggang sa hindi ko na matanaw ang kanilang sasakyan.
"Pumasok na tayo anak, masyado ng malamig ang hangin ngayong gabi." muli akong lumingon sa huling pag kakataon at nag babaka sakaling bumalik sya.
Limang buwan na ang lumipas, gabi gabi akong naka tambay sa labas ng kanilang bahay, at hinihintay parin ang kanyang pag dalaw, nangako sya, nangako syang babalik sya, at mag hihintay ako.
Ngunit hindi na talaga sya bumalik muli na naman nyang hindi tinupad ang kanyang pangako, sayang minahal ko na pala sya ng hindi ko namamalayan.

BINABASA MO ANG
Silent Obsession
Romance"Crazy how i felt the string pulling me into you, when i'm drowning deeper and damn harder even you didn't do anything for me to notice you? F*ck i hate you but why do i still chasing you?" -Arazuli