RIELINE [POV]
Nandito na naman ako sa palayan, upang may kitain ako sa pangpagamot ni itay, nitong mga nakaraang araw ay lagi nalang itong galit at sumasakit ang ulo, alam naming may hindi tama kay itay dahil sa mga kinikilos nito ngunit wala naman kaming pera para sa pag pa check-up kaya todo kayod ako, hanggang sa makakaya ko.
Papunta na sana ako para abutin ang balde ng makita ko ang aking kapatid na si Ikang na tumatakbo palapit sa akin.
"A-ate! Ate! Ate! Si itay hindi na makahinga." ramdam ko ang pag kahingal nito dahil sa mabilis na pagtaas at baba ng kanyang dibdib.
Mag sasalita pa sana sya ng iniwan ko na sya dun at agad akong napatakbo pauwi sa bahay.
Naabutan ko si itay na naka handusay at akap akap ni inay habang umiiyak.
"Inay! Anong nangyari kay itay? Sandali at tatawag ako ng tulong!" lumabas ako saglit at ng makita ko sila Jezz at ang mga barkada nito na padaan sa aming bahay.
"Jezz! Tulong si itay... tulungan nyo k-kami." desperada akong nakahawak sa kanyang damit.
"Nasan si Mang Isko Rieline? Bilisan na natin." napalingon ako kay Keith ng tanungin ako nito at sabay turo ko sa bahay.
Hinila ako ni Jezz papasok bago ako nito bitawan para buhatin si itay.
"Dadalhin na n-namin sya sa malapit na hospital, dito kalang Rie a-anak at baka walang maiiwan sa bahay..." bilin ni inay, sasagot pa sana ako ng tumakbo na sila palabas.
Si itay, ano ba talagang sakit nya, sana naman ay walang mangyaring masama hindi ko alam ang gagawin ko pag nagkataon na mapahamak sya, mahal na mahal po namin si itay, panginoon gabayan nyo po sana si itay.
--
'Ring''Ring'
Agad kong tiningnan ang caller, at nag babaka sakaling ang tumawag ay sila inay para balitaan ako.
'Huh? Sino ito? Hindi ito ang number nila inay.'
Kahit nag dadalawang isip ay sinagot ko ito.
"H-hello?"
"..."
"Hi? May tao ba dito? Ay dyan pala?"
"..."
"M-multo ka ba?"
"T-the fvck Oreion! Who's this number in my fvcking contact list!"
B-bakit sya nag mumura? Hindi naman ako si Oreyon ah, pangalan ko rieline.
"Ah mister Ano, hindi po Oreyon ang pangalan ko, ang pangalan ko po Rieline." medyo ngiti ko pang saad sa kausap ko sa telepono.
"Sh*t! You're not who i'm talking, shut up bitch!"
Napakunot ang aking noo ng agad nyang pinatay ang tawag, ano bang problema nun? Ang weird nya naman.
Isinawalang bahala ko na ang nangyari at nag handa na lang ng makakain naman ni ikang, tatlong itlog at isang balot ng tuyo nalang ang nandirito, mukhang kailangan kong doblehin ang pag aararo ko, haist.
"Ate? Sino yung kausap mo kanina sa telepono?" tanong nito habang ngumunguya na agad ko namang ikinasimangot.
"Huwag kang mag salita habang may laman ang bibig mo ikang, kawalan yan ng respeto." hindi ko na pinansin ang tanong nito.
"Ate naman eh, sino nga iyon? Si inay ba iyon? Ano na daw balita kay itay?" sunod sunod nitong tanong na ikina lungkot ko.
"Sa totoo lang hindi si inay ang kausap ko kanina, boses lalaki iyon at ang lalim at ang lamig ng boses, kaya alam kong hindi sila Jezz iyon." saad ko sabay subo ng kanin.
"Huh? Maling numero ba ang tumawag sayo ate?" ang dami talaga nyang tanong.
"Sa tingin ko din, oh siya bilisan mo kumilos at may pasok ka pa." kinuha ko ang pinag kainan ko at dinala sa lababo, napayuko ako.
"Nakakamiss din pala talaga mag aral."
Huminto ako sa pag aaral 2 taon na ang nakakalipas ngayong 17 years old na ako ay dapat Grade 12 student na ako, kaso ang natapos ko lang ay grade 10, sapat na rin siguro iyun para makahanap ako ng trabaho, nagbabalak rin kase akong mag trabaho sa manila.
Bumaba na si Ikang dala dala ang kanyang bag, siya ay 14 na taon na matangkad sya para sa edad nya dahil 5'3 ang height nya habang ako naman ay 5'5, ang mata nya ay kulay tsokolate habang ang akin naman ay kulang itim, madaming nag sasabi na ang ganda daw ang aking mata lalo na at napaka itim nito.
"Tara Ikang, ayusin ko ang buhok mo." agad naman syang lumapit sa akin at umupo sa harapan ko, siguro terintas nalang ang gagawin ko sa kanya.
"A-ate? Iiwan mo din ba ako?" napa lunok ako bigla, hindi ko alam ang isasagot ko.
"A-ano wag mo nalang po pala sagutin yung t-tanong ko." sabay yuko, nanahimik nalang kami pareho, alam kong may ideya na sya sa mga plano ko, matalino si ikang.
Hinatid ko na si Ikang noong tumawag bigla si inay, mukhang matutuloy talaga ang pag alis ko papuntang manila.
Flashback: :
"Bye ate!" kumaway pa si ikang bago tuluyang umalis habang ako ay nakatayo lang sa labas at pauwi na sana ng may tumawag sa aking selpon.
"A-anak"
"Nay? Kamusta po si itay? Okay lang po ba kayo?" sunod sunod kong tanong ng marinig ko ang mga hikbi sa kabilang linya.
"N-nay?"
"Anak, si i-itay mo... may c-ancer." halos gumuho ang aking mundo sa aking narinig.
"P-po? Paano po nangyari y-yun? Imposible po, malakas si itay!" halos mautal utal na ako dahil sa kaba na aking nararamdaman.
"Hindi ko din alam, stage 4 na sya at kailangan nyang operahan at kinakailangan natin ng m-malaking pera..." napayuko na ako ng tuluyan at sunod sunod na ang pag tulo ng aking mga luha, grabe sunod sunod naman atang kamalasan ito.
Wala na akong pakialam sa mga taong dumaraan sa aking harapan at pinagbubulungan ako, ang sakit... Mukhang kailangan ko na naman atang mag sakripisyo.
End of flashback: :
Umakyat na ako sa itaas ng aming bahay at nag simula ng mag impake, sa sabado na ako aalis, kaylangan ko pang mag paalam kila Anne at Jezz mukhang hindi nila alam ang plano ko.
Ganun talaga siguro, kung hindi nila ako lalayuan ay iiwan naman nila ako, ang sakit bakit si itay pa? Si itay lang ang lagi kong karamay tuwing nalulungkot ako, sya lang din ang nandirito kapag may problema ako...
Aalis ako para kay itay kahit ayoko sanang umalis kase baka bumalik siya, baka hanapin nya ako.
BINABASA MO ANG
Silent Obsession
Romance"Crazy how i felt the string pulling me into you, when i'm drowning deeper and damn harder even you didn't do anything for me to notice you? F*ck i hate you but why do i still chasing you?" -Arazuli
