CHAPTER 3

8 1 1
                                    


RIELINE [POV]

"Jezz! Anne!" patakbo akong lumapit sa pwesto nila malapit sa ilog.

"Oh, bakit ka tumatakbo Rie, paano kung madapa ka? Baka magkasugat ka na naman haist." napanguso na naman ako dahil sa tinuran ni Jezz, napaka overprotective nya masyado.

"Chill ka lang pre, pero tama si Jezz baby rie you shouldn't run like that." napalingon ako kay Keith ng sya naman ang sumaway sakin, lumingon naman ako kay Anne para sana humingi ng tulong pero nginitian lang ako nito. taksil ka Anne!

"Oo na, sige na nga." pagsuko ko sa kanila.

"Rie, bakit mo nga pala kami tinatawag?" ay oo nga pala

"Kailangan kong mag hanap ng trabaho." sabi ko na ikina taas ng kilay ni Jezz, pft.

"What? Hindi ba nag tatrabaho kana dito? Why? Mag mumultitask kaba? Hindi ka naman si four arms Rie." ayan na naman ang pagiging oa ni Jezz.

"Ayaw mo na ba sa palayan Rie? Sabagay ang init nga din dun." Tama naman din si Anne.

"Okay lang kahit saan ka mag trabaho basta lagi mo lang dalhin ito." may kinuha si Keith sa bulsa nya at inilagay sa palad ko.

Napasimangot agad ako ng makita ko kung ano ito ng hablutin ito ni Jezz.

Picture ni Keith -,-

"Siraulo ka talaga Keith!" inipit ni Jezz si Keith sa kanyang braso sabay kutos sa ulo nito, na ikinatawa naman ni Anne.

"Tama na!! Tulong baby Rie! Anne my friend helppp!" tawa parin kami ng tawa dahil sa kanilang dalawa, kaso kailangan ko na nga palang sabihin sa kanila ang plano ko

"Hahaha, hindi yun ang ibig kong sabihin, napamahal na sakin ang palayan, pati na rin kayo maging ang mga nag tatrabahong kasama ko sa bukid pero ang ibig kong sabihin ay luluwas akong manila para sana duon mag hanap ng trabaho." tuloy tuloy kong paliwanag dito.

Saglit na katahimikan ang bumalot sa amin.

"G-great, isa ka din palang mang-iiwan." napatitig ako kay Jezz ng bigla itong tumayo, hahabulin ko pa sana ito ng pigilan ako ni keith sabay iling.

"Hayaan mo muna sya, kailangan nya ng sariwang hangin, alam mo naman siguro kung paano yun magalit." tama, at ayaw ko na yun alalahanin pa.

--

Nakatayo ako sa harap nila Keith at Anne at ni Ikang, tatlong araw na mula ng iwan kami ni jezz sa ilog.

"Sure kana ba talaga?" napangiti ako sa nag aalalang tanong ni Anne.

"Oo para rin naman ito kila inay, susubukan ko namang dumalaw dalaw dito, alam mo naman kailangan ko lang talaga ng pera." sabay gulo ko sa buhok ni Ikang dahil sa kanina pa sya lumuluha.

"A-ate naman eh bakit ang u-unfair mo..." hinalikan ko lang ang ulo nito sabay yakap sa kanya.

"Shh, nandyan naman sila ate Anne mo, dadalaw dalawin ka naman nila, mag papadala din ako ng mensahe sa inyo nila inay, kaya huwag ka ng mag alala Ikang."

"Kung pera lang naman pala ang problema, you can borrow from me baby Rie, so you wouldn't leave." Napailing ako sa tinuran ni Keith.

"Ayokong magkaroon ng utang na loob Keith, sapat na yung tulong na naitulong nyo sakin, masaya na ako dun." mukhang suko na sila dahil napailing nalang sila.

"If that what you want, but never let that bastard get near nor touch you, got it?" Wala akong naintindihan sa itinuran ni keith dahil sa sinabi nito kaya tumango nalamang ako bilang pag sang ayon.

"S-si Jezz? H-hindi nya ba ako ihahatid?" napalunok nalang ako.

Ang hirap huminga kapag alam mong may taong galit sayo, hindi ako mapakali, ayaw kong umalis ng may naiiwan ditong may galit sa akin, baka hindi ako makatulog ng maayos.

"Hindi rin namin alam, hindi rin namin sya nakita sa school, umabsent sya kahapon." mukhang hindi nya ako maihahatid pa alis, ang sakit naman.

"Ganun ba, sige mauna na ako, ma mimiss ko kayo! Ingat kayo ah." kumakaway sila, habang si Ikang naman ay nakayakap na kay Keith na syang pasimple kong ikinairap, ang harot talaga.

Nakasakay na ako ng Bus na papuntang terminal, natulog muna ako saglit ng magising ako ng maramdaman kong nag sisibabaan na ang pasahero.

"ANDITO NA TAYO SA TERMINAL, MAG SI BABA NA KAYO!" ang lakas naman makasigaw ni manong, gising buong kaluluwa ko ah.

Pababa na ako habang hawak hawak ang maleta ko at sa hindi inaasang pangyayari natapilok pa ako pababa sa Bus.

Ipinikit ko na ang aking mga mata, hinihintay kong tumama ang aking katawan sa lapag ngunit imbis na sa matigas na sahig ako mahulog ay sa isang malambot, masarap at mabangong bagay ako natumba? Wait ang sinabi ko ba ay masarap at mabango?

"P*uta!" h-hala bakit sya nandito?

"H-hala, bakit ka nandito Jezz, aalis ka din ba?" ang sama ng tingin nya sakin na ikinayuko ko.

"Kahit kailan talaga kulot lampa ka." randam ko ang inis nito sakin na ikinagilid ng mga nag babadyamg luha sa aking mata.

"H-hindi ko naman sinasadya, b-bakit nagagalit ka?" naiiyak habang nakatingin din ng masama sa kanya.

Lumamlam naman ang kanyang mga mata ng makita nitong nagsituluan ang aking mga luha.

"I'm not angry, i'm just upset and look, i'm here para ihatid ka sa sakayan." pinunasan nya ang aking mga luha, kaya naman ay napangiti ako bahagya.

"Ma mi-miss kita Jezz." sabay yakap ko sa kanya.

"I miss you and i will miss you too 𝖬𝗂𝗅𝗎𝗃𝗂." sabi nya at hindi ko narinig ang huli nitong sinabi, ngunit isinawalang bahala ko nalamang iyon.

May inilabas sya sa bulsa nya, isa itong kwintas na kulay silver na mayroong pendant na kulay pula. Ruby.

"Come here Rie, i'll put this necklace to you." lumapit ako dito at isinuot ito sakin

Mukha itong mamahalin, pero alam kong hindi naman ako nito bibigyan nito ng ganun ka mahal, alam kong wala naman din syang ganung kalaking pera. Baka inutang nya sa sanglaan?

"A-ang ganda, s-sakin ba talaga ito?" aba malay ko bang it's a prank lang ito, madalas pa naman iting mang asar.

"Of course, that's my gift to you, so you should give me a gift too when we meet again." napangiti na naman ako, kahit kailan napaka bait ni Jezz sakin, kaya nga tuwang tuwa ako tuwing kasama sya.

Sya na ang nag dala ng maleta ko hanggang  sa makasakay ako, halos ayaw nya na akong bitawan pero kailangan ko na talagang umalis kaya wala syang nagawa.

Sana maging maayos ang buhay ko sa manila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Silent ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon