CHAPTER 2

140 5 0
                                    

NILAPAG KO sa mini table ang pagkain binili ko kanina sa cafeteria at isa't isa nilabas sa loob ng plastic bag at inayos 'yon.

Kanina din, pagkapasok ko dito ay agad sila nagpaalam saakin na aalis na daw sila dahil may klase pa sila kaya kami nalang dalawa ang naiwan ngunit natulog ulit ang kambal ko.

Balak ko din na umuwi muna kami upang makapagpahinga na siya. Pina-excuse na din kami ni Nancy sa dean at sa lahat ng professor na may nangyari sa kambal ko. Pumayag naman sila dahil nakarating na sakanila ang nangyari sa kambal ko.

Ang dali-dali talaga kumalat ng chismis,

Inayos ko lang ang pagkain kung sakaling magising siya ay nakaayos na ang pagkain niya.

Dahil kanina pa ako gutom, hindi na ako naghintay gumising si Angel upang sama-sama kaming kumain dahil kanina pa talaga ako nagugutom para alam niyo lang.

Kumuha ako ng isang plastic plate na hiningi ko sa cafeteria at kumuha na ng ulam at syempre, hindi-hindi mawala ang kanin.

Tahimik lang ako kumain ng may biglang nagsalita na nagpatigil saakin.

"Ang oa mo naman. Hindi mo ako hinintay."

Inangat ko ang ulo at pinagtaasan ng kilay. Kasalanan ko ba kung gutom na ako?

"Gutom ako, eh." Ikling saad ko at nagpatuloy kumain. Sa peripheral vision ko, nakita ko naman siya bumaba sa kama at tumungo sa gawi ko. Umupo ito sa tabi ko.

"Asan ang akin?" Tanong nito.

"Nakadikit lang sa katawan mo." Pagpilosopo ko.

"What the heck! Tinanong ko kung nasaan ang pagkain ko hindi ang nakadikit sa katawan ko. Ang slow mo talaga." Inis na saad nito. Malay ko ba kung iyon ang tinanong niya. Pero, wait-- ano daw? Slow?!

Nilingon ko siya at pinagningkitan ng mata.

"Anong sabi mo? Slow?!"

"Diba, hindi ka naman bingi?"

Inismiran ko lang siya. Wala naman ako mapapala diyan kundi mang-asar at mangpilosopo.

Tinuro ko naman ang pagkain na nasa gilid. "Iyan ang pagkain mo."

Nanliwanag naman ang mukha niya at dali-dali itong kinuha. "This is my favorite!" Balak sana niya yumakap saakin ngunit agad kong hinarang ang kamay ko dahilan hindi na tuloy ang pagyakap niya saakin.

"Ang oa mo naman! Yakap lang dahil binili mo ang paborito kung fried chicken at burger!" Nakapuot nitong saad bago nilantakan ang pagkain na masaya ang mukha. Napangiwi naman ako sakanya. Para siyang batang lansangan na bago lang nakakain ng fried chicken at burger. E sa mansion, araw-araw naman 'yan kumain ng paborito niyang pagkain.

Lumubo ang mukha niya dahil sa daming pagkain sa bunganga niya.

"Hinay-hinay lang kumain baka mabilaukan ka. Wala naman mang-agaw ng pagkain mo." Suway ko sa kanya. Nilunog muna niya ang pagkain bago nagsalita.

"Malay ko ba aagawin mo ito saakin. Tsaka wag kang oa, okay? Walang taong mabilaukan sa masarap na pagkain."

"Kahit masarap ang pagkain, mabibilaukan ka naman kung puno-puno ng pagkain ang bunganga mo."

Inarapan ako nito. "Pwede ba kumain kana lang at wag nang judgmental." Inis nitong saad. Nabilaukan naman ito pagkatapos niya magsalita.

"Yan na ba ang isanasabi ko, e. Asan 'di mabilaukan sa masarap na pagkain? Asan?" Binigay ko naman ang isang mineral water sakanya na agad din niya ininom. Nung nahismasan na siya, tumingin ito saakin ng matalim.

Behind Them Mask (Underground Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon